Hapo
May 15, 2008 by LenggaiDiyos ko. Napapagod ako.
At nang mabasa ko ulit ito, bigla na lang akong nalungkot.
Diyos ko. Napapagod ako.
At nang mabasa ko ulit ito, bigla na lang akong nalungkot.
Kung may dalawang bagay na pinanghihinayangan ako… ito ay ang mga sumusunod:
1. Gumastos ako ng mahigit P16,000 para sa boxing lessons na hindi ko naman naipagpatuloy.
2. Gumastos ako ng mahigit P14,000 sa driving lessons na puwede ko namang makuha nang libre.
P16,000 + P14,000 = P30,000
Trenta mil pesos! Kung pinang-enroll ko na lang ‘to sa swimming lessons, may pambili pa ako ng kulay pink na two-piece na Speedo.
At malamang sa hindi, may lisensya na rin akong mag-dive.
Read the rest of this entry »
Laging sinasabi sa akin ng Papa ko: “Ano man ang mangyari, huwag na huwag mong ikokompromiso ang trabaho mo.”
Kaya nga tinawag ‘yang trabaho… kailangan siyang gawin, ayusin at tapusin… kahit pa matapat ito sa Mother’s Day.
Read the rest of this entry »
Me tanong ako:
Read the rest of this entry »
Sa limang taon kong pagiging alagad ng media, maraming bagay pa rin akong hindi maintindihan…
Sagana ako sa dilig… at unti-unti na akong nalalanta.
Kailangan ko itong isulat para hindi ako tuluyang malunod.
Busog ang panahon ngayon… at ako ay pinagpala.
Pinag-uusapan namin ni Mama nung isang araw ‘yung tungkol sa pag-display ng grad pic sa bahay.
Kaka-gradweyt lang kasi ng kapatid ko, Advertising sa UST. Pangalawa na siya sa mga “tropeo” ng bagong henerasyon ng pamilya Perez.
Ako ‘yung una.
Makalipas ang pitong taon, ngayon lang niya naisipang hingin ‘yung litrato ko. Ipapa-frame daw nila ni Papa.
Natawa ako.
Isa sa mga pinakamatinding karma na puwedeng maranasan ng isang makati ang paa na prodyuser eh ang ma-assign sa lugar na ubod ng ganda pero wala siyang abilidad para namnamin ito…
Aalis muna ako.
Binabalakubak ako… sa wakas, kahit papaano, nakaramdam ako ng lamig!