Archive for Enero, 2008

Zambo

Enero 30, 2008

1450:

May announcement ang PAL: “Free round trip ticket with hotel accommodations” daw, valid for one year para sa dalawang pasaherong hindi gaanong nagmamadaling pumunta ng Zamboanga, at papayag magpalipat sa next flight… Nagkatinginan kami ng assistant cameraman ko… Putris!
(more…)

Advertisements

Alipin ng salapi

Enero 28, 2008

Hindi naman sa nagrereklamo ako o ano… Pero aminin ninyo… Kalokohan ang magpakamatay ako sa pagod ng apat na beses sa isang buwan kung puwede ko naman siyang gawin ng dalawang beses lang…

(more…)

Kapag puno na ang salop…

Enero 23, 2008

Pinakamasakit at kahindik-hindik na judgmental na comment na sinabi sa akin nang mag-resign ako ay galing sa dati kong boss. Wala pa ako noon sa broadcasting at ito’y sa isang maliit at hindi kasikatang kumpanya…

(more…)

Valik-Varsi 2008

Enero 20, 2008

Lahat tayo, merong pinagmulan.

Para sa akin, nagsimula akong mabighani sa mundo ng mga tsismoso’t tsismosa noong naging writer ako sa aming University paper.

Kuwentuhan ko kayo tungkol sa isa sa mga pinaka-hindi malilimutang kabanata ng aking buhay… 

(more…)

Mukha

Enero 18, 2008

Meet Jackie. 5 years old.

(more…)

At nilunok ko naman lahat…

Enero 16, 2008

Ngayon alam ko na…

Pagkatapos ng panawagan ko nung isang araw sa aking search sa pinaka-epektibong alternatibo sa energy drink… Maraming mabubuting loob ang nag-offer ng kanilang comments and suggestions

Siyempre, parang sa raffle, lahat naman ‘yan, ma-co-consider… Pero iisa lang ang mapipili… Suwerte nung nag-suggest, malas ko naman…

(more…)

Zombie

Enero 12, 2008

Naghahanap ako ngayon ng mga paraan kung paano ako magigising nang 3 straight days nang hindi tumutungga ng litro-litrong energy drink.

Baka may alam kayo?

(more…)

Tungkol sa network war na ‘yan…

Enero 8, 2008

“Hay naku. I am so sure, publicity tactic lang ‘yan ng mga network para kagatin ‘yung mga bagong shows nila.”— Some genius blogger

Kelangan kong maglagay ng DISCLAIMER: Lahat ng isusulat ko rito ay pawang opinyon lang ng isang ordinaryong empleyado. Wala pong nagdikta, nag-impluwensya o nagbigay ng grocery nag-obliga sa aking gumawa ng entry na ito. Well, sabihin na nating napipika na ako sa mga nababasa kong blog at opinyon ng mga wala naman sa network at all-knowing na hinuhusgahan kaming mga nasa loob nito… Or… puwede rin namang sinasakyan ko lang ang issue para mapunta ulit ako sa Fastest Growing WordPress Blogs… Ewan ko lang ha… Ewan ko lang

(more…)

Bagay ba sa akin ang… Blonde?

Enero 6, 2008

Sampung natutunan ko sa unang linggo ng 2008:

1. Ang karne ng daga ay ginawa palang palaman ng sausage noong 1970s.

2. Sa panahong ito, may mga adik taong naniniwala pa rin na puwedeng gawing antibiotic ang  buhay na bubuwit.

3. Mahirap “patumbahin” ang Boss ko. Kahit si Fr. Suarez (healing priest) ka pa.

4. Buntis si Jennylyn Mercado… at ang ama ay si Patrick Garcia.

5. Huwag kang magbibiro tungkol sa ratings war ng network ninyo sa mga taga-probinsya. Kung wala kang sasabihing maganda, tumahimik ka na lang. At oo, mas malakas ang signal ng kabila sa Central Luzon. Tinatanggap ko na ‘yun.

6. Ang matinding sakit sa lalamunan ay sintomas ng malalang sipon. At makabasag-bagang ubo na rin.

7. Mahirap tumawa kapag malat at masakit ang baga mo.

8. Ang Strepsils (lemon flavor) ay nakakasugat ng dila.

9. May mga concerned pala sa akin na mga ka-blog ko (Aaaawwww…).

10. Hindi bagay sa akin ang maging blonde.

(more…)

Ako’y isang naglalakad na virus…

Enero 2, 2008

Wala ako sa mood magkasakit ngayon.

(more…)