Archive for Mayo, 2008

Post No Spam

Mayo 28, 2008

Alam niyo ‘yung feeling sa tuwing nagbubukas ka ng pasalubong?

‘Yung para kang pinapatay sa excitement habang bitin na bitin ka nang makita kung ano ‘yung nasa loob?

Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing ini-email ako ni donotreply@wordpress.com.

Naka-moderate kasi ‘yung mga comment sa blog ko.

(more…)

Forgettables

Mayo 24, 2008

Madalas kong makalimutan…

(more…)

Gusto mo bang maging ME…dia?

Mayo 21, 2008

Naaalala ko pa ‘yung unang beses na lumabas ang pangalan ko sa TV.

Nag-text brigade pa ako noon para i-share sa mga taong malalapit sa akin ang unang biswal na katunayan na media na ako. Kung sakaling uso na ang 3.2 megapixel na camera phone ko noong 2003, malamang eh nagpa-picture pa ako katabi nung TV namin.

Para akong nasa alapaap sa mga sandaling iyon… at sa tuwing binabalikan ko ‘yung gabing iyon, napapangiti na lang ako… kailan ko kaya ulit mararamdaman ‘yung feeling na ‘yon?

(more…)

Cool off

Mayo 19, 2008

Kailangan mong maintindihan na hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong magpa-cute para sa’yo.

May mga araw na bruha ako, bakla, palengkera, diyosa, kontrabida, mahadera, anghel, pokpok, drama queen, isip-bata… o kung ano pa, depende na lang kung saang kanto ng kama ako nagising.

Kaya ko ring maging stonefish at tumulala nang ilang oras habang nakikinig sa aking iPod.

Pero hindi ako robot, hindi ko kayang maging matalino at hyper 24/7 para sa iyo.

Tao ako. Live with it.

(more…)

Hotness

Mayo 17, 2008

Naaalala niyo pa siya?

Nagte-text pa rin sa akin. Dun sa pinakahuli eh sinabi niyang miss na raw niya ako.

Hindi ako naniniwala.

(more…)

Hapo

Mayo 15, 2008

Diyos ko. Napapagod ako.

At nang mabasa ko ulit ito, bigla na lang akong nalungkot.

Tubbataha… hahah!

Mayo 15, 2008

Kung may dalawang bagay na pinanghihinayangan ako… ito ay ang mga sumusunod:

1. Gumastos ako ng mahigit P16,000 para sa boxing lessons na hindi ko naman naipagpatuloy.
2. Gumastos ako ng mahigit P14,000 sa driving lessons na puwede ko namang makuha nang libre.

P16,000 + P14,000 = P30,000

Trenta mil pesos! Kung pinang-enroll ko na lang ‘to sa swimming lessons, may pambili pa ako ng kulay pink na two-piece na Speedo.

At malamang sa hindi, may lisensya na rin akong mag-dive.
(more…)

OT

Mayo 12, 2008

Laging sinasabi sa akin ng Papa ko: “Ano man ang mangyari, huwag na huwag mong ikokompromiso ang trabaho mo.”

Kaya nga tinawag ‘yang trabaho… kailangan siyang gawin, ayusin at tapusin… kahit pa matapat ito sa Mother’s Day.
(more…)

?

Mayo 6, 2008

Me tanong ako:
(more…)

Bakit?

Mayo 5, 2008

Sa limang taon kong pagiging alagad ng media, maraming bagay pa rin akong hindi maintindihan…

(more…)