Minsan ko nang nainterbyu si Sec. Angelo Reyes tungkol sa krisis sa kuryente.
Masaya siyang kausap, kuwela. Pakiramdam ko nga eh BFF (Best Friends Forever) na kami sa daldal niya.
Sa tagal na niyang humaharap sa media, kabisadong-kabisado na niya kung paano kami aaliwin.
Habang inaayos pa ng crew ko ‘yung set-up sa interview, pinagkukuwentuhan namin ‘yung tungkol sa away ng Meralco at GSIS.
Medyo nagno-nosebleed na ako kasi sa totoo lang, kung hindi ko rin lang naging istorya ‘yung kuryente, hindi ko naman talaga susubaybayan ‘yung isyu tungkol sa away nung dalawang kumpanya.
Susubaybayan ko siguro, para lang maging updated ako, pero alam niyo ‘yung mga balitang tumatagos lang sa iyo kasi masyadong teknikal?
Nung medyo napapagod na rin akong magpanggap na interesado sa topic, inamin ko na lang kay Sir Angie na wala akong pakialam sa away nung dalawang kumpanya. Mas naiinis pa ako run sa reklamo tungkol sa binabayaran nating lahat na system loss.
Medyo sumeryoso ang mukha niya: “Naku, dapat may pakialam ka sa away nila.”
(more…)