Archive for Hunyo, 2008

Di ko gets

Hunyo 25, 2008

“Pilan la queca tamu ing maka intindi ing makakabastos nung magsalita kang Kapampangan queng arap da reng taong era aintindian?

Dili mo masabot?
(more…)

Advertisements

Sinok sa sistema ng MRT

Hunyo 22, 2008

Malakas ang ulan nung pasakay ako sa MRT kahapon — Kamuning station, papuntang Cubao.

Maganda ang mood ko kahit gasgas na lalamunan ko sa kakaubo.

Para akong bida sa isang music video. Ganun ang pakiramdam kapag naka-in ear headphones.

Nakakabingi, pero wala akong pakialam.

Pumuwesto ako sa me unahan, dun sa me special coach para sa mga babae at matatanda.

Ang sabi, kaya raw inireserba ang bahaging ‘yon ng MRT eh para maiwasan ang sexual harrassment.

Malaking kabalbalan.

(more…)

Kung karma ito… ewan ko na lang.

Hunyo 20, 2008

It’s official.

Tapos na talaga ang bakasyon ko.

Shet.

At dahil kailangan nang tuldukan ang dalawang linggo kong pahinga sa bahay, oras na raw para ako ay…

(more…)

Ulo ng mga balita

Hunyo 18, 2008

Ngayon alam ko na kung bakit noong maliit pa ako, hindi ako masyadong pinapabasa ng tabloid ng Papa ko…

(more…)

Sharing the Glory

Hunyo 17, 2008

Mga ka-blog… share ko lang sa inyo ang aming 15 seconds worth of fame

(more…)

Things I’d say if I had the…

Hunyo 14, 2008

And now, for our comment of the day:

Lenggai said:

Hi! Napadaan lang po. First time kong magco-comment.

About dun sa entry mo, ang ganda sana ng title, very controversial since tungkol sa latest balita and hottest tsismis… I was really expecting to read more about it sa blog mo, kaso pag-open ko, ang laman, isang sentence lang na may link kung saang article mo napitas ‘yung istorya.

(more…)

Isang pagkaklaro

Hunyo 11, 2008

‘Eto ang masaya sa internet: basta me malikot kang imahinasyon at medyo mahilig kang magsulat… puwede kang magpanggap na superhero at walang magkukuwestiyon sa kredibilidad mo

Basta matapang ka o di kaya eh magaling kang mag-project na sexy, chickboy o bastos sa cyberworld… ang tingin sa’yo ng tao: diyos.

Actually, kaya ko ring gawin ‘yun.

Makuwento ako at kahit pa umaalon ang bilbil ko, kaya kong kunan ang sarili ko sa mga anggulong tiyak na magpapakiliti sa imahinasyon ng mga pogi kong mambabasa.

Pero hindi kakayanin ng ego ko ang sobrang papuri… lalo na kung hindi para sa akin.

Kaya nga madalas, buong araw ako kung magsulat ng entry.

At marami na rin akong entry na na-publish… at binura.

(more…)

Losing Weight

Hunyo 9, 2008

One of the most lasting and traumatic images a person can take from his childhood are memories of being bullied.

I should know. I was once a victim of school bullies.

(more…)

Frienemies

Hunyo 7, 2008

Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa biyaya ng kadaldalan na ipinagkaloob mo sa akin… dahil dito, marami na po akong naging kaibigan… may puhunan pa ako para kumita nang may limang numero kada kinsenas.

Maraming salamat po at dahil sa kati ng paa ko, nagkaka-resistensya akong tumagal sa mga biyaheng iniaatas mo kada linggo sa akin.

Maraming salamat din po dahil hinaplos ninyo ang puso ng boss ko para payagan niya akong mag-leave sa susunod na linggo.

Marahil alam mo na po kung bakit kahit pinahintulutan mo na akong umuwi nang bago maghating-gabi mula sa editing… nagawa ko pang dumaan sa bar, uminom ng pitong bote ng SMB at makinig sa bandang me bokalistang lalaki na pagka-astig-astig ang boses sa tuwing kumakanta ng hits ng U2 at Tears for Fears.

Salamat po dahil kahit papaano… napangiti mo ako.

(more…)