Archive for Setyembre, 2008

Pinay Brodkaster… signing off!

Setyembre 13, 2008

Kailangan ko nang umalis…

(more…)

Advertisements

O antok, dalawin mo ako…

Setyembre 12, 2008

Nakasalubong ko nung isang gabi ‘yung dati kong crush sa office.

“Dati” kasi wala namang pagkakataon para palaguin ko ang nararamdaman ko sa kanya… tsambahan lang kung magkita kami nun.

Alas onse pasado na ng gabi ‘yun nang makita ko siya sa may labas ng gate ng opisina namin.

Malayo pa lang nakangiti na ako.

Confident ako nung gabing ‘yun na maganda ako.

(more…)

Bago kinidnap si Ces Drilon… siya muna.

Setyembre 9, 2008

Kararating lang namin dun sa comedy bar.

Wala pa ‘yung case study namin kaya dumiretso muna ako sa CR… habang ang crew ko eh naghahanap ng matinong pagpupuwestuhan ng camera namin.

De-aircon sa loob nung bar, pero malagkit at maalinsangan ang dampi ng hangin sa balat. Masakit din sa ilong ‘yung pinaghalu-halong amoy ng hininga, alak at yosi.

Pagkalabas ko ng banyo, parang obstacle course ‘yung daraanan pabalik dun sa main entrance.

Siksikan ang tao. Kung manyak ka, malamang eh mag-eenjoy ka sa lahat ng bukol na hahagod sa katawan mo.

Nakatulong siguro sa pagluwag ng mundo ko ang paghawi ko ng mga tao sa pamamagitan ng mamasa-masa kong kamay… pero hindi pa ako nakakalayo, nangibabaw ‘yung boses nung baklang komedyante:

“Alam niyo ba na hindi si Ces Drilon ang unang kinidnap sa Mindanao?”

Napalingon ako.

Noon ko lang napansin ‘yung nakasalang sa entablado… stand-up comedian na artista sa kabilang istasyon. Itago na lang natin siya sa pangalang: “Milk Shake”.

Huminto ako.

Tinabihan ko muna ‘yung cameraman ko na na-stranded din sa me daanan.

(more…)

Losing the nostalgia

Setyembre 7, 2008

“The concert was all about nostalgia for the fans, but for us, it was about closure. It was about moving on.” — B.

Ang daming nangyari sa akin ngayong linggo, masarap sanang manatili run sa euphoria ng pagbabalik-tanaw.

Pero malakas manampal ang tadhana… may mga pangyayaring hahatak sa’yo mula sa alapaap… at pipilitin kang… well, mag-move on.

(more…)