Archive for Abril, 2008

Walang libog…

Abril 30, 2008

Isa sa mga pinakamatinding karma na puwedeng maranasan ng isang makati ang paa na prodyuser eh ang ma-assign sa lugar na ubod ng ganda pero wala siyang abilidad para namnamin ito…

(more…)

Advertisements

Bye!

Abril 27, 2008

Aalis muna ako.

(more…)

Brrrr!

Abril 24, 2008

Binabalakubak ako… sa wakas, kahit papaano, nakaramdam ako ng lamig!

(more…)

Bistado na!

Abril 21, 2008

At nangyari na nga…

Naaalala ninyo ‘yung kuwento ko tungkol dun sa nagtitiktik sa Papa ko?

Noong Miyerkules, nagkataong nasa opisina siya… at nakaharap niya ang mga ito.

(more…)

27/F/QC

Abril 20, 2008

Darating ang araw na makukuntento na akong nakatengga sa bahay… naka-daster na pink at nag-eeksperimento ng mga sangkap sa perpektong adobong manok.

Hindi ako obligadong magising ng tatlong araw, straight.

Makakatulog ako kung kelan ko gusto at magpupuyat lang ako kapag tinotoyo ang baby ko… o ‘di kaya’y kapag taglibog kami ng asawa ko.

Kapag may nangyaring malaking balita, hindi ko na kakailanganin pang makipagsiksikan sa coverage. 

Isang pindot lang ng remote, updated na ako.

Lahat nang ‘yan, mararanasan ko kapag nag-asawa na ako’t nanirahan sa bukid… kasama ang mga kapitbahay kong baka’t kambing… (more…)

Nagbabadyang Signos…

Abril 16, 2008

Alam na nating lahat ito: Mainit sa Pinas.

Summer kasi.

Ang bago: May bagyo. Ngayong SUMMER.

How’s that?

(more…)

Across the Universe: A Taglish Review

Abril 15, 2008

Medyo nagtalo pa sa isipan ko kung paano ko isusulat ang entry na ito: English o Tagalog ?

Baka sakali kasing i-Google ni Paul McCartney ‘yung mga rebyu sa pelikulang Across the Universe, eh mabuti nang naiintindihan niya ‘yung isusulat ko… malay mo, mag-comment pa siya, di ba?

At kapag nangyari ‘yun, ako na ang pinakamasayang Pinay blogger sa buong Universe.

But what are the chances?

Nada.

Asa pa me.

(more…)

Pabukas ng erkon!

Abril 13, 2008

May aircon kami sa kuwarto… at isa siyang pribelehiyo kapag ganitong mala-pugon ang init sa bahay namin.

Kaso, iyong saksakan nito, nakakabit sa bahay ng Lola ko. Kung paanong nangyari ‘yun eh wala na akong balak i-analyze, basta tuwing gagamit kami ng aircon eh kelangan may pasintabi sa Lola ko.

At madalas, hindi siya pumapayag.

(more…)

Nakauwi rin!

Abril 13, 2008

April 8 — Tanghaling tapat, pero nakabukas ang lahat ng ilaw sa kuwarto ko.

Itinali ko na ang dulo ng mga kurtina… pero madilim pa rin. Nahawahan na yata ng kulay ng barnis sa mga dingding at kasangkapan ang liwanag na tumatagos mula sa mga bintana.

Limitado lang daw ang suplay ng kuryente sa isla kaya paandap-andap ang ilaw. Nakakaantok din ang humihingal na hangin galing sa nakatutok na bentilador.

Walang TV, pero kanina ko pa naririnig ang Greatest Hits ng Air Supply… galing sa radyo ng van namin. Hindi raw mapakali ang drayber namin kapag tahimik… at sa lakas ng bayo ng drums ng Come What May eh pakiramdam yata niya, obligasyon niyang magbigay ng sound system sa buong hotel.

Maganda na sana ang intensyon niya eh… pero naman… Air Supply?!

Lorrrrdddd… ibalik niyo na po ako sa Maynila!!!!

(more…)

Silip

Abril 10, 2008

Sinubukan ko kung magugunaw ang mundo kapag hindi ko ginalaw ang blog ko nang mahigit tatlong araw…

(more…)