PB Hotline

Friendly po akong tao.

Bruha man daw ako sa trabaho… Sa totoong buhay, aliw na aliw po akong magbasa ng comment ng mga tumatambay sa baby blog ko.

Kung nais niyo pong maging BFF (Blog Friend Forever) ko, mag-comment lang kayo ng mag-comment. Most likely, bibisitahin ko rin naman ang blog ninyo, at kapag naaliw ako sa post ninyo, magco-comment din po ako.

Para naman sa mga nais makipag-BRF (Blog Roll Friend) sa akin, sabihin niyo lang din. Para at least makapag-tenchu man lang ako dahil napagtityagaan ninyo ang mga sinusulat ko.

Para sa mga nais makipag-penpal… Pasensya na po kasi hindi ako pumapatol sa blind dates. Malamang iyon ang dahilan kung bakit 27 taon na akong single.

Pero kung me nais po kayong i-share na pang-atin-atin lang, puwede niyo pa rin akong email sa aileenrae@gmail.com.

P.S. Hindi po ako pumapatol sa:

– Matatanda

– Humihingi ng pera

– Naghahanap ng tulong sa kamag-anak nilang may sakit: may trunkline po ang GMA para dyan, 982-7777 hanapin niyo na lang ang local ng Kapuso Foundation

– Gustong ipakulong yung Brgy. Captain nilang kurakot. Sa Imbestigador po iyon.

– Hate comments.

Kaya nga po may edit this entry ang bawat blog. Sakaling sukang-suka na kayo sa mga opinyon ko… Wala po akong magagawa. Blog ito. It’s supposed to be opinionated.

Sige po. Salamat po.

6 Tugon to “PB Hotline”

  1. kengkay Says:

    nakiliti ako dito, ngayon ko lang sya nabasa, ahahaha, disclaimer ba ine 🙂

    lol!!!

    baka kasi me shumerpa na talipandas, mahirap na… 😉

  2. icsx Says:

    kitlan mo na lang ng buhay. nyek nyek. palagay mo hindi ka naman pagbabawalan ng istasyon nyo sakaling malaman nila itong rebelasyon mo dito?

    at anung ibig sabihin ng ka-sot, ma-upsot at nat-sot?
    mahina lang ba tlga ang kukote ko or iba lang talaga ang lenggwaheng ginagamit mo?

    as long as wala naman akong sisiraan at isisiwalat na confidential matters, safe ako, ice. marami ring bloggers from our network (gaya ni Kurokuro, ederic, jayme…) and so far, nandito pa rin sila sa blogosphere… 😉

    ang ibig sabihin ng mga yun:

    SOT- Sound On Tape (usually pag interview, ito yung bit o sagot ng case study or resource person. Ito yung “meat” kumbaga ng pagpapakilala mo sa isang tauhan sa kwento mo.)
    NATSOT- Natural Sound On Tape (ito yung background sound, tunog ng mga motor sa kalye, sumisigaw sa kalye, etc. Sila yung nagbibigay ng “real” feeling sa story. Kung wala yon, kulang at parang “peke” yung dating ng kwento mo.)
    UPSOT – Up Sound On Tape (ito yung mga panaka-nakang nagsasalita na hindi sinasadya, o di kaya pag ininterview mo ng hindi sit down, bigla silang dumadaldal, tapos ginagamit mo sa story mo yung sinabi nila… Madalas, ito rin yung nagbibigay “flavor” sa isang story dahil candid moment siya.)

    ito ang teknikal na ibig sabihin nun… sa blog na ito, ginamit ko to para ma-group yung mga nasa blogroll ko…

    😉

  3. koreanmine Says:

    sa kapuso ka pla 😀

    😀

  4. barquera Says:

    KAPUSO? hehehe;)
    bisita ka naman sa aking blog sana magustuhan mo,,,

    http://barquera.wordpress.com/

    add na kita sa aking mga royalties kahit ayaw mo 😉

    cge. tamang-tama, break na ako (sa wakas!)… add din kita… at salamat!

  5. miss write Says:

    naku mabuhay ang mga nbsb 🙂 ako 25 years nang single hahaha



    uy bago ang link! hehe!

    hay shet. ang hirap din kasi makakuha ng matinong lalaki sa panahon ngayon… ewan ko ba. ayoko namang mag-settle for less dahil sa biological clock natin…

  6. A Z R A E L Says:

    lenggai said: hay shet. ang hirap din kasi makakuha ng matinong lalaki sa panahon ngayon…

    korek.. dahil ang mga matitinong lalaki ngayon may asawa na.. mga tipong parang ako ganun 😦



    too bad, az… too bad…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: