Archive for Disyembre, 2007

Duty Calls

Disyembre 31, 2007

Dec. 31, pasado alas-10 ng umaga… Nag-ring ang cellphone ko…

“Ahm, hello po, Ate? Gising ka na?”

Hindi pa, ‘te. Nagba-blog ako habang humihilik.

“Ok, go! Sensya na ha, nakatulog na ako nung nagtext ka kagabi.”

“Yun pong pinapahanap mong aso na kumakain ng tao? May lead na po kontak ko, tatawagan ko na lang ulit mamayang after lunch, tapos yung tungkol naman po dun sa dagang nagiging tao, na-pre-interview ko na po kanina ‘yung nanay nung daga, medyo di lang po kami nagkakaintindihan kasi ‘squeaky’ ‘yung signal…”

Yada, yada… Tuloy ang litanya ng aking researcher.

Sa huling araw ng 2007, sa halip na New Year’s Resolutions, ang pinag-uusapan namin ay ang ieere naming istorya (o ang kawalan nito) para sa Sabado… 

Kung bakit namin ito nararanasan, nananatili pa ring isang palaisipan…

(more…)

This time, in English… Please.

Disyembre 29, 2007

What happened was I woke up at the right side of the bed today.

(more…)

‘Weno Ngayon?!

Disyembre 27, 2007

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako excited sa mga reunion (kahit anong klase) eh ‘yung dalawang pinaka-cliche na tinatanong sa mga babaeng single na lagpas 25 anyos na:

1. Ba’t wala ka pang boyfriend/asawa?

2. Ba’t tumataba ka?

Walang mintis ‘yon! May nagbabala pa nga sa akin, kung hindi raw ako mag-aasawa before ako mag-27, mabubulok ‘yung mga itlog sa loob ng matris ko.

Sarap tuktukin sa ulo ‘yung  matandang nagsabi sa ‘kin nun kasi una: nag-Biology class po ako at ayon sa teacher ko, matagal pa ang expiration date ng eggs ko! Pangalawa: WALA po akong magagawa kung WALA pa pong dumarating na husband-material sa buhay ko.

Kahit liberated ang ibang pananaw ko sa pag-ibig, naniniwala pa rin akong ang pag-aanak eh hindi parang kanta na puwede mong i-download ng ganun-ganun lang… Single ako at mayaman… sa taba.

‘Weno ngayon?

(more…)

Nahawakan ko ang “B” ni Sergio Santibanez!

Disyembre 25, 2007

Una sa lahat… Meri Xmas!

Pasalubong ko sa lahat ng mga tumatambay sa aking blog:

(Pasensya na sa anggulo… Madalian ‘yung pag-pichur ko dine!)

 

Authentic Pinatas at Quesadillas galing Mexico!!!!

Sensya na, in JPEG format lang ang kaya ko… Pag sobrang close na tayo, tototohanin ko na ‘to. Hehehe!

Ngayong tapos na tayo sa Xmas greetings, mapunta na po tayo sa tunay na topic ng post ko…

Ngayon pa lang, nililinaw ko na po:  HINDI AKO MAHILIG SA LALAKING TINUTUBUAN NG GUBAT SA DIBDIB.

(more…)

Santa Lenggai

Disyembre 23, 2007

Grade four na ‘ata ako nung nalaman kong hindi totoo si Santa Claus.

Nakonek the dots ko kasi ‘yung stock ng Alpine White na nakatago sa cabinet namin dun sa Alpine White na laman nung giant medyas na isinabit naming magkapatid sa hagdan.

Nung una, ayoko pa sanang maniwala na kina Mama’t Papa galing ang “goodies,” kaso naging careless (read: tamad) sila noong taong iyon at may isang laruan/tsokolate (di ko na matandaan kung alin talaga) silang naisilid dun sa medyas na may etiketa pa ng Rustan’s.

Eh hindi naman ako ganun katanga para i-justify na nag-gro-grocery din si Santa, di ba?

Simula noon, tuluyan nang nagbago ang motivating factors ko para maging mabait kapag papalapit na ang Pasko… Eh lalo na ngayong 26 anyos na ako’t nagtatrabaho sa isa sa mga pinakabalahurang propesyon sa mundo…

(more…)

Xmas Rash… Rush…

Disyembre 19, 2007

Sa mga oras na ito… Habang ang karamihan ay napapasma na sa kahahalungkat ng bargain para sa kanilang Monito, Monita… nanginginig naman ang kamay ko dahil buong araw na akong nagta-type ng script para sa aming “Uganda” special…

Oo, tatlo-tatlo na kaming nagsusulat dahil knowing Lenggai, wala nang matinong talata ang lalabas sa kukote niya oras na mamanhid ito sa sobrang puyat at sang drum ng energy drink na tinungga niya para magising.
(more…)

Ang Pagbabalik ni Pinay Brodkaster

Disyembre 16, 2007

Oras na matapos umere ang “Uganda” episode ko sa Sabado, siguradong mag-uunahan kami ng EP ko at cameraman sa pag-post ng litrato sa Friendster.

Gagandahan ko siyempre ‘yung caption. Sisiguraduhin kong malinaw na nasa ibang kontinente ako. Tataas na naman ang profile views ko. Dadami ang magsasabi kung gaano kasarap ang trabaho ko.

(more…)

Tibak… “Uganda”-style.

Disyembre 10, 2007

Kasalanan ba kung hindi ko pa nami-miss ang Pinas?
(more…)

“Uganda” Here I Come!!!

Disyembre 8, 2007

Mahigit 12 oras na biyahe… Mga 11 oras na tambay sa bansang kulang na lang mag-niyebe… Isang eroplano na lang… “Uganda” na!
(more…)

Busal?

Disyembre 5, 2007

Nagmamadali si Big Boss umalis sa props lang pala na interview namin sa “Uganda.” May dialogue daw kasi siya sa Manila Peninsula. Dahil barag ako kanina, hindi ko na na-absorb yung sinabi niya, hanggang sa nakabalik na kami sa opisina.

Nakatutok yung TV sa ANC. Pinag-uusapan ‘yung tungkol sa limitations ng media pagdating sa coverage.

As expected, walang naresolba ang usapan… (more…)