Archive for Pebrero, 2008

Madyik (2)

Pebrero 25, 2008

Magkakaiba tayo ng konsepto ng magic.

Nung bata ako, ito ‘yung mga gimik na me kakayahang magpanganga sa akin sa mga berday party.

Nung di pa ako nagde-debut, ito ‘yung nararamdaman ko sa tuwing nginingitian ako ng kras ko.

Ngayon namang nagtatrabaho na ako, ito ‘yung kailangan ko kapag malapit na akong umere at hindi pa nabubuo ang istorya ko.

Para sa isang tao na hanggang ngayo’y bumubulong pa rin ng “Starlight, starbright, first star I see tonight…” sa unang bituing makikita niya sa gabi… hindi na nakapagtatakang hanapan ko pa rin ng magic ang tunay na buhay.

At hindi rin naman siguro masama kung hanapin ko rin ito sa blog.

(more…)

Pebrero 23, 2008

Tenenenen-tenen… tenenenen-tenen… tenenenen… tenenenen… tenenenen-tenen!

Wala akong maisip na matalinong entry sa araw na ito. Matanda na kasi ako.

Patawarin niyo ako.
(more…)

Almost Babay

Pebrero 20, 2008

Pangunahing tungkulin ko bilang Segment Producer ay ang mag-interbyu.

Nakakatulong din na mula pagkabata, likas na ‘kong matanong… at kapag trip kitang kausap, parang naka-Energizer ang panga’t bunganga ko pagdating sa daldalan.

At isa sa mga classic at pinakamemorable kong interbyu eh noong 2006, ika-100 na kaarawan ni Doña Mary, nanay ni Erap.

(more…)

Isang gabi, sa UP Fair…

Pebrero 19, 2008

Martes na ngayon pero medyo masakit pa rin ang braso ko.  Nag-wall climbing kasi kami ng mga kaopisina ko noong sabado sa UP Fair… at hulaan ninyo kung anong oras ‘yon?

Mag-a-a la una ng madaling araw.

(more…)

Pasay Scandal

Pebrero 12, 2008

Don’t you just love us media people?

Parang kelan lang, gigil na gigil tayong lahat sa nakatutulig nang mga plug tungkol sa ratings war.

Noon ‘yun.

Ngayon, ang hit, ‘yung concert sa Pasay… ang singer, si Rodolfo Lozada, Jr.!

…at in fairview, magaling siyang kumanta!

(more…)

This “Love”

Pebrero 9, 2008

Ano’ng mali sa litratong ito?

  (more…)

Dugyot General Hospital

Pebrero 7, 2008

“Scoop ‘to! Scoop ‘to!”

Excited na pahayag ng Tito kong duktor sa telepono.

Maaga ako nakarating sa bahay. Boring na katapusan sa isang boring na araw, bukas pa kasi ang suweldo.

Parang batang nagsumbong ang Tito ko, with matching pangangatal pa nga ‘ata ang boses.  Tinanong niya kung alam ko raw ba ‘yung isyung kinasasangkutan ng isa sa mga ospital na pinagtatrabahuhan niya.

Hindi.

Ang patok sa balita ngayon eh ‘yung Monkey-Monkey-Anabel ng pamahalaan at ni Jun Lozada.

“‘Kuuu! Scoop ‘to! Yung channel (bleep) may ginawang katarantaduhan! Ikaw na ang magkuwento…”

Me naulinigan akong komosyon sa kabilang linya… nagpasahan. Umupo ako sa dining table at binuksan ‘yung take out kong spaghetti with chicken.

At narinig ko ang boses ng Tita ko na duktor din.

(more…)

27

Pebrero 3, 2008

Unti-unti na akong hinahatak ng mga araw papalapit sa dulo ng kalendaryo… Sht!

Epekto siguro ng panonood ko ng Cloverfield… Pero ito ‘yung isa sa mga gabing bigla ka na lang matatahimik at mapapamuni-muni…

Para sa iyo, mahal kong ka-blog na magtitiyagang makisalo sa akin sa nakababatong gabing ito… ang mga susunod na talata ay tungkol lang sa AKIN… Hindi mo kelangang basahin kung wala ka namang pakialam.

‘Di niyo lang kasi alam…

(more…)

CDO

Pebrero 1, 2008

Ilang buwan na ring walang ibang kamay na dumadantay sa katawan ko… Miss ko na ‘yung mga hagod at lamas na me kapangyarihang magpahalinghing sa akin…

Alam kong hindi dapat… Kasi kadalasan, pagkatapos nun, sobrang lalim ng tulog ko… pero ginawa ko pa rin.

(more…)