Bago kinidnap si Ces Drilon… siya muna.

Kararating lang namin dun sa comedy bar.

Wala pa ‘yung case study namin kaya dumiretso muna ako sa CR… habang ang crew ko eh naghahanap ng matinong pagpupuwestuhan ng camera namin.

De-aircon sa loob nung bar, pero malagkit at maalinsangan ang dampi ng hangin sa balat. Masakit din sa ilong ‘yung pinaghalu-halong amoy ng hininga, alak at yosi.

Pagkalabas ko ng banyo, parang obstacle course ‘yung daraanan pabalik dun sa main entrance.

Siksikan ang tao. Kung manyak ka, malamang eh mag-eenjoy ka sa lahat ng bukol na hahagod sa katawan mo.

Nakatulong siguro sa pagluwag ng mundo ko ang paghawi ko ng mga tao sa pamamagitan ng mamasa-masa kong kamay… pero hindi pa ako nakakalayo, nangibabaw ‘yung boses nung baklang komedyante:

“Alam niyo ba na hindi si Ces Drilon ang unang kinidnap sa Mindanao?”

Napalingon ako.

Noon ko lang napansin ‘yung nakasalang sa entablado… stand-up comedian na artista sa kabilang istasyon. Itago na lang natin siya sa pangalang: “Milk Shake”.

Huminto ako.

Tinabihan ko muna ‘yung cameraman ko na na-stranded din sa me daanan.

“Alam niyo ba kung sino ‘yung unang reporter na kinidnap ng Abu Sayaf?”

Nagtanong ang audience. Pati ‘ata ako, nakitanong…

“Si (pangalan ng isang sikat, respetable at multi-awarded pero hindi kapayatan na brodkaster)!”

Tawanan ang mga tao.

Nagkatinginan kami ng cameraman ko.

“Pero hindi siya tinanggap nung mga Muslim… alam niyo kung bakit?”

Galak na galak na nag-“bakit” yung mga nanonood. Tahimik lang kami ng crew ko.

“Bawal daw kasi ang baboy sa mga Muslim!”

Hagalpakan ulit ang audience.

“Tinira si _____ ah.” sabi ng cameraman ko.

Napailing ako.

Nagtinginan ‘yung mga katabi ko sa akin at sa media ID na suot ko.

May lumapit kay Milk Shake. Binulungan siya.

“Ano? Nandito ‘yung Channel 7? Eh tarantado pala ‘yang mga ‘yan eh!”

Aliw na aliw na nag-follow through pa ang bakla sa joke niya. Aliw na aliw ding nagpalakpakan ang mga nakikinig sa kanya.

Pero hindi kami natatawa.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagpalit na ng komedyante. Pumunta na rin kami sa backstage para mag-shoot ng aming case studies.

Habang nag-iinterview ako, nagme-make-up sa isang tabi si Milk Shake.

Panakaw-nakaw ang tingin niya sa amin ng crew ko.

Hindi ko siya pinansin. Busy ako sa trabaho.

Nung matapos ang shoot namin sa backstage, nilapitan niya ako.

Milk Shake: “Uy, ‘yung tungkol sa kanina, sorry ha. Alam mo naman dito sa trabaho namin…”

Lenggai: “Ok lang, sus, alam naman ng audience na kahit itapat mo si (brodkaster) sa mukha mo, para kang kulugo. She’s no Vicky Morales, but duh, she is (pangalan ulit nung brodkaster).”

Nag-cheer ‘yung mga baklang nakarinig sa tabi ko.

“Apir!” sabi ko sa assistant cameraman ko.

“Mabuhay kayo, kapuso!” sigaw nung guwardiya sa backstage.

Kumaway ako… sabay irap kay Milk Shake.

…at ang eksenang iyon, kuhang-kuha sa aming camera.

Tameme si Milk Shake.

Pero syempre, dahil naka-media ID ako, hindi ganito ang actual na eksena. That’s just me and my imagination.

Ito ang totoo:

Milk Shake: “Uy, ‘yung tungkol sa kanina, sorry ha. Alam mo naman dito sa trabaho namin…”

Lenggai: “Naku ok lang po. Wala ‘yun.”

Ngiti.

Paglabas namin. Sumalang na si Milk Shake.

Todo-promote dun sa brodkaster. Kesyo mataas daw ang respeto niya kay brodkaster at lagi siyang nanonood ng show nun.

Hindi na masyadong natatawa ‘yung audience, ganun yata ang patakaran sa mga comedy bars, kapag wala nang inaalipusta, nagiging corny na ‘yung joke.

Wala pang thirty minutes, nagkita ulit kami ni Milk Shake sa labas ng bar.

Humingi ulit siya ng dispensa.

Pinatawad ko ulit siya.

Nanonood lang sa isang tabi ‘yung crew ko.

Paalis na kami, humabol pa siya…

“Ay, teka… naka-roll ba kayo?”

Sabay turo sa nakasukbit na camera sa cameraman ko.

Umiling ako.

Lumuwag ang ngiti ni Milk Shake. Alam niyang absuwelto siya dahil wala naman palang ebidensya.

Mainit pa nung mga panahong ‘yun ang away ni Joey de Leon at Pokwang, kung sakaling naka-on cam ‘yung bad joke ni Milk Shake, panigurado, sira ang career niya.

Haller? Knock-knock jokes pa lang ang alam niya, nag-iinterview na ng mga Presidente ‘yung tinitira niyang brodkaster.

Sa sasakyan, pinag-usapan namin ng crew ko ‘yung nangyari.

Hindi na kami virgin pagdating sa kalakaran sa comedy bars. Alam naman natin na kapag mas mapanglait ang hirit, mas hit.

Pero ‘yung murahin mo ‘yung mga taga-kabilang network? Foul ‘yun.

Nagtataka ‘yung mga kasama ko kung bakit hindi ko tinarayan si Milk Shake. Me rason naman ako.

Pero ayokong lumebel.

Isa pa, hindi kako ‘yun ang gawain ng mga nasa programa namin (at habang sinusulat ko ‘tong sentence na ‘to, pakiramdam ko’y tinutubuan na ako ng pakpak at unti-unting nagliliwanag ang aking katauhan).

Humirit ulit ang cameraman ko:

“Sana Lenggai, sinabi mo naka-roll tayo. Para medyo kabahan.”

Napaisip ako.

Tsk, sayang!

Advertisements

15 Tugon to “Bago kinidnap si Ces Drilon… siya muna.”

  1. wei vines Says:

    uy! sayang nga! tsaka masyado yung milk shake na yun ah?!! nagkaroon tuloy ako ng wild guess…
    kaya ayoko sa comedy bars eh.



    kung hindi rin lang ako nagshoo-shoot, hindi ako pupunta sa mga ganyan. ewan ko ba kung bakit may mga taong trip na trip nilang nilalait sila. with due respect sa mga komedyante, alam kong marangal na trabaho yan, pero hindi lang siguro ako yung tipo na nag-eenjoy manood ng gay bashers.

  2. kurokuro Says:

    timeout. ako ang nagsabi na “sana sinabi mo naka-roll tayo” ah!

    ano bang flavor niyang milkshake na iyan? strawberry? banana? chocolate? apple? guyabano? pinya?



    maitim at mabilog eh… so, kaimito.

    sinabi rin ni willier… tanda ko pa yung posisyon niya sa van nung sinabi niya sa akin yun eh. lol!

  3. ahkong Says:

    maitim at mabilog…?????

    baka kulangot milkshake yon…..LOLs

    sayang nga, kung sakaling nakuhanan siya, malamang ikot ang pwet nun sa taranta at baka maibigay pa sa inyo ang langit at lupa…nya…ha..ha..ha..

    (‘lam mo sis…tataka na rin talaga ako dun sa kabilang stn, si Pok…. na lang ba ang kaya nilang pasikatin….???)

    sa tingin ko, nakahanap kasi ng paghuhugutan ng intriga yung mga PR nila run nung hiniritan siya ni joey, eh gaya nga ng sabi ng tatay ko, you’ll only get famous either by controversy or sheer luck… so…

  4. miss choi Says:

    sinong milk shake??? wow napa-blind item bigla. sino kaya yan. hmmm. naiintriga ako hehehe. Once lang ako nanood sa comedy bar. hindi pa sikat nun si pooh tapos sya yung nakasalang nun. mas natawa ko sa kanya kesa dun sa “star” nung gabi na si ethel booba.

    blind item, ampft! oo nga, para na akong showbiz columnist, bwahah!!!

  5. Jon Cabron Says:

    ako lang ba o talagang parang nabasa ko na to dati?



    hmmm…. eh ngayon ko pa lang siya sinulat, malamang nakuwento ko sayo sa ym…

  6. foobarph Says:

    angas ni lenggai! idol! :p

    nyek. ambait ko nga sa kanya eh. hehe.

    masarap sanang gawin yung sa dream sequence ko, yun nga lang, malaking responsibilidad yung nakasabit na media ID sa leeg ko, so… hanggang dream sequence na lang siya. hehe

  7. jayr Says:

    si milkshake ba ay si ….(katunog ng name nya ung milkshake?)

    ano to? startalk na may blind item… hehehehe…

    pero ganun talaga sa comedy bar dati nga nung ako pumunta din sa comedy bar along timog may nag joke, ginagaya si gloria habang nakikipag “do” daw kay FG. grabe talga!

    oo. sounds like. personally, ang pinaka-nag-eenjoy ako sa mga comedy bars eh yung kantahan, aminin mo, ang galing naman talaga nung mga bakla na kumanta di ba? yung sa joke time lang ‘yung medyo…

  8. gugmagiatay Says:

    makisali ako sa blind item..si milkshake ba si ____? yung mataba si _____? hehehehehe

    paumanhin, kailangan kong i-edit, pero tama ang hula mo!

  9. pinoyonlinenovels Says:

    kilala ko kung sino yang tinutukoy ni Milkshake— si ____ yan no! Kapuso yan diba? hehehe!

    http:/cardinalbitch.wordpress.com

    oo, siya nga.

  10. nuel jose Says:

    parang kilala ko na si milkshake. haha 😀

    gud. gud.

  11. potsquared Says:

    parang nakwento m ona ito dati lenggai.. pero eto yata yung detailed version… hirap talaga pag okrayan na… pwede bang magpatawa ng hindi ka nglalait ng tao? pero at least lenggai.. carry mo ang situation… idolz!



    alam ko na kung kanino ko naikuwento, sa comment ko kay miss choi. oo nga, eto ang detailed version, hehe! sobrang delayed na, nauna kasi yung mga kung anik-anik na entries ko tungkol sa paborito kong banda… hehe

  12. Jim Says:

    grabe, makapigil hininga ang imahinasyon mo, tita! sana natuloy yun, sigurado ako makakabalik pa rin naman kayo dun at harapin ang gatas, este, yung milk shake na yan. 😉



    hindi worth it, baka mamaya sumikat pa siya pag ginantihan namin, hehe!

  13. watusiboy Says:

    hindi rin ako magaling sa confrontation. namemental block ako. pagkatapos nung tensyon tsaka ko pa lang naiimagine yung dapat na ginawa ko.

    pareho tayo, pero hindi ako namemental block, madalas tumatahimik ako kasi kapag nagsalita ako, nag-aaway talaga ako. and hindi siya simpleng away lang.

  14. bebenibadoodles Says:

    Hmp idol namin ni Badoodles yang inaaway ni Milk Shake na broadcaster. Buti naman at nagkaroon siya ng delikadesa sa katawan para mag sorry.

    Unfair naman kasi na gumamit siya ng ibang tao para matawa sa kanya ang audience niya. Bakit kaya hindi na lang niya gawing katatawanan ang sarili niya. Mas maganda pa.

  15. mayyang Says:

    ay! sobrang bad naman xa….

    …dapat ang mga komedyanteng ganyan..pag isipan din nila mga sasabihin nila…

    hay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: