Dial 0917-LENGGAI

May natanggap akong text:

“mgndng hp0n p0h … aq p0h c ap0lonia aguila n nktira s bldg.6 prdise hghtz t0nd0 manila … nkuha q p0h ang # ne0 ky danny ung pilay n my asawng bulag … my ihhinge p0h sn aq ng 2l0ng s iny0 kc ung kpit bhay nmin d2 ung anak my depteria ns 0spital ala clng pmbili ng gm0t dhil n ngu2ha lan cla ng plaztic at dyryo s divis0ria … sana p0h m2lungan ne0 ang kpitbhay nmin d2 …”

Hindi ko na maalala kung sino ‘yung sinasabi niyang CS, pero sinagot ko:

“Go0d pm. Subukan po niny0ng itawag sa 9827777, magpac0nnect po kayo sa kapuso foundation. Hindi lang po ako sigurado sa requirements nila, pero puwede po niny0ng ipagtan0ng kung paan0 makakahingi ng fnancial assistance sa kanila. Salamat po.”

Ilang beses na akong nakakatanggap ng ganitong text… kung minsan nga eh may tumatawag pa.

Kung hindi rin lang hassle, magpapalit ako ng number kada-buwan.

Hindi sa nagpapakasuplada ako.

Gustuhin ko man, ang realidad: hindi kami ang tagapagligtas ng mundo.

Hindi namin kakayanin.

Advertisements

11 Tugon to “Dial 0917-LENGGAI”

  1. potsquared Says:

    pwede ka ng magtayo ng sarili mong foundation lenggai… tapos mag hire ka ng mga taga sagot ng telepono.. tapos pa telethon ka.. ipapangalan mong “sagipin mo ang lelang mo…” PANALO! hihihi



    sagipin ang lelang mo, ampft! hehe!

    ayokong magtayo ng foundation dahil josme… i need to save myself too! naks…

  2. foobarph Says:

    sagipin…….. si lenggay! sagiipiiin!

    niyak! hindi mo kakayanin… lol! ang emo!!!

  3. gmacomics Says:

    lenggai astig yung nagtext, updated sa texting lingo. hahahaha.
    tama ganyan din kami ni potsquared nuon. kung hindi hihingi ng tulong sa problema sa buhay, hihingi ng tulong magpapasok sa ibang shows na gusto nila.

    ay sinabi mo! ganyang-ganyan ang madalas kong marinig… na as if naman kaya kong solusyunan ang problema nila…

  4. akosimakoy Says:

    hahaha. e bakit sayo sila tumatawag or nagtetext? san nila pinagkukukuha ang number mo???



    ewan ko ba…

  5. onat Says:

    oo nga…ang daming nagtetext.

    nakakalungkot lang na ang tingin ng mga tao sa media ay tagapagligtas ng mundo. kung pwede nga lang silang tulungan bakit hindi? kaya lang hindi ganun yun. 🙂

    pero masaya naman kapag ang mga CS mo, iniinvite ka sa birthday o kasal o handaan sa kanila hahaha



    oo nga. masaya yung ganun. 😀

  6. colegialagirl Says:

    Talagang pinagpala ang iyong cellphone, nakakatanggap ng mga mensahe na hindi para sa iyo. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may darating ng suwerte sa buhay mo, yayaman ka nang matulungan mo sila, heheheh.



    actually, para sa akin yan, hehe. sana nga yumaman ako ng husto, malamang by that time eh too late na para matulungan ko sila ng husto, pero siguro sa panahong yun eh makakahanap na ako ng paraan kung paano ako magiging makabuluhang miyembro ng society. 😀

  7. prosetitute Says:

    haha astig ka. totoo, tama ka. may mga bagay talagang hindi saklaw ng ating powers. pero at least, tumulong ka. 😉



    oo nga eh. buti natumbok mo! salamat sa pagdaan!

  8. taps Says:

    nakakairita yung way ng pagtetext nya.



    baka kako akala niya eh “kewl” un. lol!

  9. eloiski Says:

    Oo nga naman.

    Ganyan na nga siguro talaga kahirap ang buhay…



    oo nga eh, last ditch effort na malamang yun, pero wala naman talaga akong magagawa.

  10. kengkay Says:

    bilib ako sa yo, kasi ako di ko naintindihan yung text message, sa totoo lang. minsan kasi yung iba, akala nila e madaling paraan yung sa kakilala ng kakilala maghanap ng tulong; hindi nila alam mas madali kung dumiretso dun sa mismong organisasyon, alam mo yun? musta ka na, dear!



    i’m not fine ate keng… and it’s been a long time!

    musta ka na rin?

    sori ha, hindi ako nakakabisita sa mga blog ngayon, semi-hiatus at yung sa akin lang ang madalas kong nagagalaw… bibisita ako sa bahay mo soon. 😀

  11. Dilson Says:

    napadaan lang po ako sa blog nyo ate lenggai. enjoy ako magbasa ng post nyo hehe, by the way, nakakaasar nga kung minsan makatanggap ng ganyang text, lalo na siguro kung everyday ganyan text messages na narereceived mo hehehe. anyway again, sana malabanan na kahit kaunti ang Kahirapan dito sa pinas. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: