Archive for Marso, 2008

Weeeeeiiiirrrrddddeeeehhh!!!

Marso 28, 2008

Madalas akong mabuwisit kapag nanonood ako ng balita at daldal ng daldal ang kapatid ko.

Hindi niya hilig ang panonood nito lalo na ‘pag gabi, kasi imbes na madagdagan ang kanyang kaalaman eh nababawasan lang daw ang mga pumipigil sa kanyang maghanap ng trabaho sa mga bansang nagniniyebe…

Kuha ko naman ang punto niya. Sino ba naman kasi ang marerelaks sa bangayan at plastikan ng mga baklita sa gobyerno? Idagdag mo pa ‘yung mga tsismis sa buhay-buhay nung mga artistang sa totoo lang, eh wala naman talaga tayong pakialam?

Kaso sa trabaho ko, kailangan naming maging updated, kaya kung di rin lang ako makakapagbasa ng diyaryo, eh manonood na lang ako ng TV.

Siguro pagod lang talaga ako ngayon dahil alam kong mas mapapagod ako sa editing mamaya, pero habang nanonood ako ng balita kanina eh marami lang akong kalokohan na napansin.

Really now, these are crazy times…

(more…)

Advertisements

Tiktik, tsk!

Marso 21, 2008

“Palitan na kaya natin ‘tong sasakyan?”

Tanong ni Papa habang pauwi kami galing Visita Iglesia kanina.

Akala ko’y isa lang ito sa mga spur of the moment na desisyon niya… o di kaya eh baka naka-pangarap mode na naman siya kaya hindi ko sinakyan. 

Una, hindi posibleng makabili ng sasakyan ngayon dahil simot ang laman ng kaban… pangalawa, hindi kami puwedeng mawalan ng sasakyan… may trak kami rito pero kumusta naman kung magpapahatid ako sa opisina nang naka-Elf?

Humirit ang kapatid ko:

“Huwag muna, Pa, gagawin pa naming bump car ni Ate ‘to!”

Sinegundahan ko siya ng kalokohang banat. Tawanan.

“Kelangan natin ng bago. Namarkahan na kasi ‘to…” rason ng Papa ko.

Mga ilang segundo bago namin na-absorb… hindi nagbibiro ang tatay namin.

(more…)

Sa wakas… Bakasyon!

Marso 18, 2008

3:45 am. Martes santo.

Tulala akong nakatitig sa malaking espasyong nasa tapat ko. Kagigising ko lang mula sa isa sa mga pinaka-hindi kumportableng tulog sa tanang buhay ko.

Padaan-daan ang mga tao sa harap ko, pero para silang mga kaluluwang ligaw sa paningin ko.

Blangko at walang mukha.

Ito ‘yung tinatawag kong Goldfish mode. ‘Yung tipong utak-goldfish ako dahil tumatagal lang ang anumang thought o impormasyon sa akin ng ilang segundo… madalas nangyayari ito kapag hindi ako nakapokus sa kausap ko o bagong gising ako.

Imagine-in niyo na lang si Patrick Starr sa Spongebob… Ganun.

Pero may isang insidente na pumukaw sa antok ko pang utak at gumising sa taklesa kong nature…

(more…)

Nosebleeeeddd!!!

Marso 17, 2008

Minsan, gusto kong haplos-haplusin ang sarili ko sa paghanga.

Hindi pa naman ako miyembro ng I Love Myself Fans Club… pero me mga moment na pakiramdam ko, gusto kong halikan ang sarili ko…

Tulad ngayon…

(more…)

First time ko…

Marso 13, 2008

First time ko kahapon sa Bora…

Pauwi na kami sa Maynila at on the way talaga siya papuntang Caticlan Airport.

Pagtapak ko pa lang sa mala-polvoron na buhangin ng Station 3, nag-wish muna ako… sabay kuyom sa palad ko ng sampol nung white sand.

Sa wakas! Masasabi ko na sa sarili kong nakapag-Bora na ako!

(more…)

Peklat!

Marso 9, 2008

Kapag ganitong malapit na ang Holy Week, mas lumalaki ang posibilidad na magsuot ka ng shorts… at dahil huli na para magpaliit ng braso at tiyan, ang susunod na asset ko sanang ipagmamalaki eh ang aking legs.

Hindi niyo naitatanong, kaya ako hindi natutong magbisikleta eh dahil sa ayaw ng Lola ko noon na masugatan ang binti ko. Noong Grade 3 naman ako, akala ng mga kaklase ko, naka-stockings ako sa kinis nito. Hanggang college, rumarampa pa ako sa Main Building ng UST nang naka-shorts. At sa tuwing nahuhuli ko noon ang crush ko na nakatitig sa akin, isa ito sa mga parte ng katawan kong animo’y bato-balani sa mga mata niya…

Sa itinagal-tagal na nga ng panahon na naging pambenta ko ang aking binti, kung kelan legal na ang naka-shorts dahil sa mga lugar na pinupuntahan ko sa trabaho, saka pa ako nito binigo…

(more…)

At last… Maroon 5 made Manila wonder no more!

Marso 6, 2008

Considering the fact that I only had less than two hours of sleep (out of euphoria perhaps? I was able to buy last-minute Upper Box A SRO tickets the night before)… then I had to work from 9 am until past 6pm… I still wonder how I was able to find the energy to shout my lungs out and dance like crazy in Maroon 5’s concert last night at the Araneta Coliseum.

(more…)

SRO

Marso 5, 2008

Mula umaga hanggang bago mag-alas-otso ng gabi… Hindi ako masyadong magdadadaldal.

Hangga’t maaari, kung kinakailangan kong magtrabaho’t mag-interbyu ng kung sino-sino, ang gagamitin kong tono ng pananalita eh ‘yung pang-nagbebenta ng dried mangoes sa fastfood… malumanay at pabulong.

Kailangan ko kasing ireserba ang boses ko… pakiramdam ko’y mapapalaban ang vocal chords ko mamaya.

(more…)

Kalandian!

Marso 2, 2008

Huwebes noon and it’s way past my deadline.

Imbes na umuwi ng Maynila, nagpa-extend kami sa Palawan. Kinakailangan pa kasi naming umakyat sa bundok at sumama sa panghuhuli ng case study namin ng porcupine.

Putris! Halos walong oras kaming akyat-manaog at pagulong-gulong sa madulas at matarik na bundok para lang sa matinik na dagang ‘yun!

…at doon sa masukal na gubat ng Aborlan ko siya lubusang nakilala. Parang magnet na naintriga matapos niyang malaman na dalawang taon lang ang tanda niya sa akin.

(more…)