Ako.

Nagsimula ang lahat sa pagiging strict ng parents ko.

Ayaw nila akong palabasin ng bahay, pakainin ng balot, pasakayin ng bike, papanoorin ng sine, papanoorin ng drama sa TV, pabasahin ng komiks, bilhan ng song hits, pakainin ng maraming tsokolate, pakilala sa boys, paglaruin sa kalye…

Grade 4 ata ako nang sabihan ako ng teacher ko sa Filipino na may future daw ako bilang writer. Sineryoso ko ang compliment na ‘yon.

Kakapanood ko ng mga dokyu at kakabasa ng mga opinion page sa dyaryo, naengganyo akong pumasok sa school paper namin.

Pero dumaan ang grade school at high school, never akong naging writer sa school paper. Masyado ata akong “common.” Puro first section kasi natatanggap dun.

Noong ikatlong taon ko sa kolehiyo, natanggap ako sa isa sa mga pinakamatatag na University paper sa Pilipinas.

Iyon ang first time kong magkaroon ng Press ID.

Sa pagkakataong iyon ko napagtanto kung saan talaga ako nararapat. Kung saan talaga ang puwang ko sa mundo.

Ilang taon na rin ang nakalipas… Media ID na ang suot ko. Hindi pa man namamayagpag ang career ko sa harap ng kamera… Na-realize ko: masarap din pala kapag nasa likod ka nito…

Nakikiusyoso. Nanlilibak. Nagmamasid.

Advertisements

19 Tugon to “Ako.”

  1. icesx Says:

    lenggai, saya ng kwento mo ah! hanggang dito sinusundan kita. ewan ko kung loka loka lang ako para isiping may pagkakapareho ang pinagdaanan natin o napapraning lang ako.

    anyway, ilang araw na lang sa dyaryo na bagsak ko. hopefully. God willing. mula sa TV papunta sa dyaryo. tagal ko na kasing gustong sabihin sa sarili kong hindi para sa akin ang linya ng pagsusulat pero muli’t muli akong bumabalik sa landas na ‘to. sa istoryang ito, you inspired me lenggai. you ignited a spark of hope through this post. Thanks.

    (http://icsx.wordpress.com/2006/12/) kwento yan ng kabaliwan ko. and fan nga pala ako ng kapuso. wahahahaha!!!! πŸ˜€

    Maraming salamat dear! Hindi ko akalaing makaka-inspire pa pala ako? Hehehe. Sa totoo lang, may mga moment na napapaisip din ako kung para sa akin talaga ang linyang ito (broadcasting), lalo na kapag lawit na dila mo sa pagod tapos napapapakshet ka na sa lahat ng taong kaulayaw mo… Pero at the end of the day, may certain fulfillment na mararamdaman ka. Di ko siya ma-explain. Basta siya ‘yung tipong pagtanda mo, marami kang maikukuwento sa mga magiging anak mo. At ‘yung mga kuwentong ‘yun, hindi lahat ng tao, may pagkakataong maranasan ng personal. Ganun lang kasimple ang pamantayan ko pagdating sa career. Baka makatulong sa future career decisions mo. Good luck din sa paglipat mo sa diyaryo. Siguro kung wala ako sa TV, malamang sa tabloid ako nagtratrabaho ngayon. Lol! Manood ka ng show namin, masaya ‘yun! =)

  2. kengkay Says:

    ay, sikat talaga ang lenggai girl, hehehe… subaybayan ko nga ang mga yapak mo. masarap mag tabloid, alam mo ba yun. lalo pa kung sa pier ang opis nyo at di ka sanay tumawid na may kasalubong na ten wheelers. pero masaya sa media di ba? lalo na ang chikahang kayo lang ang nagkakaintindihan, yaaaaa…

    Yeah… minsan nga para kayong alien na may sariling language… minsan din may “look” ang mga taga-media na unang tingin mo lang, kung onlooker ka, alam mong media na… kaso ang cliche naman ng look na iniisip ng iba, na kapag media ka, dapat me chaleco na beige at mikropono kang laging hawak… sa pelikula lang yun men! sa totoong buhay, pink yung chaleco… hehehe!

  3. tim ang Says:

    …isa sa mga pinakamatatag na University paper sa Pilipinas

    Kule ba yun?

    **

    Nope. UST Varsitarian, Tim. πŸ™‚

  4. my name rhymes with hyoscine-n-butylbromide Says:

    bat feeling ko feeling-feelingang nauunderdog ka?

    astig ka kaya, ano ba ang mga bagay na nakakapuwing?

    lahat ng tao ngstart from microscopic na egg at sperm cells, lam kong lam mo yun pero, there will come a time na you’ll be big yan eh kung di ka iaabort ng mundong ginagalawan moh, buti ka pa nga, somehow trip moh yung mundong ginagalawan moh, ako sumpa ata yung mundong ginagalawan ko, buti na lamang nakakasilip sa ibang mundo gaya ng sayo,heheh

    **

    Una sa lahat, salamat sa comment, masarap mag-blog kapag alam mong may nag-eenjoy (o nabubuwisit) sa sinusulat mo…

    Pangalawa, dahil sa comment mo, napa-review tuloy ako sa post ko. Feeling ko naman, hindi ako underdog. Pero hindi ako magmamalaki, kasi bad yun.

    Naniniwala ako sa morale ng kanta noon ni Bo Bice sa AI, yung “Spinning Wheel” (I-Google mo na lang lyrics).

    Pangatlo, labs talaga ako ni Papa Jesus kasi nilagay niya ako sa industriyang trip na trip ko… Marami na rin akong napagdaanang trabaho, at ang iba sa kanila, parang sumpa dahil either hindi ko talaga “calling,” o demonyo ‘yung mga katrabaho… Kung ako sa’yo, kung hindi ka happy sa kung ano mang ginagawa mo, walang sense mag-stay… Baka kako kaw lang gumagawa ng sarili mong sumpa.

    Gaya nga ng sabi ng boss ko ngayon: kung hindi ka na natututo, kung hindi mo na mahanapan ng saysay ang ginagawa mo, it’s time to let go.

    Pang-apat… may bayad na ang susunod kong advice… hindi ako career consultant ‘te! hehehe!

    Salamat ulit sa pagbisita. =)

  5. kapestehan Says:

    Hi lenggai, can i add u to my blogroll?
    Sana add mo din ako. bagong sali lng ako sa wordpress pinoy pero dipa naeemail ng aproval yung site.

    Thanks

    **

    Oki! Inaayos ko pa naman mga ilalagay ko dito sa blog roll ni pinay brodkaster… =)

    Salamat sa pagbisita! πŸ˜‰

  6. hiyashinsuna Says:

    Gaya nga ng sabi ng boss ko ngayon: kung hindi ka na natututo, kung hindi mo na mahanapan ng saysay ang ginagawa mo, it’s time to let go.
    -gusto ko tong sinabi moh na quoted from your boss, sana nga magawa kong wag magstay sa mundong ginagalawan ko na kung saan hindi ako masaya. siguro duwag ako…sana i have the courage na magawa yun bago man lang ako mawala sa earth ng hindi ako mamatay na dilat ang mata…

    I hope you’ll find your peace. πŸ™‚

  7. Rhapsody Says:

    hi there.. bloghopping lang po.. naintriga kasi napansin ko ung Bruha raw ako entry mo hehehe.. babasahin ko nga laters hehehe..

    Salamat sa pagbisita!

  8. GEisha Says:

    wow! very inspiring… frustrated writer din ako… pero hindi talaga maswerte! haaaayyyyy
    pero in fairness masarap pa rin naman maging colboy.. laway lang puhunan πŸ™‚

    ciao!

    salamat at na-inspire ka, geisha… ayos din posts mo, pero himayin ko siya pagka-ere ko… salamat sa pagbisita! πŸ˜€

  9. bursky Says:

    naaliw ako at malamang babalik ako (kapag idle ako sa opis.) πŸ˜€ magsa-subscribe na ako sa blog na ‘to. πŸ™‚

    tsk! kung mapagkakakitaan lang ang kadaldalan ko sa cyberspace… lol!!! salamat po sa pagdaan. πŸ˜€

  10. itot54itot Says:

    suportahan po natin si mariel jacoda http://www.itot54joni.com/2008/01/who-is-mariel-jacoda.html baka kapag nanalo siya sa contest ng dance war sa amerika ay mafeature niyo sa jessica.

  11. thesocialcritic Says:

    Grade 6 ko nalaman na hindi pala ako bagay magsolve ng mahabang mathematical problems kaya mas pinili kong sumali sa schoolpaper namin at matuklasan na hindi lamang pala panulat ng “Today is Monday, It was Sunny Day” ang bolpen.

    Mula nun, iginapos ko na ang sarili ko sa pagsulat, at sa pagbabasa.

    Akala ko Kule ka. Pcenxa na, hindi kasi ako nakakabasa maxado ng Varsi. Tanging Kule at Voice lang nakakarating sakin.

    PS. Kahit naging editor in chief pa ako ng highschool publication namin, hindi ko naransan ang magka-press id. ano bang feeling?

    ok lang, 2001 pa rin lang ako nang grumadweyt sa V… mas maipapaliwanag ng mga entry ko ang pakiramdam ng may media ID:

    https://angpinaybrodkaster.wordpress.com/2007/11/14/oy-media-kame/

    at press ID noong college:

    http://mganeelaineelai.wordpress.com/2007/06/02/hyped-uaap/

    naikwento ko na dyan… enjoy!

  12. chuvaness Says:

    uyyy…babalik ako mamya…gagawa muna ako ng paid opps…hehehe…

    Ge…ge… πŸ˜€

  13. bibomedia.com Says:

    πŸ™‚

  14. ifoundme Says:

    buti ka pa grade 4 pa lang alam mo na kung ano gusto mong maging paglaki mo. hehehe! ako yata grumadweyt ng college litong litong paring kung ano gustong gawin kasi kagaya mo, strict din ang parents ko. kaya nung pinalaya na, lahat gustong gawing. LOL!

    salamat sa pagbisita!

    pero tama rin naman, gawin mo lang ng gawin… ang pilosopiya ko nga eh, carpe diem!

  15. olan Says:

    hi…
    i love your site. super galing mong magsulat. nakakaadik. alam mo frustrated mediaman ako. masscom grad ako but i am into mktng ryt now. though nag eenjoy ako sa work pero dugo at puso hinahanap pa rin yung inaral ko noong kolehiyo ako. buti ka pa… feeling ko, ang saya mo maging friend. makuwento ka… hehehe.. keep it up… dalaw ka davao ha..

    naks naman, salamat!

    yeah, madalas din akong may story sa davao. sa susunod na pagpunta ko, manlilibre ka ba ng tuna? lol!

  16. olan Says:

    sure lenggai… sa apo view ako work. mktng… kapuso ako. 101% and i’m happy kapuso ka… just watch yung sisd last sunday. wowed ako dun sa tubatahha reef. by the way, i was raised sa Cateel davao Oriental. Its the home of the highest waterfalls in the philippines – Aliwagwag Falls. Super ganda. sad to say, never pa syang nafeature sa anumang national tv. tsk tsk tsk… dream ko, one day mafeature sya para naman makita ang natatagong yaman ng munisipyo namin. malay ko, ikaw pala kasagutan noon. hehehe. keep it up ha… ano program mo sa gma? abangan ko….

    yey! free tuna! lol! joke!

    parang famililar yung name ng company mo, hotel yan ryt? ewan ko kung nakapagcheck in na kami dyan… sayang last year may feature kami tungkol sa mga falls sa pilipinas, hindi natunton ng researcher namin ‘yan… hmmm… may iba ka pang stories na alam? wala bang lumilipad na human being jan or something? hehe.

  17. olan Says:

    yup… apo view hotel… konti lang tuna dito! dapat kainin mo DURIAN! must-try yun. hahahaha. or punta ka croc farm – try mo yun crispy croc nila. sarap din yun. hahahaha. so far, wala pang darna or captain barbel dito lenggai. dito sa davao, bihira din yung suicidal drama na tatalon talon kunyari sa billboard. wala yun. mag isip ako. kung travelogue, dapat i feature din yung natura bonsai park sa davao oriental. yun naman nasa tuktok ng bundok mga 50 hectares na bonsai. nakakamangha yun. sa bukid din namin.. nag eexist T&I%I&^%&^(RUYFYIUFDURTYWESUT…. pwede yun…

    inedit ko yung last mong sinabi ha… magandang istorya yun! pag-usapan natin yan… nagawa na namin yung sa bonsai, sa davao din yata yun.

  18. chichirya Says:

    Si Love AΓ±over ga ikaw? πŸ˜€

    hahahah! naku, mas payat, sikat at makinis sa akin yun… heheh!

  19. olan Says:

    sure… basta… contac t moko ha… add na kita sa link ng blogsite ko for future referance… naadik ako sa blog ba… karelate ako… frustrated mediaman ako eh… hahaha…

    i sent you an email.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: