Archive for Nobyembre, 2007

Manila Peninsula “Siege?!”

Nobyembre 29, 2007

11 am. Sakto lang yung gising ko kanina. Siyempre, nagiging habit ko na lately, una kong bubuksan eh yung blog ko, nang biglang tumawag Researcher namin…  May breaking story raw… Si Trillanes, magche-check in na naman sa isang hotel… Stand by lahat ng SP.

Yezzzz…  It’s showtime!

(more…)

Wawa We?

Nobyembre 28, 2007

Alam ko, tanghali hapon na ako gumising ngayon…  Pero sa ngalan naman ng pagiging makatao…  Kasalanan ba kung patayin ko ang TV habang enjoy na enjoy yung kasambahay naming manood ng Wowowee?

Isantabi na natin yung pagiging empleyado ko sa kabilang istasyon…  Sa totoo lang, naa-appreciate ko rin yung mga teleserye nila… Pero ito talagang noontime show na ito… Kuuuu!!!

(more…)

Film Showing tayo…

Nobyembre 27, 2007

Wala pa man pong isang buwan na nasa blogosphere ang Pinay Brodkaster…  Masaya ako kasi kahit papaano, marami na ang nag-react, naaliw, nainis, na-epalan, natawa, na-bad trip, natamaan, yada, yada… sa blog na ito.

Para sa mga curious kung ano nga ba ang mga tipo ng kuwentong pinagkakaabalahan ko linggo-linggo (well, every other week, kasi cool ang boss namin pagdating sa labor rights…  simula nang maging boss namin siya, may break na kami), ipapakita ko sa inyo ang ilan sa mga ginawa kong segment…

Salamat sa mga nangangarir naming viewers, may pagkakataon po tayong mapanood/ma-upload ito mula sa YouTube…

(more…)

Katakot!!!

Nobyembre 26, 2007

Ahhh…  Natapos na naman ang isang linggo ng trabaho… Nakaere na ako so may permit na akong mag-share ng mga wento tungkol sa nakaraan kong episode…

Mukhang mapapasarap tayo kasi espesyal ang linggong ito. Hindi basta-basta ang naging topic ko (eto ang ‘kaaliw sa trabaho namin eh. Kada-linggo, para kang naglalaro ng “Choose Your Own Adventure”)

And for this week…  Ang aking adventure… Ang aking greatest fear

Ahas… ‘Yung makamandag!!!

‘Oly shet talaga!!!

(more…)

Bruha raw ako?!

Nobyembre 20, 2007

Siguro naman, lahat tayo, me nakaaway na sa trabaho. Hindi porke nasa media ako, ibig sabihin kami lang ang laging napapaaway. Pero kahit siguro yung mga cashier sa toll gate, marunong ding makipagmurahan. Malay niyo, pag lugaw-lugaw na utak nila sa kakasukli, bigla na lang nilang babatuhan ng dirty finger yung pulis na kasama nilang nakatulala sa me barrier. Trip lang.

(more…)

Dos berses Siete

Nobyembre 17, 2007

“Yo! Kaposo! Woohoo! Kaposo kame! Number wan!”

Tapos susundan pa ‘yan ng isa pang lame impersonation…

“Hindi namin kayo tatantanan!!!!” (with matching gigil and panduduro a la Mike Enriquez)

Tawanan. P*tangna.

(more…)

Penge po ng istorya!!!

Nobyembre 16, 2007

Por Dios! Biyernes na, wala pa rin akong istorya!

Yari na naman ako nito pagdating next week. Naluluha na mata ko kahahanap sa mga Internet sites ng bagong isyu, pero puro tungkol sa Batasan Blast ang nakikita ko.

Marami nang pa-kyut segments na naka-line up sa next episode namin. Ang kelangan ko eh kuwentong marumi, mabaho, nakaririmarim at kasula-sulasok. Yung expose na tipong liliit ang mundo mo oras na ipalabas mo sa TV. O di kaya sakit na biswal, nakakadiri at nakaka-paranoid ikober.

(more…)

Oy! Media Kame!!!

Nobyembre 14, 2007

Kung si Nardong Putik, may anting-anting… Kami namang mga taga-Media, may Media ID.

Hindi matatawaran ang kapangyarihan ng laminated piece of paper na ito. Parang tsapa ni Gil Grissom sa CSI — nagkakaroon kami ng karapatang kausapin ang mga hindi nakakausap, paamuhin ang mga pasaway o kung minsan, pass din ito sa mga lugar na hindi mapapasukan ng karaniwang empleyado… Ang hindi ko na nga lang nasusubukan eh ‘yung magpahinto ng kotse sa gitna ng daan habang tinutugis ang isang case study na ayaw magpa-interview…

(more…)

Lalaki. Nagpakamatay sa mall!

Nobyembre 13, 2007

Hindi ko alam kung bakit sa araw pa na nagrerelaks ka lang… Nagliliwaliw at nakikipag-gaguhan sa kaibigan mong matagal mo nang di nakikita… Kailangan mangyari ang trahedya.

At nang mangyari ito, nasa itaas na floor lang kami. Nagtatawanan at nag-aasaran. Wala kaming kamalay-malay na ilang kanto lang mula sa amin, may isang taong unti-unti nang nilalamon ng lungkot at kawalan ng pag-asa sa buhay…
(more…)

Show. Don’t tell.

Nobyembre 12, 2007

Show. Don’t tell.

Ito ang lesson for the day ng aming Bossing sa Anniversary dinner ng aming programa (tatlong taon na kami!!!! Whoopee!!!).

Malamang pagtatawanan ako ng mga kaopisina ko oras na mabasa nila ‘tong entry na ito.

Langya. Kung bakit kasi kailangan pang isulat sa blog, eh given na ‘yung rule na yun sa basic classes ng journ (eh kaso CommArts ako? So bago sa akin ‘to. Narinig ko lang sa Bossing ko).

Sa halos kalahating dekada ko nang nagtatrabaho sa Media, hindi ko pa rin mamaster ang katangiang ito:
(more…)