Archive for Hulyo, 2008

Isang kuwento ng kahayupan…

Hulyo 31, 2008

Gising na ako nung dumating sila pasado alas dos ng madaling araw.

Unang bumaba ‘yung babae — bilugan ang tyan pero sexy… mahaba ang buhok… mga hanggang balikat siguro ‘yon.

Pagtawag niya dun sa wire na gate namin, nagising ‘yung kasamahan ko sa bahay.

Binuksan nung kasama ko ang pinto, pumasok ‘yung babae, kasunod ang dalawa pang lalaki. ‘Yung isa, may dalang malaking camera.

Uy! Kukunan ‘ata kami sa TV!

Ginising ko ‘yung mga katabi ko, pero hindi sila impressed.

Bumangon na rin ‘yung ibang mga tao sa bahay.

Nae-excite ako sa camera!

Parang ganun din ‘yung pakiramdam nung mga tao sa bahay kasi panay ang kausap nila dun sa babae. Parang lahat eh nag-uunahan sa kanyang atensyon.

Pero hindi sila ang pakay niya… ako.

Ahm… ako?!

Nabuhay ang eksena sa loob ng bahay… may nagpakulo ng tubig… ‘yung isa bina-brush ‘yung semento sa batalan… maya-maya, may narinig akong naghahasa ng kutsilyo.

Dun sa huli kong narinig, hindi ko alam kung bakit… pero medyo kinabahan ako.

(more…)

Advertisements

Watta panatiko!

Hulyo 30, 2008

Pasado a las diyes ng gabi. Biyernes.

Naghahapunan kami ng boss ko dun sa labas ng kapihan sa may fourth floor. Editing namin at medyo bangag na ang hitsura ko… kagagaling ko lang sa isang katayan ng kabayo.

At oo, me kung anong pakiramdam ako na sa mga oras na ‘yun, amoy dugo ng kabayo na ako.

Bale kasalukuyan kong nilalantakan ‘yung hindi na masyadong crispy na Crispy Chicken ng Jabee, nang mapansin ko ‘yung bigotilyong mama na nakikipagkyawkyawan sa mga kopi boys dun sa me looban.

Uy! Si Manny Pacquiao!

(more…)

Lenggai’s Block

Hulyo 29, 2008

Sa totoo lang, kung minsan, gusto kong burahin ‘tong blog ko.

(more…)

Aplikante

Hulyo 21, 2008

‘Laking pasasalamat siguro ng kapatid ko at tumawag ang dating kaklase niya. Nasa kalagitnaan kasi kami ng isang mahaba at nakakairitang sermon.

Siyempre, ako ang pari.

(more…)

Kampai!

Hulyo 14, 2008

Nababaduyan akong gumawa ng sanaysay tungkol sa mga natutunan ko sa aking istorya noong nakaraang linggo.

Dadaanin ko na lang sa litrato.

(more…)

Job Description

Hulyo 7, 2008

Kapag nasa field ako, madalas akong napagkakamalang reporter.

Huwag niyo nang itanong kung sinong reporter, pero at least, hindi lalaki… ‘pag nagkataon, pasensyahan na lang pero mananapak talaga ako.

Anyway, bilang segment producer, kami ang tumatayong “representative” ng host namin. Dahil dito, may mga nag-aakalang prestihiyoso ang trabaho namin.

Siyempre, hanggang akala lang ‘yon.

Suwerte ang makapasok sa network… milagro ang tumagal at maging matinong empleyado rito.

Bakit kamo milagro?

(more…)

Manhid

Hulyo 5, 2008

Minsan ko nang nainterbyu si Sec. Angelo Reyes tungkol sa krisis sa kuryente.

Masaya siyang kausap, kuwela. Pakiramdam ko nga eh BFF (Best Friends Forever) na kami sa daldal niya.

Sa tagal na niyang humaharap sa media, kabisadong-kabisado na niya kung paano kami aaliwin.

Habang inaayos pa ng crew ko ‘yung set-up sa interview, pinagkukuwentuhan namin ‘yung tungkol sa away ng Meralco at GSIS.

Medyo nagno-nosebleed na ako kasi sa totoo lang, kung hindi ko rin lang naging istorya ‘yung kuryente, hindi ko naman talaga susubaybayan ‘yung isyu tungkol sa away nung dalawang kumpanya.

Susubaybayan ko siguro, para lang maging updated ako, pero alam niyo ‘yung mga balitang tumatagos lang sa iyo kasi masyadong teknikal?

Nung medyo napapagod na rin akong magpanggap na interesado sa topic, inamin ko na lang kay Sir Angie na wala akong pakialam sa away nung dalawang kumpanya. Mas naiinis pa ako run sa reklamo tungkol sa binabayaran nating lahat na system loss.

Medyo sumeryoso ang mukha niya: “Naku, dapat may pakialam ka sa away nila.”

(more…)

TV English

Hulyo 4, 2008

Text galing sa isa sa mga iniidolo at nirerespeto kong manunulat sa Ingles:

‘Yung (pangalan ng program), ang pangit ng ingles! U shud tell dm to edit. And delivery ng anchors parang 24 oras in english.

(more…)

Bobo Boobs

Hulyo 2, 2008

Para pigilan ang sarili ko sa pagsusulat ng isa na namang “hate” entry tungkol sa mga taong walang pinagkatandaan… napunta ako sa isang kontrobersyal, pero in fairview, kapupulutan ng aral na video sa YouTube.

Hindi ako tibo, pero me natutunan ako kahit papaano mula sa kanya… at nakakaaliw siya!

(more…)

PG-25

Hulyo 1, 2008

Ang patakaran ko, basta lumagpas ka na sa 25 taong gulang, wala ka nang karapatang mag-baby talk.

Maliban na lang siguro kung maliit ka’t maputi, may braces at medyo chubby na chinita, puwede pa siguro… may posibilidad pang bumagay.

Pero kung lagpas ka na sa pagkakaroon ng quarter-life crisis at pinapaliit mo pa rin ang boses mo o nagbubulul-bululan ka para magpa-cute/makuha ang gusto mo/lumambing/wala lang… hindi maganda.

To put it bluntly: masagwa.

(more…)