Forgettables

Madalas kong makalimutan…

…na hindi na ako dapat masyadong kinikilig kapag ngumingiti si David Cook o tumititig sa camera si Adam Levine.
…na matanda na ako para maaliw kay Spongebob at sa Fairly Oddparents.
…na si Iron Man at Indiana Jones ay kathang-isip lamang.
…at kailangan ko nang ipaubaya si Shia LaBouf sa mga kapatid ko.
…na kailangan ko nang maalarma dahil hindi na nadadaan sa stomach-in-chest-out ‘yung laki ng tiyan ko.
…na mas malaki ang tsansa kong magkaboypren kung sisimulan ko nang mag-ehersisyo at tatantanan ko na ‘yung pagiging matakaw ko sa tsokolate, dairy queen at lechong kawali.
…na hindi pag-iipon ang tawag sa isang libong pisong maintaining balance sa ATM.
…na kailangan ko nang matutong mag-ahit ng kilay…mag-isa.
…na may mga tao talagang sadyang “ganun.”
…na kanya-kanya tayo ng topak.
…na hindi ko dapat itinuturing na “challenge” ang guwapo at matalinong lalaki na hiwalay sa asawa, may anak at ngayo’y may gelpren na tsinita!
…na hindi sa lahat ng araw, pasko.
…na totoo ang karma.
…na may dahilan kung bakit “virtual” ang tawag sa mundo ng internet.
…na hindi ito paid post o domain kaya walang problema kung me mga araw na bobo ang entry ko.
…na utak at lakas ang puhunan ko sa trabaho… kaya sana lang eh natutulog na ako ngayon kasi tatlong oras na lang… kailangan ko na namang magising para sa shoot ko.

Advertisements

17 Tugon to “Forgettables”

  1. neex Says:

    “…na matanda na ako para maaliw kay Spongebob…”

    ok lang bumalik sa pagkabata.. paminsan minsan nga lang dapat.

    hahah! onga. pero naaaliw talaga ako sa kanila… lol!!!

  2. Lyzius Says:

    oo me dahilan ang lahat ng yan…at me dahilan para magbyuti rest sister

    lol! oo nga… katatapos ko lang magpamasahe… ang sarap! and now… beauty rest na ako. πŸ˜€

  3. aKDa Says:

    ayus lang yan. walang masama kung ginagawa mo yung mga bagay na yan, lalo na kung napapasaya ka naman nila…^_^

    onga naman… pero tinigil ko na ‘yung sa me sabit… di na siya masaya…

  4. tina Says:

    artista? heheheh

    yeah… haven’t you heard? hehe πŸ˜€

  5. kengkay Says:

    …na hindi pag-iipon ang tawag sa isang libong pisong maintaining balance sa ATM.

    hahahaha – meron nga akong kakilala yung 50 pesos na andun sa ATM nya pilit nyang winiwidraw e πŸ˜€

    naku sabihin mo sa kanya patawarin na niya yung 50 pesos na yun! hehe

  6. wei vines Says:

    ‘…na hindi ko dapat itinuturing na β€œchallenge” ang guwapo at matalinong lalaki na hiwalay sa asawa, may anak at ngayo’y may gelpren na tsinita!’

    makes me think…

    blind item? bwahahah!

    hahah! hindi rin, di naman niya mababasa ito… at tinantanan ko na ang pagsabit sa may sabit… naniniwala ako sa karma… πŸ˜€

  7. lilmiz Says:

    na-aaliw din ako kay spongebob! haha.. feeling ko hindi talaga pambata yung cartoons na yan lolz.. buti nga may 1k ka na maintaining balance, sakin zero yan lalo na pag malapit na ang sweldo heheh.. gusto ko din mag-ehersisyo, kakatamad lang, mas masaya magblog hahah

    onga… mas masayang mag-blog… hehe

  8. koreanmine Says:

    ako nga, laging nagtitira lang ng 200 pesos sa ATM q para lng di maclose acct at d end of the mo. πŸ˜€

    at ang hirap kakapigil ng hininga para lang maipit ang chan, kung pde lang lagi akong may dalang malaking bag para lang pantakip! πŸ˜€

    haha! style ko rin ‘yan. kulang na lang sako…

  9. aga Says:

    asust… πŸ™‚

  10. Jayme Says:

    …na kailangan ko nang maalarma dahil hindi na nadadaan sa stomach-in-chest-out β€˜yung laki ng tiyan ko.

    After I give birth, Hip Hop Abs tayo! πŸ˜€

    ge ba! yun ay kung… sisipagin ako… 😦

  11. Jules Says:

    ako nga kahit may sapat na gulang na may picture pa WITH spongebob at may sleeve shirt pa na may spongebob print na kina-aaliwan ng mga janakis! wala yan sa age, nasa perspective πŸ™‚

    ahh… nagustuhan ko yan ah… nasa perspective… onga naman! hehe!

  12. Jules Says:

    correction:

    sleeve – sleeveless

    thanks!

  13. Aling Baby Says:

    buti ka pa nga nakakapag-iwan ng 1000 pesos sa ATM eh,,,, ako dati pag malapit na sweldo, parang reward ko yon sa sarili ko dahil me sweldo na ulit hehehehe… πŸ˜€

    heheh… di kasi puwedeng mawalan ng laman yung isang ATM ko, sayang naman ang pinagsamahan namin kung maka-cut lang siya nang ganun ganun na lang… πŸ˜€

  14. jombee Says:

    …na hindi sa lahat ng araw, pasko.

    hahhahaha ako ba yan?

    lagi short pera ko kasi lagi nagpapainom.. hahai kelangan ko na din magbago..

    Maelyn ballen pla nem ng ate ko…

    hmmm. di ko siya kilala, pero kung sa public affairs siya, baka kilala ko siya sa mukha… malaki kasi office namin, hirap kilalanin lahat, lagi pa ako sa labas. πŸ˜€

  15. taps Says:

    mas nakakachallenge ba ang hiwalay sa asawa?



    nope. nabighani lang ako sa mukha at katawan niya… pero hanggang dun na lang ‘yun.

  16. Broil Says:

    Somehow i missed the point. Probably lost in translation πŸ™‚ Anyway … nice blog to visit.

    cheers, Broil



    too bad. reading my entries can be tough especially if you can’t understand tagalog (I assume you’re not Filipino, right?), but it’s good you actually spent time visiting my page. some of my entries are written in english, but i express my thoughts better in the vernacular.

    anyway, thanks for droppin’ by!

  17. random stupid Says:

    More SPAM from me. Wala lang, miss lang siguro kita. (or not). So how’s the “boy” in your “friend”? (para kay Ms. bradshaw “man” friend)

    haven’t watched Sex and the City… dami raw cuts dito sa Pinas eh… nway, si harold ba ito?!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: