Gusto mo bang maging ME…dia?

Naaalala ko pa ‘yung unang beses na lumabas ang pangalan ko sa TV.

Nag-text brigade pa ako noon para i-share sa mga taong malalapit sa akin ang unang biswal na katunayan na media na ako. Kung sakaling uso na ang 3.2 megapixel na camera phone ko noong 2003, malamang eh nagpa-picture pa ako katabi nung TV namin.

Para akong nasa alapaap sa mga sandaling iyon… at sa tuwing binabalikan ko ‘yung gabing iyon, napapangiti na lang ako… kailan ko kaya ulit mararamdaman ‘yung feeling na ‘yon?

Napaisip lang ako, matapos basahin ang entry ni Ka Gasti tungkol sa mga narating na niya sa buhay.

Wala pang isang taon ang blog ko, pero iilan na rin sa mga nag-comment sa akin ang nagsabing masarap ang trabaho ko o di kaya’y suwerte ako dahil kung saan-saan na ako nakarating at puno ng adventure ang buhay ko kumpara sa kanilang “boring” na job description.

Hindi naman ako magpapaka-ipokrita at magpapapanggap na hindi masaya ang ginagawa ko dahil sa totoo lang, masaya naman talaga siya… at mahirap, nakaka-stress, nakakawala ng lovelife, nakakatuyo ng utak, nakaka-excite, nakakataba at kung anu-ano pang nakaka… para sa isang Communication Arts graduate, masasabi nang I’m living THE DREAM.

Pero alam niyo, hindi naging madali ang biyahe ko papunta rito. Maraming naging “sidetrip” ika nga… at kumbaga sa lansangan, maraming mga kanto na naligaw ako at nabugbog…

Pagka-graduate, ang unang trabaho ko ay copywriter sa isang maliit na advertising agency.

Mahigit 11 months din ako run… mabilis ang turnover ng mga tao dahil sa sahod, limited exposure at chance for growth, kaya nag-resign ako at naging PAL(amunin) ng mahigit dalawang buwan.

Nakakainip sa bahay at naging nakakahiya nang humingi ng baon sa mga magulang ko, kaya kinagat ko ‘yung offer sa akin sa isang publishing company, hindi bilang writer kungdi Account Executive. Meaning, tagabenta ng espasyo sa pahina ng pambatang magasin sa mga corporate ek-ek.

Wala naman siguro akong magiging problema pagdating sa marketing skills dahil sa daldal kong ito, tingin ko eh may madadagit naman akong kliyente na mag-aadvertise sa amin… kaso hinahanap-hanap ng sistema ko ang pagsusulat… lalo na kapag napapadaan ako run sa PRESS department nila.

Alam kong sa paghahabi ng mga salita ako tunay na liligaya kaya nag-resign ako matapos maging Account Executive… nang dalawang araw… ang pinakamabilis na career move sa buhay ko.

OK rin lang dahil agad akong nakapasok sa isang PR company. Writer din. Aliw dahil 21 years old pa lang ako at me kung anong halina sa akin ang pagtatrabaho noon sa Makati.

Pakiramdam ko’y yuppie na yuppie ako sa tuwing dumadaan at gumigimik sa Greenbelt, o di kaya’y kahit ‘yung simpleng paglalakad lang sa mga sulok ng sosyal na building sa paligid, me arrive na “Shet! Empleyado ako, may spending power ako!”

Magaling din pagdating sa trabaho ang boss ko noon, matalino at maimpluwensya. Pero hanggang dun lang ang magagandang ala-ala ko sa kanya. Ayokong dugtungan pa ang pagbabalik-tanaw ko sa mga naging karanasan ko sa kanya at sampu ng mga nakasama ko sa lugar na ‘yun dahil hindi magandang siraan ang opisinang nagbigay din sa akin ng pang-gimik at pamasahe… nang mahigit pitong buwan.

Pag-alis ko sa Makati, napadpad ako ulit sa isang maliit na advertising agency sa Ortigas.

Naka-puwesto sa isang sosyal at matayog na building ‘yung opisina kaya mas dama ko ang pagiging yuppie habang rumarampa sa kahabaan ng San Miguel Ave. ba ‘yun? Naka-MP3 pa ako (pangarap lang sa akin noon ang pagkakaroon ng iPod) habang me bitbit na Hot Choco galing Starbucks… ‘pag naaalala ko nga, palaisipan pa rin sa akin kung paanong nasustentuhan ko ang luhong ‘yun… araw-araw… sa liit ng sahod ko.

Pero me sumpa talaga ang mundo ng advertising para sa akin dahil isang buwan lang ako sa kumpanyang ‘yun.

May nakarating sa aking comment galing sa isa sa mga paborito kong prof noong college… nagkakuwentuhan kasi sila nung mga dati kong kaopisina mula sa first job ko.

Kilala niya ako bilang manunulat sa aming University paper, at nang malaman niyang sa advertising ako nalilinya (actually, nag-aaplay din ako sa kanilang kumpanya noon), me konting panlilibak na hinusgahan niya ako:

“Ah, si Perez? Nagpapanggap lang naman na pang-advertising ‘yan, pero sa journalism talaga ‘yan.”

Hindi ko siya itinuring na compliment dahil sa eskuwelahan ko, advertising ang kinikilalang forte ng tinapos kong kurso. Ang dating sa akin eh para bang wala akong puwang sa industriyang itinakda sa akin ng aking diploma.

22 years old ako noon at gumagalang walang trabaho. Humbling experience lalo na kapag nabulag ka sa “prestige” na hatid ng pagiging editor sa isa sa mga pinakapipitagang University paper sa Pilipinas.

Noon ko lang naunawaan na iba pala talaga ang batayan kapag nasa real world ka na. Kung hindi ka likas na magaling, kailangan mong maging madiskarte… mga katangiang kailangan ko pang i-develop nung mga panahong iyon.

Nakakababa rin ng pagtingin sa sarili kapag lumipas na ang isang buwan at nagmumudmod ka pa rin ng resume sa kung saang opisinang me Studio, Advertising o Publishing sa dulo pangalan nila.

Dumating na nga ‘yung puntong naglalakad ako sa EDSA… kagagaling ko lang sa isa na namang job interview (na alam kong hindi ako tanggap). Umiiyak akong nakikinig sa aking MP3 habang tumutugtog ang kantang “Drive” ng Incubus. Pang-music video ang eksena pero sapol talaga sa akin ang mensahe nung kanta. Halos kasabay ko na siyang inuusal sa mga panalangin ko kay Papa Jesus.

At siguro nga, may soft spot si Papa Jesus kay Brandon Boyd dahil hindi naglaon, sinagot niya ang panalangin ko.

Nagkaroon ng opening para sa Researcher sa unang programa ko. Sumasabit-sabit na ako noon sa kaibigan kong si Jayme sa mga undercover ocular niya… at nang mag-resign ‘yung isang researcher sa kanila, inirekomenda niya ako.

Naaalala ko pa ‘yung first day ko sa GMA, naka-three fourths ako na blouse, slacks at half-boots… pormal-pormalan. Baduy!

At noong ipinakilala ako ni Jayme sa mga kapwa researcher namin… hindi ko napigilan ang aking sarili:

“Dream come true sa akin ito! Sa wakas natupad na rin ang mga pangarap ko…”

Natawa ‘yung isang researcher

“Puwes, namnamin mo na ‘yang feeling na ‘yan dahil malapit ka nang magising sa katotohanan…”

At nangyari nga… pagkalipas ng isang linggo, humawak na ako ng aking unang istorya. Masalimuot.

Madugo pala ang pagiging researcher sa TV. Dito ko naranasang magpakatay ng aso (at muntikan nang matanggal dahil dito), magpanggap na buyer ng pekeng sabon, makipag-usap sa isang rabid na taong-grasa (kakahanap ng nabaliw dahil nawalan ng anak), uminom ng pampa-abort para makumbinsi ang isang aborsyonista (again, hindi advisable… isang malaking katangahan), tumuntong sa lamesang kahoy habang nagvi-video sa maliit na butas sa plywood na dingding ng actual na nagbabalot ng marijuana sa isang Muslim area, mangalap ng pondo pampa-opera sa batang biktima ng sunog, mapalibutan ng mga batang rugby nang lagpas alas-dose ng hatinggabi, maghabol ng mga Badjao, magpanggap na durugista sa sementeryo, maglayag sa gitna ng umaalmang karagatan kasama ang dalawang batang bisaya… habang nakasakay sa isang maliit na fishing boat para lang makaabot sa flight sa Capiz… ilan lang ‘yan sa mga pinaka-hindi malilimutang karanasan ko bilang researcher.

Tama ‘yung sinabi ng kapwa ko researcher, na boss ko na ngayon… hindi biro ang trabaho sa broadcasting. And we are all as good as our last story. Kung magaling ka ngayong linggong ito, kailangang mas galingan mo pa sa susunod dahil maraming puwedeng mangyari na ikapapalpak ng trabaho mo.

Ilang beses na rin akong muntik nang matanggal… dahil na rin sa katangahan… pero mapalad pa rin ako dahil binibigyan ako ni Papa Jesus (at ng mga boss ko) ng pagkakataong bumawi.

Kahit na ngayong Segment Producer na ako, araw-araw pa rin akong sinusubok ng industriyang limang taon ko nang ginagalawan.

Kahit isa-isa nang nawawala ang mga taong naging tinik sa landas ko, may ilan pa ring parang bato na sumisingit sa sapatos ko at umiistorbo sa aking pag-usad.

Dito nga lang ako sa media tumagal… at sa tingin ko, dito ko lang kayang tumagal… pero sa totoo lang, hindi ko pa rin masabi kung dito talaga ako tatagal.

Magulo ba?

Eh malay kasi natin, dumating ang panahon na mauumay na ako sa walang katapusang pagparoo’t parito… o di kaya’y hindi ko na makitaan ng saysay ang mga ginagawa kong istorya… darating din ang oras na hindi na kakayanin ng katawan ko ang pagpupuyat sa editing.

Hindi ko masabi kung hanggang kelan bago ako mag-alinlangan sa landas na tinatahak ko… o kung mag-aalinlangan pa ba ako rito. Naniniwala kasi akong kanya-kanya lang naman tayo ng langit… at impyerno.

Given nang hindi ako ‘yung tipong makukuntento nang nagpapaputi sa opisina… at suwerte ako dahil akma sa akin ang trabaho ko, pero minsan, iniisip ko pa rin kung kelan ko muling mararanasan ‘yung naramdaman ko, isang gabi… noong 2003.

20 Tugon to “Gusto mo bang maging ME…dia?”

  1. kulot Says:

    ay nako, kahit anong mangyari ayaw ko ng ganyang work hehehe!

    heheheh! to each his own, mga kapatid ko rin, kapag inaaya kong sundan ang mga yabag ko, naririndi… no thanks na lang daw… ayaw nilang tumaba at balang araw eh mamatay sa kangaragan! πŸ˜€

  2. gasti Says:

    naks! ispesyal mention pa talaga ako. kelan nga kaya darating yung pakiramdam na kuntento ka na sa career mo noh? ako kasi parang di ko mai-magine na employee lang ako hanggang pagtanda. parang gusto ko magnegosyo balang araw. ako ang boss at hindi ko kelangan magreport sa opisina araw araw. mas marami sanang time para sa pamilya.

    galing mo lenggai. mala-nobela nga ito..hehe!



    oo nga eh, ako naman gusto ko ng sarili kong resort…

    nase-senti nga ako kapag nagba-backread sa post ko… ang dami na rin palang nangyari sa buhay ko, mala-telenobela minsan ang circumstances… dahil na rin sa katangahan ko… lol!

    ang bata mo pa pala, matanda pa ako sayo ng 2 years!

  3. Jayme Says:

    I suddenly had a surge of nostalgia after reading this post. Has it really been that long? I do remember how exciting everything was and sometimes, just sometimes, I feel like I want it back. But then again, happiness and fulfillment can be found wherever you are, if you choose to see them. And I can say, I’m happy where I am now.

    You’ve come a long way, pare. And I’m proud of how you’ve risen from the ranks. I do think you’re meant for “that world.” But if and when you decide to go somewhere else, with your passion and brilliance, you’ll do just as well I’m sure. When the time comes for your name to be in big bold letters in the title card, know that I’ll be your number one fan.

    πŸ˜€

    Ah… my ever positive soulfriend who always has the right words for everything.

    ikaw ang nagbigay sa akin ng susi para maging si Pinay Brodkaster… maraming salamat!

  4. paolo Says:

    maswerte ka pa rin kumpara sa nakararaming walang trabaho at sa marami pang nag-aasam ng trabaho mo. parang may talent ka naman maski hindi ko alam kung ano talaga ang ginagawa mo. choice mo na lang siguro kung papasok ka gaya nung unang araw mo nung 2003, o nung mga araw na inaalipusta ka dun sa hate mong boss (di ko sure yun ah, naisip ko lang). basta kung san ka masaya, sana masaya ka. suportahan taka. =)



    “parang may talent ka naman maski hindi ko alam kung ano talaga ang ginagawa mo.”

    natawa naman ako rito! heheh! i believe meron naman akong talent maskipaps… hindi nga lang sa singing and dancing, lol!

    what i do as segment producer for news and public affairs: i cover events and interview people based on my assigned story for the week, then i write the script and edit the whole stuff into something worth for national… and even international airing.

    thanks for your support! (naks, parang sa autograph lang no?)

  5. kengkay Says:

    masarap mag reminisce lalo pat ang layo na ng narating mo. ako secret ko yung unang lumabas na artikulo ko sa isang tabloid kasi ninamnam namnam ko muna yung makita ang pangalan ko sa print, inamoy amoy, niyakap yakap, hayyy – sarap πŸ˜€

    heheh… ganyan din ako sa first article ko sa varsi… hay ang senti talaga natin te keng!!! lol!

  6. fjordz Says:

    “Naniniwala kasi akong kanya-kanya lang naman tayo ng langit… at impyerno.”

    natuwa naman ako sa linyang ito.

    Naluluha yata ako sa mga kwento mo. Parang iniimagine ko ang sarili ko na ikaw yun kahit di pa ako graduate. Iniisip ko, magiging matagumpay din kaya ako gaya mo? Sana..

    Pero, maswerte ka nga.. sobra..

    May hiwaga ang linyang ito..

    “kelan ko muling mararanasan β€˜yung naramdaman ko, isang gabi… noong 2003.”

    hehehe…



    gaya nga ng sabi ng friend ko, success is a state of mind. malayo pa ang kailangan kong lakbayin sa industriyang ‘to and wala sa seniority yung sukatan ng galing. i’m just glad i have a decent, good paying and really stressful job…

    gudlak sa career, galingan mo.

  7. Lyzius Says:

    nung araw, pangarap ko kung anong ginagawa mo nayun…pero mag uumpisa pa lang akong abutin ang pangarap ko na yan eh lahat ng tao kumontra…ikakagutom ko raw maging isang journalist, at kelangang makisunod sa agos ng teknolohiya kaya napadpad sa engineering. never kong minahal ang aking profesyon…pinagtyagaan lang dahil na rin sa kawawang inay na nagkakandakuba makapagtapos lang kami. dalawang taon lang ako nagtrabaho sa linya ng profesyon ko, at the rest, jack of all trade na…hehehe…frustration ko yang mag cover na nasa gitna ng cross fire…

    then why don’t you try media? marami akong ka-opisina na graduate ng engineering, biology, nursing, etc. wala naman sa course yan, nasa passion… and suwerte. gudlak!

  8. tapsiboy Says:

    ang ganda ng kwento ng buhay mo…

    di tulad ng sa akin, pang shake rattle and roll. hehehe

    na-carried away ako habang nagsusulat, naisiwalat ko na tuloy ang career history ko… pero marami pang darating na opportunity and sa tingin ko, i’m not even halfway yet. also, di ba’t mas maaksyon at gripping ang shake, rattle and roll? lol!

  9. kurokuro Says:

    “…maglayag sa gitna ng umaalmang karagatan kasama ang dalawang batang bisaya… habang nakasakay sa isang maliit na fishing boat para lang makaabot sa flight sa Capiz… ilan lang β€˜yan sa mga pinaka-hindi malilimutang karanasan ko bilang researcher.”

    nuninuninu… sinong nagpadala sa iyo dito? walang puso!!! hehe. pero ano nga naging kapalit nito? Gold World Medal lang naman sa New York Festivals.
    πŸ™‚

    para kay lyzius: “ikakagutom ko raw maging isang journalist…”

    asa diskarte iyan kapatid. kung madiskarte ka at magaling magmanage ng oras mo, sa broadcast media, puwede kang kumita ng malaki. di ba aileen?

    …at naalala ko lang, hindi pala ako binayaran sa medical expenses ko noong na-food poison ako pagdating ko ng Capiz… lol!

    sa tingin ko, malaking factor pa rin yung gusto mo talaga yung ginagawa mo dahil kahit madiskarte ka at magaling mag-manage ng time, kung wala kang amor at tiyaga sa ginagawa mo, hindi rin talaga lalaki ang kita mo… kasi mag-reresign ka na at maghahanap ng ibang karir…

  10. kurokuro Says:

    eh bakit ako? hahaha. perfect example of someone who’s starting to hate his job and still earning money (before ito, nung marami pa akong karaketan sa buhay). asa diskarte pa rin iyan. hahaha.

    pero totoo naman iyung sinasabi mo.

    hindi ka man lang binayaran sa medical expenses?!?! bakit ‘di mo pina-reimburse?! ang kapal ng mukha nung nagpadala sa iyo sa capiz!!! sino ba iyan!? ha?!? SIIINOOOO!!!???

    wala raw kasing budget. watta poor…poor…boss. lol!!!

  11. wei vines Says:

    nice… there’s a long path ahead..keep it up =)

    i will. πŸ˜€

    salamat sa pagdaan!

  12. aKDa Says:

    basta, ako, gusto ko, balang-araw, boss ko ang sarili ko. dun ko na masasabing I’m living MY DREAM. hehehe. well, kanya-kanya naman. at least, masaya ka sa trabaho mo. nice!



    oo naman, that’s my dream too… soon. πŸ˜€

  13. Jim Says:

    the joys of first times. πŸ˜€

    I remember one of my treasured IDs years back was my press card–my ticket to everything–free food, movie, MBA game (matanda na ba??–Metropolitan Basketball Association), latest chismis at news! πŸ™‚ Well, continue to live the dream and enjoy it just keep in mind your ultimate career path and no job will be tiring to do but it’s all fun despite the hardship and challenges, this I think will be the secret of keeping that ‘first time’ flame. Basta forget the past and continue to see each day of your ‘beloved’ career as another day to conquer challenges and add another meaningful CV, I’m sure you’ll start fresh, again and again. Sa akin, the thing that kept me going sa pinakamatagal ko pinagtra-bahuhan ay ang thought na matatanggal ka kapag ‘di ka mag-excel, so everyday was a different day from yesterday. As they say you can’t walk the same river twice. Hope I made sense. πŸ˜€ ang gulo natin, no?! ang ME… dia wehehehe!



    yeah… that’s media for us!

    you’ve got one tough driving force: matatanggal pag di ka magaling… i should keep that thought… might come in handy especially this week… thanks jim! πŸ˜€

  14. barquera Says:

    ganyan naman talaga tayo eh pag walang trabaho aligaga tayo sa pag hahanap. halos parang gumuho ng mundo natin kapag hindi tayo natanggap… kapag meron naman mabilis tayong mag sawa. kasi nagawa na natin ang gusto natin, iisipin natin na parang me kulang pa sa ating pag katao…me hahanapin pa tayo para sa ikasisiya ng ating buhay…. Tama din na kanya kanya tayo ng langit at impyerno. sa bawat propesyon natin iba iba ang kasiyahan at kalungkutan ating natatamo. akala lang ng iba kapag nasa magandang kumpanya ka at may mataas na posisyon ay ayos na. Pero hindi… Ipag pasalamat ng lang natin na meron tayong pinag kakakitaan. at nabubuhay ng Matiwasay….



    oo nga, i am very blessed. πŸ˜€

  15. reese Says:

    Awww..
    I love your stories Ate…Pero ewghk, totoo ‘to, uminom ka ng pampa-abort?=(
    Hai Ate, we’ve come so far na nga pero we’re still restless. I doubt we’ll ever feel totally content in this life. Tsaka sa tingin ko wala naman masama kung laging nangangarap di ba? At least pinagtatrabahuhan. Sabi nga ni Butch Jimenez of PLDT, “If you don’t have the discipline, you don’t deserve to dream.” My version of that is “Bawal ang katamaran sa maraming luho/ambisyon sa buhay.” Hehe.
    Pero at least Ate, even if you’ve done so much, gone to so many places, you’re still the same Ate A whom we love. Keep dreaming and living for those dreams Ate!
    =>



    thanks for the very kind words, marisse! yeah, it’s true, i did drink that sh*t for story’s sake… i was more aggressive during those days… and more stupid.

    i miss you guys! we should go out… on my next break.

  16. watusiboy Says:

    β€œAh, si Perez? Nagpapanggap lang naman na pang-advertising β€˜yan, pero sa journalism talaga β€˜yan – agree ako dito. dahil kahit napakahaba ng post na ito ay kaya mo pa ring pukawin ang interes ng iyong mambabasa πŸ™‚

    thank you very much for making my day! πŸ˜€

  17. Maldito Says:

    pangarap ko din maging isang media nung una…yung parang sa advertisement kasi parang makulay at masaya ang mundo..pero nung nalaman ko na ang buhay ni nanay ko, yoko na. kahit sa researcher pa…pero dami namang reason bakit nag eenjoy ang isang tao sa media field…isa na yun ang tour at samot saring tao ang masasalamuha mo….alam ko talaga ang afeeling na yan….lalo na pag malapit na ang expiration date mo sa isang bagay o sa trabaho..hayz.

    uy grabe di pa naman ah!

  18. tina Says:

    Nag dream din akong maging news caster… but its sad na inde na yon matutupad. Go go go



    dream ko rin yun noon… pero masyado na akong mataba. lol!

  19. Lex Says:

    hmm.. mukhang mahirap talaga ang work ng media, dahil maraming dapat isaalang alang, at di rin ganun kadali lalo na ang mgaing reasearcher. Kailangan ang subject ng story mo ay hindi lang basta basta, kailanagn may kagat din sa manonood. Pero looks like you’ve gone such a long way, kahit ngayon pa lang masasabi ko ng you’re a success. pero xmpre iba’t iba pa rin ang level ng success, at alam ko kaya mo yan! Based sa mga entries mo na nababasa ko nayon pa lang eh strong naman ang personality mo.
    Cguro nga di talaga natin matukoy kung eto na nga talaga ang para sa’tin kahit pa na we’re nearing the peak of success sa field ng ginagawa natin, xmpre madami pa din ang pwede mangyari.

    Good luck pa sa mga darating na challenges! God bless you!

    maraming salamat! πŸ˜€

  20. random stupid Says:

    Two words: CAR POOL

    WTF?!

Mag-iwan ng tugon sa Maldito Pindutin ito para bawiin ang tugon.