?

Me tanong ako:

Heto ang sitwasyon, maga-a las onse y medya na ng gabi. Kelangan ako sa opisina ng alas dos y medya ng madaling araw. May flight ako ng alas singko. ‘Pag ganitong medyo inaantok na ako pero kelangan ko pang mag-impake… mas mabuti bang matulog muna o hindi?

Limang linggo nang ganito ang buhay ko. ‘Yung isang beses na natulog ako, muntik na akong maiwanan ng flight kasi para akong na-comatose sa sobrang pagod. ‘Yung minsan naman na sinubukan kong umidlip, pag gising ko, sobrang bitin na bitin naman ako… parang me pumipiga sa bumbunan ko. ‘Yung minsan naman na hindi ako natulog, disoriented na ako pagdating sa shoot dahil sa sobrang barag.

Kelangan ko ng matinong opinyon. At oo, nagba-blog pa rin ako imbes na nag-iimpake o nagpapahinga.

I’m such a procrastinator.

Advertisements

14 Tugon to “?”

  1. kengkay Says:

    blog on, lenggai. wak ka na tulog, inom ka na lang ng gatorade. tapos sa flight ka na tulog, siguraduhin mo lang na asa tamang eroplano ka

    lol! onga te keng… lam mo sana sinunod ko na lang payo mo, naidlip ako, sakit ng ulo ko! grr!

  2. aga Says:

    asteg un lang asust….

    salamat. 🙂

  3. libay Says:

    you need a break after that project. kung 5 weeks ng ganyan dapat mag off ka naman. maaaring kinakaya ngayon ng katawan mo ang ganyang uri ng schedule dahil bata ka pa pero may balik kasi pag masyado naabuso yung kalusugan. mararamdaman mo na lang bigla.

    *knock on wood!

    pero salamat sa payo… soon, magbebreak din ako. 😀

  4. jombee Says:

    getting a 10 minutes nap… Ok na yun kaysa sa wala talagang tulog..

    Good luck sa career..

    Oo nga pala may ate ako na nagwowork sa estasyon kung saan ka connected, baka kilala mo sya hehehhe…



    salamat. sino ang ate mo?

  5. kulot Says:

    tama, mas mainam sa byahe ka matulog, kasi pag inuna mo ang tulog mahirap yan mamaya yun mahimbing talaga ang tulog mo at diretso pa ng pagkahabahaba



    sana nga ganun na lang ginawa ko… langya, naidlip ako eh, sobrang sakit ng ulo ko pagkatapos.

  6. Lyzius Says:

    hmmn..over worked ka ata kapatid, minsan need to have some break na rin para ma ejoy mo ang fruit of your kasipagan…

    soon, ate. magbe-break din ako. isang linggo pa… 😦

  7. kurokuro Says:

    heto lang iyan: ang katapat ng puyat:

    pera.

    puyat o pera?

    pera o puyat?

    puyat at pera?!?

    ang susunod: pe-yat.

    pepe-yat ka sa tindi mo magpuyat pero madami ka namang pera.

    ;p



    kelan ka pa naging corny tops? hehe…

    yun lang, di ako pumapayat eh. natutuyo, puwede pa.

  8. Maldito Says:

    hmmm////love mo ba work mo?kung ganyan lang naman eh u need a break…

    oo, love ko work ko, kaya nga ko nagpapakamatay dito… pagod lang ako. at salamat. 😀

  9. Prinsipe ng Pangarap! Says:

    sarap naman uber busy kaso papatayin mo ba ang sarili mo hehehe!

    di pa ko pedeng mamatay, di pa ko nag-aasawa eh. lol!

  10. paolo Says:

    as long as you get to have rest, i guess it’s ok. kaya mo naman i-manage ang time mo, siguro pwede ka magcompromise ng ilang mga bagay para makapahinga. wag lang blogging. =)

    hehe… puwedeee… sa totoo lang, hirap ako imanage kasi eternal crammer ako. 🙂

  11. aKDa Says:

    extra joss lang talaga sagot ko sa mga ganyang problema. o kaya tea. ^_^

    then pag nakakuha ka ng one day break, wag na mag-blog, itulog mo, 24 hours 😀

    mas mahirap kasi yung putol-putol yung tulog mo. mas masakit sa ulo yon.

    di ko lang maiwasan ang blog eh… pero di na ko nakaka-bloghop… baka after two weeks… naging dependent din ako sa extra joss noon, gusto ko nang mag-rehab…

  12. brokenman Says:

    take time to rest din..baka magkasakit ka…take care kapuso!

    salamat, lex! sana nga pumapayat na lang ako sa trabaho ko, kaso hindi eh… hindi na ako nakakapasyal masyado sa mga blog ngayon, di bale, pag natapos tong mga raket ko, bibisita ako ulit… salamat sa pagdaan!

  13. S3lv0 Says:

    para sa akin pag bitin ang tulog lalo lang nakakapagod. depende din kasi sa kanya-kanyang katawan yan eh. kaya kong matulog ng 2-3 lang at pagkagising ko ay relaxed na ako at pwede na ulit magbwelo. pero sa mga panahong hapong-hapo ang katawan ko parang may auto-off ito at walang makakagising sa akin kahit anong ingay. kaya pag alam kong pagod na pagod ako at kailangan kong magising after ng 2-3 oras ay di ko na tinutulog, red bull ang katapat.

    musta na? di na ulit tayo nakapagdaldalan 😀

    heto… sinasamantala ko ang dumadagsang mga raket… sayang din eh. isang linggo na lang na sagad-sagarang trabaho at siguro, after nito, makakapagbuhay-baboy na rin ako… oo nga, di na tayo nakakapagkuwentuhan… di bale, me panahon para dyan… soon. salamat sa payo, sinusubukan kong iwasan ang extra joss eh, pero epektibo pa rin ang pagtulog…:D

  14. tapsiboy Says:

    ang sarap matulog.

    susundin ko yang payo mo… ngayon. zzzz…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: