Sa limang taon kong pagiging alagad ng media, maraming bagay pa rin akong hindi maintindihan…
1. Bakit kung sino pa ‘yung mga may pinag-aralan, sila pa ‘yung nag-aasal hayup, lalo na sa mga taong alam nilang walang kakayahang lumaban sa kanila?
2. Bakit kailangan pang itira sa mga bahay na gawa ng Gawad Kalinga ang mga katutubo, eh ibebenta rin pala balang araw ng gobyerno ‘yung lupa nila sa mga kapitalista? Kalokohan na patikimin sila ng kumportableng buhay kung hindi ka rin makokonsensyang gawin silang squatter nang ganun-ganun lang.
3. Bakit karamihan sa mga taga-media, ayaw makipag-relasyon sa mga kaopisina nila? Kung praktikalidad din lang ang pag-uusapan, panalo ka na kung gelpren mo ang kaopisina mo… namo-monitor niyo na isa’t isa, madali pang tanggapin na ‘yung walang katapusang paroo’t parito ni babae eh parte lang ng trabaho niya, lalo na kung halimbawa, ahm, segment producer siya.
Marami pa sana akong sasabihin, pero dahil laptop ng kapatid ko ang gamit ko, hindi ako makapag-type nang mahaba.
Tinatamad din akong mag-charge ng sarili kong laptop…
At masaya lang ako dahil nakauwi na ako sa bahay… ngayong gabi, matutulog ako sa sarili kong kama.
Mayo 6, 2008 bandang 1:34 umaga |
kawawa naman ang mga katutubo… =(
—
kawawa talaga. lagi yan. pag may kinokober akong katutubo. pero wala naman akong magawa para tulungan sila. sila naman wala ring magawa kungdi tanggapin yung sitwasyon nila. sucks.
Mayo 6, 2008 bandang 7:49 umaga |
the entry 3, minsan nga nagtatanong din ako na karamihan ng taga media e, tumatandang walang asawa, bakit kaya
—
harinawa’y wag namang mangyari sa akin yan…
marami kasing hindi nakakaintindi sa schedule, trip at mundo namin, parang ang daming naiintimidate/napapalastikan/naiilang sa amin eh sa totoo lang, tulad din naman kami ng ibang tao. kumikita. normal lang.
Mayo 6, 2008 bandang 9:07 umaga |
#2: di ko alam yun ah? napaka-unfair naman… pakitang-tao lang talaga. tsk. nakaka-inis!
—
oo. napapailing na nga lang ako habang kinukuwento nila sa akin eh.
Mayo 6, 2008 bandang 10:29 umaga |
akala ko “limang items” din ang sasabihin mo. ahehehe.
try ko sagutin
1. eh hayup nga, wat more to expect?
2. kya nga kapitalista eh, mga mang-gagamit, diba?
3. personal nilang desisyon yun, not unless if 1 of you will make the move.
susme, pinahirapan mo ako. pa burger ka naman!
—
naks, kinarir ah! ge, dahil dyan, magturo ka ngayon sa kahit anong tindahan na nakapalibot sa akin… sagot ko burger mo!!! ano pang hinihintay mo?
*pag nag-logout ako, expired na rin ang offer ko.
Mayo 6, 2008 bandang 4:50 hapon |
number wan – ang napagaralan nila ay hindi sapat para pigilin nag natural na kahayupan nila
number tu – kaplastikan lang yan ng gobyerno, kapag naka iskor na sila sa humanity; punta naman sila sa monetary
number tri – kanino ka nagpaparinig, hehehe
—
tama ka te keng sa 1 at 2…. natumbok mo!
number 3: sa aking soulmate.
Mayo 8, 2008 bandang 9:28 hapon |
it’s human nature. -_- meron silang makamandag na superiority complex, at laging nilang nilalagay ang sarili nila sa pedestal. pero dadating din ang araw na babagsak sila mula duon, at paglagapak nila sa lupa, ang mga hayup na yon, ay magiging “cheeseburger” na lang sila. yung mga nasa number two, eh sila din naman yung nasa number one. sa three, ahm, ah, eh. baka kasi nakakasawa pag araw-araw nagkikita. absence makes the heart grow fonder DAW. Pero yung last statement na yon <–, isang malaking
kulangotkalokohan lang yon. hehehe. ^_^—
oo nga… kalokohan yung sa number three… lol!!!
Mayo 17, 2008 bandang 5:05 umaga |
“Bakit nagkamali si Michael Fajatin sa saksi?” yan ang isang palaisipan sakin… hehehe!
—
hahah! alin dun? dami eh. lol!