Walang libog…

Isa sa mga pinakamatinding karma na puwedeng maranasan ng isang makati ang paa na prodyuser eh ang ma-assign sa lugar na ubod ng ganda pero wala siyang abilidad para namnamin ito…

Tulad nang kunwari… kelangan kong gumawa ng istorya tungkol sa mga naggagandahang tanawin ng Germany, pero hindi ako ang pumunta run.

O di kaya eh kelangan kong kumbinsihin ang masa kung gaano kasarap ang kasoy sa Palawan… pero hindi ko pa ito natitikman.

Pinakamalala eh kapag nasa beach ka na paraiso raw dahil sa makukulay na bahura sa ilalim… pero hindi ka marunong lumangoy.

Kapag ganyan ang pangakong langit ng mga kuwentong kinokober mo, wala namang masama kung asamin mo ring tikman ito nang malagyan mo ng konting libog ang pagsasalaysay mo.

Sabi nga nila, experience is the best teacher. Habang may ibang bilib sa mga taong nakakapagsulat tungkol sa mga bagay na hindi pa nila nararanasan, ako naman eh mas madaling makapagpadarang kapag alam ko kung ano ang pinagsasasabi ko.

Para ka kasing binigyan ng pagkasarap-sarap na tsokolate at wala ka namang magawa kungdi amuyin lang ito.

Sa mga ganitong sitwasyon, imbes na manghinayang, iniisip ko na lang na una akong naging journalist… bago brodkaster.

Malaki ang pagkakaiba nun at marami pa rin sa aming mga tiga-media ang hindi nakakaalam ng diperensya.

20 Tugon to “Walang libog…”

  1. Lyzius Says:

    hihihi… naaliw ako sa nsa isang magandang beach pero di marunong lumangoy…

    kasi ako taga isla pero hindi marunong lumangoy… isipin mo na lang na natatanaw lang sa durungawan nyo ang dagat, tas hindi ka pa marunong lumangoy di ba?

    korak!!!

    yun ang madalas kong maranasan eh… hay saklap.

  2. foobarph Says:

    tama! mas naniniwala ako sa taong naranasan na ang mga bagay na kaniyang mga isinusulat. hay…. kakainggit.

    yeah. although kaya ko namang “magpanggap,” pero iba pa rin ‘yung first hand experience… 🙂

    at ano naman ang nakakainggit?

  3. didee Says:

    hmmm.. oo nga noh… may hint of irony yung situation. I guess that’s where your creative mind comes into play, to the point that you “almost” believe that you’ve experienced it yourself.

    hehe been squatting on your blog for a long time now, pero im no stalker so ur safe. LOL. I’m having a great time reading “you”. 🙂

    hope you won’t mind if i link you up. 🙂

    salamat at nag-eenjoy ka…

    sure. link me up. add na rin kita. 😀

  4. Jon Cabron Says:

    base sa titulo ng entry mo… baka makatulong ako.

    shadap… hindi mo kaya…

  5. Lyzius Says:

    bat ako di pa na add… add na kita sa blog ko long time ago in betlehem…hihihi

    ah ganun? gege. add kita 🙂

  6. fjordz Says:

    actually, challenge talaga yun sa mga manunulat at brodkaster…. iyon kasi ang hinihinging kwento at hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ibinibigay sayo at isinusubo iyong dapat mong talakayin.. iyon nga lang, pinipilit mong ikwneto ang mga bagay na iniisip mo lang…,

    unang-una, hindi dapat isinusubo ang dapat mong talakayin, although may ibang form of media na de subo ang info, pero sa TV kasi, your video will do the talking. the trick is to learn how to let your viewers “experience” the event through your visuals.

    mas maganda lang talaga kung naranasan mo siya, pero most of the time, bonus lang yun.

  7. kengkay Says:

    sino ang andito sa alemanya, zinuuu? heniway, nung nagpunta kami ng boracay nung 1980s, hindi ako marunong lumangoy. pero dahil nag bayad ako ng 6 months workout at bumili ng seksing bathing suit, sayang naman kung tampisaw lang beauty ko di ba? ayun, tinuruan ako ng mga kaibigan ko na lumangoy, and in 30 minutes, lumalangoy na ang kengkay… if there is a will, there is kengkay 😀

    wala, ganun yung nangyari dati, may ep kami on germany. tagal na nun. pero pano mo nagawa yung nakalangoy ka in 30 minutes?! deym! gleng! anong sikreto mo? hehe!

  8. paolo Says:

    err.. eh ano nga ba ang diperensya?

    pag journalist ka, you report the story as it is, hindi mo priority ang ma-experience ‘yung moment. puro trabaho dapat ang focus mo and you should always be busy digging for the story. kapag brodkaster ka, you “broadcast”, you are there as the story happens and sometimes, nangingibabaw ang pagiging media mo and yung “I was there” na thinking kaya para kang nagiging journalist cum turista.

    gets?

  9. watusiboy Says:

    ang exciting ng buhay mo. lumabas ka na ba sa TV? parang namumukhaan kita. 🙂

    hindi pa… at malamang matatagalan pa bago mangyari ‘yun. hehe… eka, san mo ko nakita?!

  10. Jim Says:

    haaay… sinabi mo… 🙂

    amen!

  11. kurokuro Says:

    “iniisip ko na lang na una akong naging journalist… bago brodkaster.”

    alam ko kung kanino galing ito. hahaha. at kay jon, i think kayang kaya mo. 🙂



    wala kang wentang kaibigan.

  12. A Z R A E L Says:

    as usual, maikling post pero hayup sa banat. yan ang jounalist!

    kung minahal mo ako sa latest entry ko, sinamba naman kita dito.

    at walang libog ang sinabi ko na yan

    maraming salamat, az. kinilig ako… ng konti. 🙂

  13. watusiboy Says:

    umm, so malamang hindi ikaw yun. sa kay susan tayo? peace po.

    kung sinasabi mong kamukha ko si susan enriquez, hindi ako mao-offend…

    kung sa isa naman sa mga ekstra niya roon, hindi ko rin alam kung ano ang naging basehan mo dahil hindi pa tayo nagkikita.

  14. foobarph Says:

    yeah. although kaya ko namang “magpanggap,” pero iba pa rin ‘yung first hand experience… 🙂

    at ano naman ang nakakainggit?

    – nakakainggit kasi mas marami kang EXP kaysa sa akin. ikanga, level 86 ka na, ako level 21 pa lang, lolz

    ‘yun ang akala mo!!! heheheh!

  15. jombee Says:

    ….mahirap talaga magpanggap… naiintindihan ko ung nararamdaman mo…
    kahit ako laging nagpapanggap..laging umaasam

    hahai… add na lng nga kita… pls add me also… tnx

    ngunit wala kang link sa blog mo… 😦

  16. Jon Cabron Says:

    ang tawag sakin ng ex ko ay human torch
    .. gusto ko lang sabihin.



    may human torch din sa fantastic four… at nasunog ang ulo niya sa poster ng superhero movie…

    walang koneksyon? k.

  17. kurokuro Says:

    umm, so malamang hindi ikaw yun. sa kay susan tayo? peace po.

    kung sinasabi mong kamukha ko si susan enriquez, hindi ako mao-offend…

    kung sa isa naman sa mga ekstra niya roon, hindi ko rin alam kung ano ang naging basehan mo dahil hindi pa tayo nagkikita.

    natawa ko rito pramis. as napahagalpak ng tawa sa cube ko. hehe.

    jon, si lenggai ay isang malamig na kandila. kailangan lang ng kaunting ningas at biglang papaimbulog ang apoy sa kanyang katawan.



    who are you? do i know you?

  18. aKDa Says:

    Para ka kasing binigyan ng pagkasarap-sarap na tsokolate at wala ka namang magawa kungdi amuyin lang ito.

    naalala ko yung sa mga pinoy movies, yung nakasabit yung tuyo sa gitna ng lamesa tas inaamoy-amoy lang. hehehe.



    nyahahah! onga no?

  19. gasti Says:

    mahirap nga gawan ng istorya yun..papano mo masasabing mabango ang isang tao hanggat hindi mo ito naaamoy? parang ewan lang..

    ibig sabihin mas ok pa maging journalist? di ko rin maintindihan masyado.

    oo, mas ok maging journalist, kasi ibig sabihin nun serbisyong totoo ka, walang kinikilingan at walang kinakampihan… pero di ko sinasabing di ako ganun ha.

  20. taroogs Says:

    dapat po i-nego ninyo na masama sa inyong CBA na bawal i-compel ang isang writer na magsulat tungkol sa isang bagay, lugar o karanasan na hindi pa niya aktwal na nararanasan 🙂

    yun lang… wala kaming CBA dahil talent lang kami at walang benepisyo… 😦

Mag-iwan ng tugon sa foobarph Pindutin ito para bawiin ang tugon.