Archive for Marso 21st, 2008

Tiktik, tsk!

Marso 21, 2008

“Palitan na kaya natin ‘tong sasakyan?”

Tanong ni Papa habang pauwi kami galing Visita Iglesia kanina.

Akala ko’y isa lang ito sa mga spur of the moment na desisyon niya… o di kaya eh baka naka-pangarap mode na naman siya kaya hindi ko sinakyan. 

Una, hindi posibleng makabili ng sasakyan ngayon dahil simot ang laman ng kaban… pangalawa, hindi kami puwedeng mawalan ng sasakyan… may trak kami rito pero kumusta naman kung magpapahatid ako sa opisina nang naka-Elf?

Humirit ang kapatid ko:

“Huwag muna, Pa, gagawin pa naming bump car ni Ate ‘to!”

Sinegundahan ko siya ng kalokohang banat. Tawanan.

“Kelangan natin ng bago. Namarkahan na kasi ‘to…” rason ng Papa ko.

Mga ilang segundo bago namin na-absorb… hindi nagbibiro ang tatay namin.

(more…)

Advertisements