Archive for Marso 18th, 2008

Sa wakas… Bakasyon!

Marso 18, 2008

3:45 am. Martes santo.

Tulala akong nakatitig sa malaking espasyong nasa tapat ko. Kagigising ko lang mula sa isa sa mga pinaka-hindi kumportableng tulog sa tanang buhay ko.

Padaan-daan ang mga tao sa harap ko, pero para silang mga kaluluwang ligaw sa paningin ko.

Blangko at walang mukha.

Ito ‘yung tinatawag kong Goldfish mode.¬†‘Yung tipong utak-goldfish ako dahil tumatagal lang ang anumang thought o impormasyon¬†sa akin ng ilang segundo… madalas nangyayari ito kapag hindi ako nakapokus sa kausap ko o bagong gising ako.

Imagine-in niyo na lang si Patrick Starr sa Spongebob… Ganun.

Pero may isang insidente na pumukaw sa antok ko pang utak at gumising sa taklesa kong nature…

(more…)

Advertisements