First time ko…

First time ko kahapon sa Bora…

Pauwi na kami sa Maynila at on the way talaga siya papuntang Caticlan Airport.

Pagtapak ko pa lang sa mala-polvoron na buhangin ng Station 3, nag-wish muna ako… sabay kuyom sa palad ko ng sampol nung white sand.

Sa wakas! Masasabi ko na sa sarili kong nakapag-Bora na ako!

Ang dami kong plano eh: me bikini line na ako dahil sa pinanggalingan kong shoot, pero gusto ko ring testingin ‘yung tubig sa Bora… tapos na rin ang trabaho kaya wala naman sigurong masama kung manlalaki mag-banana boat kami ng crew ko… o di kaya since summer na rin lang, irarampa ko na ‘yung hot pink na bikining pasalubong ni Ate Kengkay magpapa-braid ako ng buhok para me ipasisikat ako sa Maynila… kakasuweldo rin lang so wala naman sigurong kokontra kung subukan ko ‘yung motorbike na pang-turista nila?

Ako rin kasi ‘yung tipo ng tao na trip mag-senti habang lumulubog ang araw… balita ko da best daw ang sunset sa Boracay… at balak ko sanang samantalahin ang pagkakataon para mamick-up ng poging bakasyunista magnilay-nilay nang mag-isa sa dalampasigan tungkol sa meaning of my existence.

Pansin ko rin, malalaman mo kung ‘yung turista eh single kung ‘yung makakasalubong mo eh nakikipag-eye contact at ngumingiti. Hindi naman sa sinasabi kong nagpapakakaladkarin ako no, pero friendly naman kasi akong tao kaya hindi lang iilang malinamnam na karne friendly din na bakasyunista ang naka-eye contact ko at nagbato ng ngiti sa direksyon ko. Partida na ‘yan, malaki pa ang tiyan ko sa lagay na ito…

Ayos! Mukhang mapapa-summer lovin’ ako nito!

Mapalad na nga sana ako eh, kaso ewan ko ba kung ano’ng klaseng joke ni Papa Jesus at mag-a a las sais na ng hapon, nasa loob pa rin ako ng internet cafe!

Oo na’t maraming guwapong pinoy at poreyndyer akong naaaninagan sa kuwarto, pero lahat sila nakikipagsex on chat nakatitig sa computer.

Kung di pa ‘yun sapat… tanging ‘yung kumakawalang buga ng red orange Bora sunset ang nakasilip dun sa venetian blinds nung tourist shop. Naisipan pang buksan nung katiwala sa shop ‘yung blinds kung kelan kulay abo na ‘yung langit.

Ang akala ko’y 30 minutes lang na pagsusulat ko ng script, umabot na ng isang oras… kinain na ng trabaho at kabagalan ko ang pangarap kong gumawa ng sarili kong MTV sa ilalim ng papalubog na araw…

Natapos ako ng pasado alas-siyete ng gabi. Pakshet talaga!

Madilim na noon at kahit pa siguro ilang eye contact at ngiti ang gawin ko, wala na ring makakapansin dahil nagbe-blend na ako sa mga anino dahil sa sunburn  me kanya-kanya nang partners ‘yung mga nakakasalubong ko.

Kara-karaka’y nauwi ang pangarap kong summer lovin’ sa bonding namin ng cameraman at assistant cameraman ko. Masarap din naman ang kuwentuhan… pero sa mga panahong kelangan ko ng distraction, mas masarap siguro kung nasulit ko’t me nakilala akong hindi ko malimit makita ang pagmumukha sa Maynila.

Ewan ko ba kung ano’ng meron sa lugar na ‘yun at gaganahan kang maki-mingle.

Hintay ka lang, Bora ha… babalikan kita.

At sa saliw ng I Don’t Wanna Wait In Vain ni Bob Marley… sasamahan kita sa paglubog ng araw.

Advertisements

18 Tugon to “First time ko…”

  1. Mix Says:

    Yaan mo’t pag nagkataon… sasamahan kita sa bora… mambababae ako, at manlalalaki ka naman! haha! Dapat ang background music mo ay “I’ve never been to me” ni Charlene. Ingat!

    haha! sabi nga ng kapatid ko, ang scoring ko ngayon eh “Sayang” ni Claire dela Fuente ba ‘yun?

    ge, tas magkakantahan tayo…. or better yet, kaw ang kakanta, makikinig ako. huwag ka hihinto hangga’t di pa ako lasing!!! lol!

  2. Fau Rafili Says:

    gusto ko din pumunta sa Bora… at ngayong year na ito… malamang na gawin ko na.

    gudlak! kita-kits na lang tayo!!!

  3. Alveel Kaith Says:

    hay, ako nga, never pang nakakapunta ng bora kahit ang lapit-lapit lang nun samin. ewan ko ba. hehe. dapat cguro ilagay ko sya sa listahan ko ng things to do before i die. bilib din naman kasi ako sa dedication mo sa work ate. 😉 na-miss mo tuloy ang sunset. hehe.

    oo nga! lalo na kung malapit ka na run, tsaka habang hindi pa siya sobrang polluted. 😀

  4. camilleeee Says:

    sarap talagang mag bora, as in! hayyy..

    nung pers taym ko din mag bora, di ako umuwi nang di nagpa henna tattoo haha. tsaka, ansarap pa sguro lalo ng bakasyon kung may kasamang fafa (licious) ahahayyy…

    same tayo, sarap talaga magsenti pag palubog na ang araw.

    dami maaalala…dami maiisip.. pero di naman ibig sabihin nun, puro lungkot di ba? 😉

    oo naman! para ka ngang gumagawa ng MTV eh… hehe!

  5. wei vines Says:

    hehe…bora is always waiting for us ate.. 😀

    it should! 😀

  6. brokenman Says:

    wow bora!!! been there 4x na yata. don’t forget to visit coco mangas..try mo yung baileys nila sa coco jar. take care.

    yeah, pag ako sinuwerte’t me makakasama, matitikman ko yang sinasabi mo… soon.

    tnx for droppin by lex! 😀

  7. kingdaddyrich Says:

    hahaha.. natatawa ako don sa mga may guhit.. sana hindi mo na nilagyan,, maiintindihan naman namin eh.. hehhe… teka, close ba kayo ni ate kengks? tsk.. kasama ka ba nong nag eb sa podium? sayang hindi ako nakapunta non.. 😦

    oy! onga pala, ngayun ko lang na realize na pareho tau ng tema sa latest entry,, ha ha haha.. aliw naman.. :))

    lols

    salamat sa paglink ah.. ill link back…

    yep, i was there… di bale, me mga next time pa naman… 😀

  8. Maldito Says:

    malapit lang kami sa bora..ahehhe…taga dun kasi kami…..nice to know u like our place..ahehhe…balik ka..sa pagbalik mo…dapat ang kanta ay…”im coming out”..lols

    ahhh… ikaw ba ay taga-romblon? o sa aklan?

    galing kami ng romblon… pagdating sa pagandahan vs Bora… pwedeeeee…

  9. galadriel Says:

    when you go back, lie down in the darkest part of the beach and look up at the stars. there seem to be more stars in the boracay sky than i’ve ever seen anywhere else. so, so beautiful. ay, at siguruhin mo ring nakapick ka ng kasamang hihiga sa tabi mo … para sabay niyong subukang abutin ang langit (ngek, malaswa na yata).

    *taking down notes…

  10. kurokuroko Says:

    nag-bora na rin ako, pero parating may trabaho. first time ko, iyung magic mushrooms ginawa ko, tapos iyung second sa aking hinahawakang show na.

    i love bora’s sand, pero i hate the overly commercialized atmosphere.

    i like bohol more. panglao beach ang best para sa akin. although di pa ako nakakapag-palawan kasi…

    hindi ka nga naman kasi magrerelax sa bora… mamimikap tayo run!!!

    in fairview, hindi pa ako nakakapunta ng panglao… waaahhh!!! pede ba mag-beach ang sunog na sa sunburn?

  11. lilmiz Says:

    di pa ako naligaw dyan pero yup sabi nga nila over na sa pagkacommercialized tapos dami pa daw lalapit sayo at mag-ooffer ng bangka, parasailing, banana boat at kung anik-anik ahaha pero wish ko pa din makapunta dyan lalo na nung sinabi mo na madaming makikipag-eye contact, gusto ko yan wahahaha jk.. haay, sana marating din kita bora 😀

    masaya yung eye contact, pramis!

    …at yung iba pang kontak na posibleng mangyari… lol!!!

  12. tapsiboy Says:

    di kami nagkasundo ng bora.

    parang ala na rin syang kaibahan sa MALATE.

    May sunset rin naman sa Malate, marami rin mga bars. Just like bora.

    Ayun, sa tingin ko mas makakasundo ko ang bohol at palawan.

    pero walang dagat sa malate… baha… hehehe!

    next na gusto kong makita…. panglao!

  13. gasti Says:

    malinamnam na karne? lols! ang manyak manyak ng dating..

    di pa rin ako nakakapunta ng bora pero parang gusto kong ilayo ang sarili ko sa tukso dahil panigurado namang kasama ko ang pamilya ko kung sakali mang magawi ako doon…mas trip ko talaga pumunta sa Bohol mas konti siguro ang nagagawi dun.

    sama mo pamilya mo! habang hindi pa siya sobrang dumi! 😀

  14. sungkamaster Says:

    ayaw ko man ng beach, gusto ko naman sa blog entry mo.. nakakatuwa.. at nakakahiya mana aminin ,’di pa ako nakakapunta ng bora (‘yun ay dahil, ayaw ko talagang sa tubig-alat) 🙂

    ahmmm… ewan ko kung paanong mangyayari yun no, pero hindi siya ganun kaalat… ahm, weird? di ko maexplain eh… kelangan mong pumunta… hehe…

    btw, maraming salamat at nagustuhan mo ang entry ko. 😀

  15. Jon Cabron Says:

    “…at yung iba pang kontak na posibleng mangyari… lol!!!”

    … jesus christ.

    heretic.

  16. randomdemeanor Says:

    buti ka pahh…..kelan din kaya ako makaka-Bora…hhmm..ang pangarap ay mananatiling pangarap na naman…

    dati rin akala namin kapag mayaman na mayaman na kami makakarating dito, o di kaya kapag me coverage lang… well, di ko akalain mararating ko rin siya ng sariling pera ko na…. ipon ka! masaya rin naman eh. 😀

  17. kengkay Says:

    masarap talaga sa pinas, waaaa. andito na kami sa alemanya ulit, hmp!

    te keng!!! u’re bacccckkkk!!!!! sori di na ko nakareply sa last text mo, eh naiwan ko cel ko nun, three hours after ko na nabasa… 😦 nway, dami ko wento sayo, sa email na lang siguro hehe!!! welkam baaaaaaaaacccckkkkk!!! 😀

  18. A Z R A E L Says:

    pssst lenggai.. nasubukan mong mag-motor from station 3 to the other side of the island? naitanong ko lang dahil sa tuwing pupunta ako ng bora, doon ako lagi dumederecho. pag nakabalik ka bora puntahan mo yun. rekomendado.

    at meron pa palang isa. yung katabing island ng boracay. carabao island ata ang name nun. pareho ng beach ng bora, pero mas malinis ang tubig. sa bandang station 3 kase puro lumot na lol

    sa station 1 kami lagi lumalangoy, pero nung last whole day namin eh sa me bandang station 2 kasi medyo lumayo yung mga lumot… alam mo, yan yung di ko nagawa, although balak ko talaga mag-ATB, pero naaliw na ako kaka-floating, paikot-ikot lang daw sa isla eh, naghahanap ako ng medyo adventurous na trail para medyo tatalbog-talbog ako pag nag-drive, hehehe!

    yung carabao island, astig diun yun! dun ako galing nung bago ako first time na pumunta ng bora, yun yung story ko, panalo ang buhangin at tubig dun!!! alam mo bang idedevelop na nila yun into the next bora? pinakita nung mayor yung amster plan, by 2015 eh mabubuo na pati airport dun, imagine… magkakaroon sila ng sarili nilang airport! basta, ginawan ko ng story to, check mo sa youtube baka me nag-upload nang viewer, summer special ng kapuso mo, jessica soho… carabao island at yung new baguio sa iloilo… balak nga sana naming balikan ng barkada ko noon kaso kinapos na kami sa budget, yun lang ang problema run, transpo… pero who knows? baka in five years, sila naman ang maging bagong bora?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: