Archive for Marso 9th, 2008

Peklat!

Marso 9, 2008

Kapag ganitong malapit na ang Holy Week, mas lumalaki ang posibilidad na magsuot ka ng shorts… at dahil huli na para magpaliit ng braso at tiyan, ang susunod na asset ko sanang ipagmamalaki eh ang aking legs.

Hindi niyo naitatanong, kaya ako hindi natutong magbisikleta eh dahil sa ayaw ng Lola ko noon na masugatan ang binti ko. Noong Grade 3 naman ako, akala ng mga kaklase ko, naka-stockings ako sa kinis nito. Hanggang college, rumarampa pa ako sa Main Building ng UST nang naka-shorts. At sa tuwing nahuhuli ko noon ang crush ko na nakatitig sa akin, isa ito sa mga parte ng katawan kong animo’y bato-balani sa mga mata niya…

Sa itinagal-tagal na nga ng panahon na naging pambenta ko ang aking binti, kung kelan legal na ang naka-shorts dahil sa mga lugar na pinupuntahan ko sa trabaho, saka pa ako nito binigo…

(more…)

Advertisements