Baklang-bakla &*^%$#! (V.3)

Sa paalala ng aking pinakamamahal na kaibigan na si Kuro-kuro… Inedit ko ang entry na ito. Masyado raw balahura at baka ikatanggal ko sa trabaho… Binasa ko ulit, oo nga… Mahirap na. Muli, ang napakamild na version ng aking maiden post…

Nagsimula ang lahat pagdating namin sa airport…


Kala namin, late na kami. Paano ba naman, 1:30pm daw darating ‘yung ikokober namin sa Pinas… 12:30 susunduin ang Press at Media na magcocover ng event.

Dumating kami 12:50.

Nagpapanic na ‘yung Researcher ko nang salubungin niya kami sa Departure area ng Terminal 1. Buti na lang, madedelay ang dating nung sasalubungin namin. Pasado alas-dos pa.

Pagkakuha ng aming Media pass, takbo na kami sa loob. Nakasalubong ko na si Reporter 1…

Ako: “Uy! Kanina pa kayo?” (Feeling close kasi ganun naman talaga, kahit di kayo magkakilala nang personal, basta magkasalubong kayo sa coverage, nagbabatian…)

Nakabibinging katahimikan at head-to-foot na tingin ang sumalubong sa akin… Hindi ata nakikipag-usap sa naka-T-shirt, jeans at rubbershoes ang loko… O baka akala niya fan ako?

Tumingin siya sa hawak kong mikropono na may logo ng network ko. Inisip ko na lang, baka ngarag kaya hindi nagre-react. Nagbusy-busyhan na lang ako sa pakikipag-usap sa tatay ng kaopisina ko. High profile na photographer na na-assign din sa story na ‘to.

Maya-maya, tinawag na lahat ng media. Boarding na raw ‘yung bus papuntang tarmac.

Excited akong bumaba ng Terminal 1. Syet! Makikita ko na ng personal si Sherpa!!! Sana magpa-interview!!!

Pagdating sa bus… Kyawkyawan pa rin kami ng tatay ng officemate ko. Kasama na rin sa circle ‘yung cameraman ko. Pinag-uusapan mga lente. Astig kasi nung camera na dala niya. Sa kapal ng lente, kaya na ‘ata niyang kunan si Sherpa dun sa viewing room, kahit di na siya sumama sa amin sa tarmac…

Maya-maya, nakatabi ko si Reporter 1, medyo expecting pa rin ako na babatiin niya ako.

Lumipas ang ilang minuto… Deadma pa rin. Ok lang. Suplado pala ‘to sa personal.

Makalipas ang ilang minuto, nagsimula na siyang makipag-asaran kay Reporter 2. Puro walang kuwenta muna ‘yung pinag-uusapan nila… Ratings… Mga dati nilang coverage… Kung kanino ‘yung isang jet na naka-park sa malayo…

Medyo nakakairita ‘yung boses ni Reporter 2, ingles nang ingles a la Kris Aquino… Eh kung gagawin mo ‘yun sa loob ng bus na puno ng mga masa, dressed-down at jologs pero accomplished na mga miyembro ng media… Parang hindi ‘ata bagay.

Baklaan pa rin ‘yung dalawa sa loob ng bus… Cute pa sana nung umpisa, kaso biglang sumigaw si Reporter 1:

“Announcement! Bakit ganon? Kelangan tatlo-tatlo ang team ng _____… Samantalang sa amin, iisa lang?! (referring to him…err…it.)”

Natawa ‘yung ibang mga miyembro ng media na nasa loob ng bus. Inulit-ulit niya ‘yung tanong. This time, sumasagot na ‘yung kaasaran niyang si Reporter 2, kesyo ganun daw sila ka-all out sa coverage, para raw magkakaiba ‘yung anggulo ng camera.

Ewan ko ba kung anong part dun sa naka-media ID ako at ang laki-laki nung logo ng istasyon namin sa mikroponong hawak ko ang di nakita ni Reporter 1… Pero ilang beses na kaming nagkakasalubong (at nagkikita sa office), it is as if I did not exist.

Lumipat sa bandang likod ‘yung tatay ng kaopisina ko… Tinanong ko kung bakit, simple lang ang sagot niya:

“Baka mahawa ako diyan…” (sabay nguso dun sa dalawang bakla na maingay)

Natawa ako. Napagiti rin ‘yung ibang miyembro ng media na naka-gets. Lilipat na rin sana kami, kaso SRO na sa likod.

“Uy, you’re wrong, dalawang team kayo o! See ‘yung logo ng mic nila!”

Tinuturo na kami ni Reporter 2 kay Reporter 1. Sa ganitong mga pagkakataon, usually, nililingon ko na ‘yung taong tumutukoy sa akin, lalo na kung naririnig ko naman na pinag-uusapan nila ako…

Naramdaman ko ang pagkilatis ni Reporter 1 sa akin. Naramdaman, kasi hindi na ako humarap sa kanila. Baka mahawa rin ako.

Itinama ni Reporter 1 ‘yung unang public statement niya. Kesyo hindi raw niya kami napansin.

“Bad ka! You did not acknowledge!” Sabi ni Reporter 2.

Umandar na ang bus papunta sa tarmac. Kahit kabado na ako sa kaiisip kung paano iinterviewhin ‘yung ikokober namin, may isang nagpalakas ng loob ko.

Tatandaan ko tong si Reporter 1. Bigyan niyo lang ako ng pagkakataon, sasalaksakin ko ng mic na may logo tong *&^%$ na ‘to!!!!

Joke.

Buti na lang, maganda training sa amin ng boss ko. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit siya sumikat. Sa kahit anong coverage na nakasama ko siya, kahit pa taga-ibang istasyon, hindi siya madamot sa ngiti.

Ultimo mga squaking (jologs-speak for iskwating) na nagbabato ng walang wentang comment sa kanya para lang mapansin, sinasakyan niya.

Kung ‘yung others pinapansin ni Bossing, mas lalo na kapag me nakasalubong siyang ka-istasyon namin. Hindi man niya personal na kakilala, kinakamusta niya sa coverage. Considering na sikat na siya ha.

Ganun ang Broadcaster.

Hindi lang balita ang ipinagkakalat mo. Sa dami ng masasamang pangyayari at kahirapan na lumalabas sa mga istorya namin, kung may pagkakataon, wala namang masama kung magsaboy ka na ng ngiti at positive energy sa paligid mo.

Para kay Reporter 1: Libre lang naman ngumiti. Siguro kung hindi ka pihikan sa pinagbibigyan mo nito, baka balang araw, mas dumami pa ang show mo.

Who knows, baka maging boss mo pa ako? (IN Evil laughter sa background)

Advertisements

6 Tugon to “Baklang-bakla &*^%$#! (V.3)”

  1. Nika Catbagan Says:

    omg! grabeh naman yun šŸ˜¦ naku yaan mo mas sisikat ka pa jan. šŸ˜›

    Ok lang Nika. Kahit di na ako sumikat, basta yumaman lang. Gagawa ako ng Oscar-winning dokyu na pupurihin sa buong mundo, tapos kapag siya ang natapat na reporter sa akin, hindi ko siya bibigyan ng soundbit. Lol!!! Sarap magpantasya! Salamat sa pagbisita!

  2. kengkay Says:

    parang pinagdaanan ko rin yang mga coverages na yan… pero mga small time lang, simula sa police beat hanggang sa trapik sa tollway. may makikita ka talagang tunay na tao at may makikita kang tau-tauhan. pero tama ka, isang ngiti lang ay i love you na agad ang dating nyan sa mga taong kasama mo, kahit na sikat ka man o hindi… idol na kita, gurl šŸ˜€

    Salamat ‘Te Kengks… I like your taste! LOL!!! Pero di naman ibig sabihin, uber friendly ako tuwing coverage… May moment din na bruha ako, lalo na kapag second day mo at nasa squatters area ka at napapalibutan ng mga sabik sa camera na bata-batuta… Still, itinatatak ko pa rin sa utak ko ang gintong aral na inimbento ko: Positive farming… Kapag positive ang itinanim, positive din ang aanihin… So I try hard to spread the seeds of love… =)

  3. Kiko Matsing Says:

    HIndi ako umabot sa unedited version, sayang! Hehehe! Congrats sa ikalawa mong blog, lenggai! šŸ™‚

    Buti na lang!!! Baka makilala mo pa si Reporter 1… Mawalan pa ko ng trabaho… Hehehehe… Maraming salamat sa pagbisita!!!!

  4. kurokuroko Says:

    naks. meron pa akong special mention sa umpisa ng entry. hehehe.

    adik ka. haha.

    Siyempre. Voted as one of the most influential bloggers in 2007 ka eh, baka makahatak ng maraming fans ang nick mo… LOL!!!! Salamat Tops!!!!

  5. kurokuroko Says:

    eh di naman nanalo. nyahaha. ‘di bale may gold na naman ako sa nyf. harharhar!!!

    pinanood ko pala ulit ang missing. panalo siya talaga. at nakisayaw ka pala dun kay empoy sa dulo ng segment, iyung isa sa mga case study na natagpuan dahil sa ep.

    AH talaga? peram nga nung kopya mo, ibu-burn ko, hehehe!!!! Hay Tops, those were the days… ako ang lucky charm mo!!!! LOL!!!!

    Uy, malelate ako sa kitakits natin, kelangan ko raw magsubmit ng incident report dun sa late na pagsoli ko ng equipment sa upis…

  6. MisyeL Says:

    Ang tarush naman ng Reporter na yan! Baka nga pagdating ng araw eh maging bosing ka nyan, naku turuan mo ng tama…. Add ko tong blog mo ha, sarap balikan šŸ™‚

    Salamat, Misyel! Nakakataba naman ng puso ang comment mo. Pero sa totoo lang, kapag nakaulayaw ko ulit ang Reporter na ‘yun, hindi ko siya pag-aaksayahan ng panahong turuan… Una, mas matanda siya sa akin, pangalawa, waste of time. Nang malaman ng iba naming kasamahan ang nangyari, may affirmation na naganap: ganun daw talaga ugali nun. Kaya nga maraming banas sa kanya. Kapag sikat ka, o alam niyang me posisyon ka, saka ka lang mag-eexist sa mundo niya. Karakter di ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s


%d bloggers like this: