Ilang eksena mula sa segment ko last week…
Archive for the ‘Story! Story!’ Category
Lip-synched
August 26, 2008Limang bagay…
August 12, 2008Lima sa napakaraming highlights ng nakaraang linggo:
Isang kuwento ng kahayupan…
July 31, 2008Gising na ako nung dumating sila pasado alas dos ng madaling araw.
Unang bumaba ‘yung babae — bilugan ang tyan pero sexy… mahaba ang buhok… mga hanggang balikat siguro ‘yon.
Pagtawag niya dun sa wire na gate namin, nagising ‘yung kasamahan ko sa bahay.
Binuksan nung kasama ko ang pinto, pumasok ‘yung babae, kasunod ang dalawa pang lalaki. ‘Yung isa, may dalang malaking camera.
Uy! Kukunan ‘ata kami sa TV!
Ginising ko ‘yung mga katabi ko, pero hindi sila impressed.
Bumangon na rin ‘yung ibang mga tao sa bahay.
Nae-excite ako sa camera!
Parang ganun din ‘yung pakiramdam nung mga tao sa bahay kasi panay ang kausap nila dun sa babae. Parang lahat eh nag-uunahan sa kanyang atensyon.
Pero hindi sila ang pakay niya… ako.
Ahm… ako?!
Nabuhay ang eksena sa loob ng bahay… may nagpakulo ng tubig… ‘yung isa bina-brush ‘yung semento sa batalan… maya-maya, may narinig akong naghahasa ng kutsilyo.
Dun sa huli kong narinig, hindi ko alam kung bakit… pero medyo kinabahan ako.
Lenggai + Eheads Reunion Overdrive
July 15, 2008Isa sa mga pinakamasayang imahe na nakita ko sa araw na ito:
Matagal nang lumubog ang araw sa mundo ng isa sa mga pinakamakasaysayang bandang Pinoy noong dekada 90.
Muli itong sisikat… pero para sa isang gabi lang.
Ahh. Para akong bumalik sa pagka-high school…
Sharing the Glory
June 17, 2008Mga ka-blog… share ko lang sa inyo ang aming 15 seconds worth of fame…
Tubbataha… hahah!
May 15, 2008Kung may dalawang bagay na pinanghihinayangan ako… ito ay ang mga sumusunod:
1. Gumastos ako ng mahigit P16,000 para sa boxing lessons na hindi ko naman naipagpatuloy.
2. Gumastos ako ng mahigit P14,000 sa driving lessons na puwede ko namang makuha nang libre.
P16,000 + P14,000 = P30,000
Trenta mil pesos! Kung pinang-enroll ko na lang ‘to sa swimming lessons, may pambili pa ako ng kulay pink na two-piece na Speedo.
At malamang sa hindi, may lisensya na rin akong mag-dive.
(more…)
Kalandian!
March 2, 2008Huwebes noon and it’s way past my deadline.
Imbes na umuwi ng Maynila, nagpa-extend kami sa Palawan. Kinakailangan pa kasi naming umakyat sa bundok at sumama sa panghuhuli ng case study namin ng porcupine.
Putris! Halos walong oras kaming akyat-manaog at pagulong-gulong sa madulas at matarik na bundok para lang sa matinik na dagang ‘yun!
…at doon sa masukal na gubat ng Aborlan ko siya lubusang nakilala. Parang magnet na naintriga matapos niyang malaman na dalawang taon lang ang tanda niya sa akin.








