Habang nanonood ng “What About Now” music video ng Daughtry…
Lenggai: Gandang-ganda ako sa bagong music video ng Daughtry.
Habang nanonood ng “What About Now” music video ng Daughtry…
Lenggai: Gandang-ganda ako sa bagong music video ng Daughtry.
Ilang eksena mula sa segment ko last week…
Madaling araw na pero parang lasang chlorine pa rin ang hininga ko.
Ewan ko kung nalalasahan nga ba talaga ang hininga, pero parang ganun ang timpla ng laway ko ngayon.
Nakailang lagok kasi ako ng ihi-laced-highly-chlorinated-pool-water kanina.
You know, from swimming lessons?
Resulta ‘yan ng bagong patakaran sa opisina.
Dapat, lahat ng nagfi-field coverage — producers, crew at researchers, marunong lumangoy.
Tama naman, kasi for survival ang skill na ‘yun. At least, hindi masyadong mag-aalala ang opisina kung sakaling me staff sila na napasama sa lumulubog na barko (knock on wood!).
Nung tinanong ako last, last month kung marunong akong lumangoy, buong pagmamalaki kong sinagot… hindi.
Nag-text minsan ang kaopisina ko.
Nagkaroon ng krisis sa pamilya nila. Kinakailangang maoperahan ang tatay niya at daan-daang libong piso ang kailangan nila.
Isa ako sa mga napili niyang pasahan ng SOS text… ewan kung dahil mukha akong mayaman sa taba ko, o baka magaling lang talaga akong mag-project na heredera ako… puwede rin namang ordinaryong group text lang ‘yun… anupaman ang dahilan, sa pakiwari ko’y umaasa siyang baka sakali eh isa ako sa mga makakatulong.
Kaso wala akong pera.
Meron akong pera pero sapat lang para sa mga bayarin at luho ko sa loob ng kalahating buwan.
Pero nung magkaroon ng pagkakataon, nagbigay na lang ako ng isang bagay na libre… pero tiyak akong kailangan nila… hindi lang moral support at prayers ha!
Ito:
Sa totoo lang, kung minsan, gusto kong burahin ‘tong blog ko.
‘Laking pasasalamat siguro ng kapatid ko at tumawag ang dating kaklase niya. Nasa kalagitnaan kasi kami ng isang mahaba at nakakairitang sermon.
Siyempre, ako ang pari.
Isa sa mga pinakamasayang imahe na nakita ko sa araw na ito:
Matagal nang lumubog ang araw sa mundo ng isa sa mga pinakamakasaysayang bandang Pinoy noong dekada 90.
Muli itong sisikat… pero para sa isang gabi lang.
Ahh. Para akong bumalik sa pagka-high school…
Kapag nasa field ako, madalas akong napagkakamalang reporter.
Huwag niyo nang itanong kung sinong reporter, pero at least, hindi lalaki… ‘pag nagkataon, pasensyahan na lang pero mananapak talaga ako.
Anyway, bilang segment producer, kami ang tumatayong “representative” ng host namin. Dahil dito, may mga nag-aakalang prestihiyoso ang trabaho namin.
Siyempre, hanggang akala lang ‘yon.
Suwerte ang makapasok sa network… milagro ang tumagal at maging matinong empleyado rito.
Bakit kamo milagro?