Habang nanonood ng “What About Now” music video ng Daughtry…
Lenggai: Gandang-ganda ako sa bagong music video ng Daughtry.
Habang nanonood ng “What About Now” music video ng Daughtry…
Lenggai: Gandang-ganda ako sa bagong music video ng Daughtry.
Ilang eksena mula sa segment ko last week…
Medyo mabaho lang minsan, pero masarap hawakan. Nakakarelax.
Mga ka-blog… share ko lang sa inyo ang aming 15 seconds worth of fame…
Alam na nating lahat ito: Mainit sa Pinas.
Summer kasi.
Ang bago: May bagyo. Ngayong SUMMER.
How’s that?
Madalas akong mabuwisit kapag nanonood ako ng balita at daldal ng daldal ang kapatid ko.
Hindi niya hilig ang panonood nito lalo na ‘pag gabi, kasi imbes na madagdagan ang kanyang kaalaman eh nababawasan lang daw ang mga pumipigil sa kanyang maghanap ng trabaho sa mga bansang nagniniyebe…
Kuha ko naman ang punto niya. Sino ba naman kasi ang marerelaks sa bangayan at plastikan ng mga baklita sa gobyerno? Idagdag mo pa ‘yung mga tsismis sa buhay-buhay nung mga artistang sa totoo lang, eh wala naman talaga tayong pakialam?
Kaso sa trabaho ko, kailangan naming maging updated, kaya kung di rin lang ako makakapagbasa ng diyaryo, eh manonood na lang ako ng TV.
Siguro pagod lang talaga ako ngayon dahil alam kong mas mapapagod ako sa editing mamaya, pero habang nanonood ako ng balita kanina eh marami lang akong kalokohan na napansin.
Really now, these are crazy times…
3:45 am. Martes santo.
Tulala akong nakatitig sa malaking espasyong nasa tapat ko. Kagigising ko lang mula sa isa sa mga pinaka-hindi kumportableng tulog sa tanang buhay ko.
Padaan-daan ang mga tao sa harap ko, pero para silang mga kaluluwang ligaw sa paningin ko.
Blangko at walang mukha.
Ito ‘yung tinatawag kong Goldfish mode. ’Yung tipong utak-goldfish ako dahil tumatagal lang ang anumang thought o impormasyon sa akin ng ilang segundo… madalas nangyayari ito kapag hindi ako nakapokus sa kausap ko o bagong gising ako.
Imagine-in niyo na lang si Patrick Starr sa Spongebob… Ganun.
Pero may isang insidente na pumukaw sa antok ko pang utak at gumising sa taklesa kong nature…
Considering the fact that I only had less than two hours of sleep (out of euphoria perhaps? I was able to buy last-minute Upper Box A SRO tickets the night before)… then I had to work from 9 am until past 6pm… I still wonder how I was able to find the energy to shout my lungs out and dance like crazy in Maroon 5’s concert last night at the Araneta Coliseum.
Martes na ngayon pero medyo masakit pa rin ang braso ko. Nag-wall climbing kasi kami ng mga kaopisina ko noong sabado sa UP Fair… at hulaan ninyo kung anong oras ‘yon?
Mag-a-a la una ng madaling araw.