Alam mo, kanina pa kita napapansin… tingin ka ng tingin sa akin.
Archive for the ‘Barag-baragan’ Category
Watta panatiko!
July 30, 2008Pasado a las diyes ng gabi. Biyernes.
Naghahapunan kami ng boss ko dun sa labas ng kapihan sa may fourth floor. Editing namin at medyo bangag na ang hitsura ko… kagagaling ko lang sa isang katayan ng kabayo.
At oo, me kung anong pakiramdam ako na sa mga oras na ‘yun, amoy dugo ng kabayo na ako.
Bale kasalukuyan kong nilalantakan ‘yung hindi na masyadong crispy na Crispy Chicken ng Jabee, nang mapansin ko ‘yung bigotilyong mama na nakikipagkyawkyawan sa mga kopi boys dun sa me looban.
Uy! Si Manny Pacquiao!
Posted in Barag-baragan, Post-Mortem | 7 Comments »
Di ko gets
June 25, 2008“Pilan la queca tamu ing maka intindi ing makakabastos nung magsalita kang Kapampangan queng arap da reng taong era aintindian?“
Dili mo masabot?
(more…)
Posted in Barag-baragan, Boo!, Coverage, Lipad-isip | 19 Comments »
Frienemies
June 7, 2008Una sa lahat, nagpapasalamat po ako sa biyaya ng kadaldalan na ipinagkaloob mo sa akin… dahil dito, marami na po akong naging kaibigan… may puhunan pa ako para kumita nang may limang numero kada kinsenas.
Maraming salamat po at dahil sa kati ng paa ko, nagkaka-resistensya akong tumagal sa mga biyaheng iniaatas mo kada linggo sa akin.
Maraming salamat din po dahil hinaplos ninyo ang puso ng boss ko para payagan niya akong mag-leave sa susunod na linggo.
Marahil alam mo na po kung bakit kahit pinahintulutan mo na akong umuwi nang bago maghating-gabi mula sa editing… nagawa ko pang dumaan sa bar, uminom ng pitong bote ng SMB at makinig sa bandang me bokalistang lalaki na pagka-astig-astig ang boses sa tuwing kumakanta ng hits ng U2 at Tears for Fears.
Salamat po dahil kahit papaano… napangiti mo ako.
Posted in Barag-baragan, Boo!, Featuring: Ako!, Lipad-isip | 7 Comments »
Post No Spam
May 28, 2008Alam niyo ‘yung feeling sa tuwing nagbubukas ka ng pasalubong?
‘Yung para kang pinapatay sa excitement habang bitin na bitin ka nang makita kung ano ‘yung nasa loob?
Ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing ini-email ako ni donotreply@wordpress.com.
Naka-moderate kasi ‘yung mga comment sa blog ko.
Posted in Barag-baragan, Boo!, Lipad-isip | 19 Comments »
Forgettables
May 24, 2008Madalas kong makalimutan…
Posted in Barag-baragan, Featuring: Ako!, Lipad-isip | 17 Comments »
Cool off
May 19, 2008Kailangan mong maintindihan na hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kong magpa-cute para sa’yo.
May mga araw na bruha ako, bakla, palengkera, diyosa, kontrabida, mahadera, anghel, pokpok, drama queen, isip-bata… o kung ano pa, depende na lang kung saang kanto ng kama ako nagising.
Kaya ko ring maging stonefish at tumulala nang ilang oras habang nakikinig sa aking iPod.
Pero hindi ako robot, hindi ko kayang maging matalino at hyper 24/7 para sa iyo.
Tao ako. Live with it.
Posted in Barag-baragan, Featuring: Ako!, Good News, Lipad-isip | 13 Comments »
Hapo
May 15, 2008Diyos ko. Napapagod ako.
At nang mabasa ko ulit ito, bigla na lang akong nalungkot.
Posted in Barag-baragan, Featuring: Ako!, Lipad-isip | No Comments »
OT
May 12, 2008Laging sinasabi sa akin ng Papa ko: “Ano man ang mangyari, huwag na huwag mong ikokompromiso ang trabaho mo.”
Kaya nga tinawag ‘yang trabaho… kailangan siyang gawin, ayusin at tapusin… kahit pa matapat ito sa Mother’s Day.
(more…)
Posted in Barag-baragan, Boo! | 6 Comments »
?
May 6, 2008Me tanong ako:
(more…)
Posted in Barag-baragan, Coverage, Featuring: Ako!, Lipad-isip | 14 Comments »







