Isa sa mga pinakamasayang imahe na nakita ko sa araw na ito:
Matagal nang lumubog ang araw sa mundo ng isa sa mga pinakamakasaysayang bandang Pinoy noong dekada 90.
Muli itong sisikat… pero para sa isang gabi lang.
Ahh. Para akong bumalik sa pagka-high school…
December 1996: 4th year high school ako. Unang beses akong pinayagan ng mga magulang ko na manood ng concert. Siyempre, sa school grounds lang naman ang venue, so relatively safe ako.
Pumunta ako para makiuso… experience lang ba? Pa-graduate na kasi ako… kaso hindi naman ako fan ng Eheads noon eh. May mga kanta silang trip ko, pero hanggang dun lang ‘yun. Medyo nasisintunaduhan kasi ako sa boses ni Ely.
Pero matapos ang halos dalawang oras na nagsisisigaw ako sa tuwa… tuluyan na akong na-convert.
Pagkatapos ng concert, nakipagsiksikan pa ako para lang makunan ang litratong ito.
Makalipas ang ilang araw, may studio pic shoot ang buong angkan namin… at inatake ako ng acute gastroenteritis.
Parusa!
Pati yata balun-balunan ko, kung kaya kong isuka, isusuka ko.
‘Tuloy, hindi ako nakasama sa picture-taking nila…
Pero pag-uwi ng pamilya ko, may iniabot na bond paper si Papa sa akin. Akala ko basura.
Binasa ko ‘yung nakasulat, ang naintindihan ko lang, “Salamas,” “Aileen Rae” at…
May nakalagay na Marcus… Raimund… Buddy… at… Ely!
(*Photoshopped version ng autograph nila sa akin)
Napasabay pala sa photo shoot ng angkan namin ang shoot ng Eheads para sa librong “Fruitcake.”
Para akong nasa alapaap!
Mula noon, ipinangako ko sa sarili ko, balang araw, magkikita kami sa personal.
At nangyari nga… matapos ang ilang buwan…
1997: First year college na ako. May autograph signing sa SM North. Kinarir ko talaga na makarating dun.
De-film pa ang camera ko… at sa pagkakangiti ni Ely, halatang shino-showbiz lang niya ako.
Pero siyempre nung mga panahong ‘yun, wala akong pakialam kung ano man ang reaksyon ng mukha niya… nakabusangot man ‘yan, kikiligin pa rin ako.
Kung nagtataka kayo bakit ganyan ang ngiti ko… pinipigil ko kasi ang sarili ko… parang gusto ko kasing maiyak sa tuwa.
Eh katabi ko si Ely eh!
Kaso turn off naman kung umiyak na lang ako bigla sa harap ni Ely di ba?
Tatlong bagay ang nadiskubre ko sa sarili ko habang inii-scan ‘to:
1. Ang asim kong ngumiti sa camera (noon).
2. Ang tanga ko, bakit hindi ko kinunan ng litrato ‘yung kaliwang braso ko. Naubusan na kasi ako ng papel kaya pinirmahan ni Raimund ‘yung braso ko… gamit siyempre ang pentel pen.
Mga apat na araw ko ring hindi pinaliguan ‘yung braso ko. Braso ko lang ha. Tipong binabalot ko pa ng tuwalya. Kung hindi pa siya nangati, malamang eh paaabutin ko pa ‘yun ng isang taon.
In fairview, siya ang pinaka-friendly sa kanilang apat noong panahong ‘yun.
Hindi na rin ako nagtaka kung bakit siya ang pinakasikat na Eraserhead ngayon.
3. Ang baduy kong manamit noon.
Sumulat ako sa fan mail ng Eheads… ito ang ipinadala nila sa akin.
… at ang likod.
2006: Nagkaroon ako ng segment tungkol sa surfing. Case study ko si Marcus.
Pagkatapos ng trabaho, niyaya pa niya kami ng crew ko sa bahay nila. Konting jamming lang naman… at ipinagluto niya kami ng pasta.
Ikinuwento ko kung gaano ako kapatay na patay sa dati niyang banda.
Tinanong ko rin kung ano ang tunay na dahilan bakit nabasag ang kanilang samahan.
Pero ayaw na niyang pag-usapan kung ano ang nangyari sa grupo nila. Sawa na raw siyang ma-identify bilang ANG gitarista ng Eraserheads.
Hindi ko na siya kinulit.
Malamang eh naaliw siya sa akin, kasi maya-maya, me kinuha siya…
isang personalized mug… at kopya ng Pillbox - fan magazine noon ng Eheads.
Naalala ko pa noong sobrang panatiko pa nila ako, nagtatawag pa ako sa mga bookstore para lang maghanap ng kopya nito. Ambilis kasing na-sold out.
Iniyakan ko pa nung wala akong nakitang kopya.
Akalain mo… pagkatapos ng halos sampung taon… mismong miyembro pa ng Eheads ang magbibigay ng huling kopya raw niya sa akin.
…at nakasama ko siya sa inuman…
…buhay nga naman.
***
Lipas na ‘yung panahon na makikipagbalyahan ako para makapuwesto sa harap ng jampacked concert ng Eheads (sa Baguio ‘yun, 1998. Nagulat na lang ang mga pinsan ko nang makita nila akong nasa harap at nakikipagkapit-kamay sa ibang fans)…
Kung gugustuhin ko, may paraan na rin para makilala ko sila.
Nawala na rin ‘yung mga koleksyon ko ng cassette tapes ng Eheads.
At mas astig na para sa akin si Raimund.
Pero para sa mga lumaki sa ala-ala ng Pinoy Fab Four… iba ‘yung pakiramdam nung makumpirma naming totoo pala na magkakasama-sama ulit sila.
Habang ineedit ko ulit ang entry ko, napakinig na naman ako sa mga kanta nila.
Call me sentimental, pero para akong bumabalik sa panahon kung kailan simple lang ang lahat…
Sa August 30, ipinapanalangin ko na sana wala akong trabaho…
At sana… sabay-sabay tayong makapagbalik-tanaw.
Tags: Eraserheads, reunion












July 15, 2008 at 10:58 am
Wow eheads!!!
mukang hinanap mo pa sa baul ang mga pictures… sayang di ka nag smile
—
haha! sobrang na-inspire ako na magbalik-tanaw sa aking eraserheadsmania days nang ma-confirm ko ang balita… nagsisi tuloy ako bigla kung bakit hindi ako nagpalitrato nung nasa office si ely…
July 15, 2008 at 3:05 pm
wow taga-olga ka pala. taga-notre kasi ako at nandun ako sa concert nila nung 1996! 2nd year ako noon. hahahah! small world. =D
—
hehe! small world nga! malay mo magkatabi pa tayo noon? nasa me bandang right ako. lol!
July 15, 2008 at 3:37 pm
waaaaah…. kasusulat ko din lang nito nung sang linggo. nung mabalitaan ko, grabe parang sasabog ako as in spontaneous combustion ang drama ko. parang naiiyak na hindi…
pero buti ka ang dami mong picture ng eheads at may special gift ka pa galing kay marcus. idoooool!
naalala ko tuloy kung pano gumuho yung mundo ko nung ipamigay ng nanay ko yung ultraelectromagneticpop! cassette tape ko. waah.
manood tayong lahat!!!
—
handa akong ialay ang buhay ko para sa bandang ‘yan nung 16 anyos pa ako.
alam mo, bigla akong napahanap nung mga anik-anik ko sa eheads. ang sarap sa pakiramdam!!!
sana makapanood ako! pramis magwawala ako!!!
July 15, 2008 at 6:34 pm
at bigla akong naiinggit! mabuhay ang e’heads!
—
ganyan talaga kapag patay na patay ka sa isang banda… lol!
eheads forever!!!
July 15, 2008 at 6:51 pm
[...] Lenggai + Eheads Reunion Overdrive [...]
July 15, 2008 at 7:35 pm
namimiss ko ng magchongki.
wala akong kwenta, bye.
—
kay marcus ako unang… bye.
July 15, 2008 at 10:00 pm
awww.. hindi ko to dapat palampasin.. wahh..
—
inihahanda ko na nga ang knee at shoulder pads ko… mukhang magiging rugby match ang eksena sa concert… lalo na kung libre!
July 16, 2008 at 12:06 am
the picture! my golly! haha. natuwa akong nakita ang itsura mo many, many, many, many years ago. hahaha.
nood tayo nito. gusto ko rin.
—
and the HAIR!!! my god! kung alam ko lang na bagay pala sakin ang straight, dati ko pa ginawa! dami ko sigurong boylet nun dahil ang sexy ko! lol!!!
at hoy! sampung taon lang ang nakalipas mula nang makunan yan ha. wag kang OA sa “many, many…” mo!
July 16, 2008 at 7:19 am
wow, napakaswerte mo naman noong kabataan mo pa, anyway, rumors said na august 30 daw gaganapin, sa ccp open ground at libre daw, hehehehe
wala pa ako muna masabi sa ngayon kung matutuloy ang reunion convert namin hehehehe
—
tuloy na tuloy na siya kulot!
naibalita na. about dun sa libreng entrance, di ako sure, iniisip ko lang, paano kikita ‘yung mga organizer nun kung libre? at siyempre, hindi lang yung mga panatiko nung panahon nila ang dadagsa run, pati yung mga bagong convert… parang beatles yan eh (seriously!). iniimagine ko pa lang, riot yan panigurado!
July 16, 2008 at 8:20 am
grabe.. siguradong patok ang concert na ito..
lenggai - dapat ngumiti ka.. sayang ang photo op…
—
oo na! (hikbi!)
gusto ko ngang sampal-sampalin ang 16 year-old self ko… “Leche! Umayos ka!!!”
Pero maniniwala ka bang noong mga panahong ‘yan, pakiramdam ko eh pagkatamis-tamis ng ngiti ko?
…at wag ka mag-alala… babawi ako ngayon. malakas ang pakiramdam ko na in the VERY near future eh makakapag-photo op ulit kami…
July 16, 2008 at 11:12 am
huwatdaef! astig. nainggit naman ako sa iyo lenggai. ang lame kong panatiko. haha
habang sinusulat ko to, nakikinig ako ng mga kanta nila. ecstatic na ako sa reunion. eheads porebah!!!
—
imagine mo na lang kung sakaling hindi naging strict ang mga magulang ko sa akin noon. baka naging full-blown groupie ako, malamang sa hindi ang naging misyon ko sa buhay eh maging gelpren ni ely, o di kaya ni raimund… bwahah!
July 16, 2008 at 6:39 pm
aray ko, maryan ka rin pala, hahahaha. ah basta ako gusto ko rin sila pero ang talagang ded na ded ako until now e side A
—
hehe! gusto ko rin ng Side A te keng, pero may hindi magandang ala-alang nakakabit sa bandang yun kaya… hehe!
marian ka rin ba te keng?
July 17, 2008 at 1:59 am
hello nayakag ako dito ni Kengkay, kaya eto nice to meet you. naku those were the days ‘no.. malayo na nga narating mo. eh akalain mo ba yon.
ako naman paborito kong banda non eh true faith.. ano na nga kaya nangyari sa kanila, ma google nga.
—
hmmm. so far, parang di ko sila naririnig lately. hehe! nway, salamat sa pagbisita!!!
July 19, 2008 at 5:51 pm
enjoy ‘tong post na ‘to ..can relate ako!
—
sana nga nasa pinas ka, para sama-sama tayong magja-jamming dun!
July 21, 2008 at 12:46 pm
1 time ko lng sila napanuod d ko mtndaan and year…sa PUP gym un..grabe d ko ntapos concert kc sobra dami ng tao..sa gitna ako ng gym..d ako mkahinga kc sobrang init dami nga nahimatay dun..sinasabayan ko p nga c ely sa spolarium nila…para sa masa title ng concert..pero d ko alam f knanta nila un..1 of my fav song ko un PSM..with a smile no 1 skin..idol ko c ely talga..porma nia gnagya ko..nagkocompose din ako ng kanta..naging vocalist din ako year 2000…kc gusto ko maging katulad ko c ely..hehehe sayang nga lng d nmin nagwan ng demo tape mga songs nmin…hay naku..sana mkapnuod ako ng concert nila…haba na to ah…gud luck nd we hope n mging successful ang concert nd peace….
—
medyo mahaba pero ok lang.
sana nga mapanood natin. sayang naman, bat di mo subukan ulit? just for the heck of it.
July 22, 2008 at 10:42 am
hay ang yummy ni ely in person, pero mas yummy yung asaw niya? hahaha, what is red eyelashes-extension and pek-pek shorts nung nakita sila sa dasma before pero with his band pupil, host kasi dun yung kakilala kong ewan, lalaki yun pero fafa ely tawag niya dun ha.starstruck talaga
—
haha! oo nga, ang yummy ni dianne, kaso hindi kami talo… sa lalaki pa rin ako…. lol!
July 24, 2008 at 3:55 pm
nakinig ako kanina balita. Si ely nag salita.. kaya daw sila nag reunion for free, para sa mga fans nila noon at ngayon.. and kaya sila magrereunion kasi for the past years napanatili daw nila ang magandang samahan…
parang paepek lang ni ely pero ok na un makita lang ulit sila sama sama tumutugtog ayos na pare ko.
—
pero duda ako kung wala talgang nagbago…
July 25, 2008 at 2:39 pm
haha! sama ko tatay ko
—
o, bat kasama tatay mo? lol!
July 25, 2008 at 11:49 pm
indi naman halata na die hard fan ka ng Eheads…kuya ko parang din adik nuung hayskul siya sa Eheads..pati ang mga barkada niya na mga sunog baga…
pero ano ang muwang ko noon eh grade 3 palang ako nun nung nagsimula akong makilala sila..
o sya!!tyak liligaya si kuya sa balitang to..
—
gosh! feeling ko sobrang tanda ko na, lol!
July 30, 2008 at 3:09 pm
ang husbandry ko sobrang fan ng eheads kala ko nga bading sya nung mag jowa pa lang kami kc patay na patay ke ely, nung napagkamalan nga syang c ely e halos 1 month nya yong kinarir at ninamnam impernes to my boytoy naman magkahawig talaga cla lalo nung makita namin sya in person sa mall d2 sa las pinas. At talaga namang fan sya ng eheads dahil simula noon hangang ngaun kahit 12 years na ang nakalipas eheads and beatles music lang ang pinatutugtug nya, tanong nyo pa sa mga kapitbahay namin araw-araw kya nilang naririnig kanta ng eheads, pramis, totoo to!
—
wow! kamukha ni ely?! suwerte mo naman ‘te! hehe!
ako rin, never pa nagsasawa dun sa mga kanta nila… maliban nga lang siguro dun sa mga huling kanta na nila… hindi na masyadong maganda eh, parang pare-pareho na ang tono. ‘yung julie tearjerky lang ang trip ko tsaka pop machine.
salamat sa pagdaan!
August 7, 2008 at 5:15 pm
matagal ko na ring nasabi sayo na isa ako sa fans ng eheads. aktwali pati mga kuya ko. sa lahat ng mga banda nung 90’s eheads talaga ang sumikat. iba kasi music nila, talagang tumatatak sa mga tao. isa ako sa mga nalungkot nung ma-disband sila. tsk, tsk…
magandang pagkakataon to para i-relive ang eheads mania. sayang nga kasi di ko mapapanood reunion concert nila.
[napadaan ulit]
—
bat naman? sayang din. salamat sa pagdaan!
August 11, 2008 at 9:46 am
medyo malayo kasi ako sa manila ate lenggai. and2 ako sa cebu. kaya yun, i can’t make it to the concert.
minsan na nga lang ako mapadaan sa blog mo eh. kaya siguro napasama ako sa dinelete mong links nung maglinis ka ng blogroll. hehe
August 25, 2008 at 11:51 pm
wow sna makpunta aq,kc fan din ako ng eheads,,,tutal nman ala nman akong pasok,,,kaya lng bka mag ka importanteng lakad,,huhuhu T_T
MABUHAY ang ERASERHEADS….sna d lang isang araw sana tuloytuloy na.weeeeeeeeeeeee^______________^
mag MU online Muren…!!!!
—
parang hindi na yata siya tuloy kasi hindi sila makakuha ng permit sa venue…