1450:
May announcement ang PAL: “Free round trip ticket with hotel accommodations” daw, valid for one year para sa dalawang pasaherong hindi gaanong nagmamadaling pumunta ng Zamboanga, at papayag magpalipat sa next flight… Nagkatinginan kami ng assistant cameraman ko… Putris!
Boracay… Palawan… The possibilities are endless…
Eh may appointment kami ng alas-sais sa Zamboanga… Wari’y pumepedal nang nagtataas-baba ang kanang paa ko…
“Hindi niyo naman kailangan ng assistant sa shoot di ba?” nakangiting tanong ng kasama ko…
Shet. Di pa ko nakakarating ng Boracay… Napatingin ako sa me boarding gate… Me dalawang mukhang DOM nang nakatayo dun…
“Ay, me nakakuha na…” Sabi ng kasama ko…
“Ampft! Seryoso ka?” Sabi ko… Kung sitcom ito, ito na ‘yung moment na hahampasin mo ‘yung sidekick ng nakatuping diyaryo…
“Watta pobre… Wala silang pambili ng ticket…”
…at tumayo si Lenggai para bumili ng cinnamon roll at ensaymada sa kalapit na Red Ribbon…
1520:
May dalawang Muslim na sumisiksik sa akin. Sa gitna nila kasi ako nakaupo… Sabi ko naman ke Manong counter sa check-in sa window seat ako, eh nakipagpalit ako ke assistant ng puwesto… ayun… sakop nila parehas ang magkabilang arm rest ko… Para naman kasing ang liliit naming tatlo?
Sumbong ako ke Jon…
1530:
Shocker! On time ang PAL!
Ewan ko kung epekto lang ito ng Eraserheads… pero habang naka-full volume akong nakikinig ng “Sembreak,” pinapanood ko ‘yung in-flight presentation ng PAL… ‘yung demo tungkol sa lifevest, oxygen mask, etc….
Pagdating dun sa parte ng pag-inflate ng lifevest, nag-flashback sa akin ‘yung mga napapanood ko sa NatGeo na Seconds from Disaster…
Meron kasing isang episode dun, pagka-crash ng eroplano sa tubig… lahat ng naka-inflate ang lifevest, na-trap sa loob ng eroplano. Pinagsabihan na sila nung swimming instructor na kasama sa flight na huwag na huwag buksan yung lifevest habang wala pa sa tubig… eh siyempre, panic mode na ang lahat, yan tuloy, pagbulusok nila sa tubig, lahat ng naka-lifevest, naipit at nalunod sa kisame nung eroplano… yung swimming instructor, lumangoy muna sa labas saka ininflate yung vest niya.
Malaki ang mali sa mga instructional video ng air carriers natin. Dapat itama nila ito. Kahit pa mas malaki ang posibilidad na mabangga ko ang kotse namin habang pauwi ako sa editing kesa mag-crash land ako sa Celebes Sea… Pero kahit na…
• Sa mga nag-eeroplano at mag-eeroplano kong mga ka-blog… Now you know…
1600:
Song in my Pod: Kama Supra by Eraserheads
Haaaayyyysss…. Buti pa ang PAL, may libreng biskwet… Kahit busog na ako sa Cinnamon Roll at Ensaymada ng Red Ribbon… Malugod ko pa ring nilafang ang chocolate cookies at rebisco at sampaloc cany nila…
Sinisiksik pa rin ako nung dalawang Muslim… Makapag-laptop nga para talo-talo na!
1640:
Music in my Pod: Julie Tearjerky by Eraserheads
Nag-excuse me muna ako sa katabi ko… CR ako kako…
Sa CR… Nagugulat pa rin ako sa tunog nung flush… Pagkalakas-lakas… tinakpan ko tenga ko…
Me kumatok. Di yata nakakabasa ng “Occupied” sign sa pinto. Eh naghuhugas pa ako ng kamay…
Katok ulit siya. Mas mabilis. Sabi ko may tao pa, sandali lang.
Kumatok ulit. Nainis ako. Binasa ko ang aking mukha.
Kung tapusin ko kaya yung kanta?
16:55:
Music in my Pod: Ang Huling El Bimbo by Eraserheads
Malapit na kaming mag-landing. Pinapaupo na ang mga pasahero. Nagkakagulo pa rin kami sa upuan.
Yung isa kasi sa mga Muslim na sumisiksik sa akin, ‘yung nakaupo sa me bintana, nag-CR (siya yung katok ng katok)…
Ngayon, kinakailangan naming tumayo ni Muslim#2 para ma-accommodate si Muslim#1.
Nalito ‘yung stewardess na nag-aassist kasi sumabay ang pag-block namin sa aisle sa pag-iipon niya ng kalat namin, nainis na rin ‘yung mga nakaupo sa harap namin.
17:03:
Nakababa na ang eroplano namin.
Welcome, Zambo!
At ito na ‘yung panahon na papatayin ko ang laptop ko.
January 31, 2008 at 3:50 am
hahaha, magaling na welcome yan sa zambo.. punta ka sa boracay, maganda dun…pramis. at bakit ka nakiki teks sa eroplano, di ba bawal gumamit ng celpon dun? at eto pa bakit ko, bakit sa domestic may red ribbon at sa intl wala yata? at eto pa… uwing uwi na ko, helffff. itong mga little kengkays ko rin, kapag gumamit sila ng CR sa eroplano, dapat lalabas muna sila bago ko i flush yung toilet kasi natatakot silang mahigop daw sila nung flush, wahahaha. ang ingay nga naman talaga e.
—
ahmmm… may experiment ako, titingnan ko kung mate-trace nila kung sino yung naka-on ang celfone… hehehe!
gusto ko ngang tingnan kung totoong mahihigop ka nung flush… pero ayokong subukan sa sarili ko, ampanget… ang “nakauna” sa akin, inidoro sa ‘plano… shocker!!!
January 31, 2008 at 3:50 am
ooops, yung kambal ko pala ang naka log on at nag iwan ng unang komento, hahahaha
—
korak!!! kala ko te kenks, me bago akong bisita… gulat ko me “little kengkays” na special mention… hehehe!
January 31, 2008 at 3:53 am
I know hindi nakakatawa yung tungkol sa instructor and passengers pero tumatawa pa din ako dahil sa ka-T* nila! =P
—
Ang P kasi nila!!!
***go fig!
January 31, 2008 at 6:25 am
hindi mo binanggit dito na nung nagsumbong ka sakin ang ipinayo ko sayo e
“baka naman pwedeng pakiusapan kung medyo hindi ka kumportable, tutal naman mga kapatid din natin sila di ba?”
PS
yung DVDx ko ha! tnxinadvanz.
—
ewan ko lang ha…
***napatingin sa mga lumang message sa cellphone…
… pero dahil ayokong ma-jihad ka… sasang-ayon na lang ako…
January 31, 2008 at 8:28 am
wow. maka-eraserheads ka pala! nice.
—
oh yeah! at maroon 5, beatles, jamiroquai, u2… at eheads… lalo na nung bago sila ma-disband… kumpleto ko lahat ng cassettes nila (walang kokontra, cassette lang ang kayang bilhin ng budget ko noon!)…
kaso nakakalungkot, kasi ngayon, ayaw na nilang ma-associate sa Eheads… but that is for another entry…
January 31, 2008 at 9:35 am
buti k nga po e nakakasakay n ng eroplano ako e hindi p!pero mkakasama ko si happy slip s feb 7.ok n un.ahehehe!baka nid niyo ng extra PA!aheheh
—
masuwerte lang ako at kasama sa trabaho ko ang lumipad ng libre… hehehe! congrats ke happy slip!
January 31, 2008 at 9:46 am
ako na naman siguro ang first to comment dito ah! hehe
buti ka pa kasi panay ang travel mo. ako eto, laging nasa office every day. para sa saturday ba yan? sana mahuli na kita on TV. kaya lang parang madulas ka eh. jowk!
fan ka rin pala ng E-Heads. ako rin kasi. since childhood pa nga eh.
—
sadly… hindi ikaw ang first ko ngayon…
childhood, ampft! nakakahiya naman! hayskul ako nang pumutok nang husto ang kasikatan ng Eheads!!!
January 31, 2008 at 11:11 am
pusa….. rebisco…. hindi aabot sa sikmura ko yun… lolz
—
Believe me, manna from heaven na ang arrive nun kung isa kang pasaherong gutom… lalo na’t “ginto” ang pagkain sa airport… ang mahal!!!
January 31, 2008 at 11:24 am
Hehe nangyari sa akin to, my 2nd flight to singapore late 2003.
Since ako ang isa sa nauna na pasahero na nag check in, at naging ka-tsikahan ko yung tao dun, binulong sa akin na baka gusto ko daw magpaliban ng isang araw sa flight ko.
Ang kapalit ng isang araw ko, 1 night stay sa heritage hotel sagot lahat nila. Tapos libre pa ulit na ticket to singapore two-way for free.
Kaso, in lab ako nun e. May hinahabol akong babae sa singapore, kaya napunta din sa muslim yung ticket na para sa akin.
Tapos, iniwan din ako nung babae. bwahaha… LIFE!
—
Ang mahal mo namang magmahal!!! Hehehe!!!
January 31, 2008 at 7:10 pm
Hi Lenggai… sa department namin may loko loko na nagpa uso na kapag sasakay ng eroplano kailangan ng airline shoes. Purpose: to defy gravity daw otherwise lulutang ka sa eroplano pag nasa ere na. Hindi man ako yung naisahan, may mas uto uto na pumunta pa sa Glorietta para lang humanap ng airline shoes. La lang, kwento ko lang.
—
Some people are so… bright…
Salamat sa pagdaan!
February 1, 2008 at 3:32 am
Hi Lenggai, pa-add naman ng http://www.tapsiboy.com/creativehands
it’s my blog for my designs.
Salamat.
—-
Copy!
February 1, 2008 at 9:18 am
haha
i know first ako. naka-awaiting moderation lang ang comment ko. ikaw ha, mino-moderate mo na comment ko. ahehe
Ouch!
parang gusto mong sabihin na ang tanda ko na. 22 pa lang ako. siguro nga hayskul ka siguro non then elementary ako. hehe
—
sus… di ka nag-iisa… hehehe!