Mukha

Meet Jackie. 5 years old.

Meron siyang neurofibromatosis, sakit kung saan may mga tumor na tumutubo sa litid o nerve ng isang tao. Hindi ito nakakahawa, pero puwede itong mamana.

Masayahing bata si Jackie, at ang kanyang paboritong kalaro, ang kanyang bestfriend at bodyguard, ang kanyang Ate Jamby.

Buong buhay niya, hindi pa nakakarating ng mall si Jackie. Choice din ng kanyang Nanay.

Maliit lang daw itong sakripisyo para maprotektahan ang anak sa lupit ng mga tao sa “labas.”

Hindi masakit ang bukol na halos sumakop na sa buong mukha nung bata, ang mas masakit daw eh ‘yung pangungutya ng mga tao sa kanya.

Ganun din ang opinyon ng Nanay ni Emma, 25 years old. Taga-Camarines Norte.

Dahil sa kanyang kondisyon, “itinago” na siya ng kanyang ina sa maliit na barong-barong na ito sa gitna ng kabundukan.

Grade 1 lang ang naabot niya dahil pinatigil siya ng kanyang mga maestra sa pag-aakalang “nakakahawa” raw ang kanyang sakit.

Ngayon, sa laki ng bukol ni Emma, lumawlaw na ang kanyang tenga. Dahil nga wala silang pera, tanggap na niya na ito ang magiging kapalaran niya habambuhay.

Ito ang segment ko para bukas.

Ito ang bago kong pinagpupuyatan,

Hindi pa nga ako tapos dahil may shoot pa mamaya. As usual, hindi na naman ako makatulog. Ok lang dahil idlip lang ang kailangan ko, babalik pa ako sa opisina bago mag-alas singko ng madaling araw para mag-preview ng shoot ko kanina kina Emma.

Pagkatapos kong mag-preview, kailangan ko nang magsulat ng script. At mag-shoot ulit.

Sana lang, mabigyan ko ng hustisya ang kuwento nina Jackie at Emma.

Sana lang, mabigyan ko ng boses ang kanilang magagandang pangarap.

About these ads

21 Tugon to “Mukha”

  1. lilmiz Says:

    shox, kawawa naman sila! lalo na si jackie, ang bata pa nya :( curable naman sya ate? kawawa talaga, sana mapagaling sila :(

    yeah. pero complicated ang procedure. at wala silang anda… gusto mo mag-donate? :(

  2. paolomendoza Says:

    hindi ba libre magpagamot sa public hospitals? anyway.. i’m sure you’ll do them proud with your script. :)

    naku… asa pa u na malilibre ang public hospitals sa pinas…

    i hope marami nga ang naantig…

  3. kaith Says:

    ay :( nakakalungkot isipin na tama sila sa pagsabing mas masakit ang kutya ng mga tao kesa sa kanilang karamdaman. may napanood din ako dati na tinutubuan ng mga bukol2 sa buong katawan. pinandidirihan din dahil akala ng mga tao nakakahawa. :( ang daming ignoramus sa mundo.

    pero pag na-operahan ba te, maaayos tlaga na mukhang normal tlaga ang mukha?

    madugo at matrabaho ang operasyon, pero once naagapan yung affected areas, di siguro magiging singpansinin ngayon.

  4. Raymond Lee Quijano Says:

    hmm… makakapag donate ako pero hindi magiging sapat ang pera para sa operasyon o kung anu man… sana makita ito ng malalaking tv networks…

    nai timbre mo na ba ito sa kanila? pwede ka ring lumapit sa ayala foundation, sa malacanang, senaytors, o kaya sa mga artista para makalikom ng pondo.

    gusto ko sana ako mismo lalapit but hindi ko kasi alam ang mga exact details sa kanya. tanging ikaw lang ang makakapag bigay ng boses para mabigyan ng tugon ang kanyang mga pangarap.

    kung hindi man operasyon ang magiging sagot… maari naman natin daanin ito sa ibang mga bagay…

    sana napanood mo ‘yung feature namin sa program namin kanina… mas makikilala mo silang mabuti. pero kung gusto mong makatulong, in cash or in kind, please let me know. am sure maa-appreciate nila ‘yan.

  5. MisyeL Says:

    gosh, naawa naman ako…

  6. koreanmine Says:

    pede kaya yung txt e convertible sa cash, i mean , lhat ng mag te text madodonate sa 1 tao, kc imagine, yung pisong text na walang kwenta napo 4ward di ba, eh ilang txt yun sa isang araw, kung sa piso lang sa bwat may cell sa pinas, dami dami ma22lungan cguro
    (la lang, naisip ko lang, la kc ako pang donate, la nmn mang yayari sa awa ko :( )

    meron! kung may mairerefer ka sa aming sponsor… why not?

  7. aKDa Says:

    sad reality… :| wala akong pang-donate e. are there any other ways i can help?

    prayers dear, na sana, maraming naantig sa feature namin at mag-offer ng tulong.

  8. wei vines Says:

    uhhhmmm.. it makes me think: sino nga ba may sabi na life IS fair? deym.

    it is, wei, even for the supposedly god-forsaken ones…

  9. kengkay Says:

    mahirap yung mga desisyon nung mga nanay nila na itago ang mga anak nila, pero naiitindihan ko naman kung bakit; maraming hindi makakaintindi sa sakit na yan. kwento ko lang.. ang little kengkays nanood ng tv, may pinalabas tungkol sa isang batang halos mukhang halimaw na dahil sa dami ng buhok nya sa buong katawan. akala ko matatakot yung dalawang bulinggit pero alam mo kung ano ang sinabi nila? ‘mama, ang ganda naman nung damit nung bata.’ sa tingin ko, kung bata pa lang e hindi nila nakikita yung pagkakaiba ng isang tao e, tapos kung palakihin mo rin yung anak mo na sensitive sa pagkakaiba nung ibang tao, magiging maganda rin ang mundo para sa mga nag-aalangan na makisali sa lipunan. kaya mo yan, lenggai. sigurado ko mabibigyan mo ng justice yang istorya mo.

    salamat te kenks! katatapos lang kanina, at kahit naedit-edit yung script, i believe i did justice sa shoot at editing. marami naman ang napaluha, pero sana, marami rin ang na-inspire tumulong. lalo na dun sa bata. maganda ang mundo. sana hanggang paglaki niya, ganun pa rin ang tingin niya rito.

  10. taroogs Says:

    grabe… what can one say when confronted by reality as cruel as this?

    nahiya tuloy ako sa mga nirereklamo ko tungkol sa sarili ko… looking at these people, alam kong napakasuwerte ko.

  11. eNocH Says:

    bakit kasi ugali na ng tao gawing katawa-tawa ang mga taong may kapansanan o yung sa akala nila di-normal.

    sometimes, people make fun of things or people they don’t understand… let’s just pray emma and jackie will find their heaven.

  12. bomberoking Says:

    napanood ko ito kagabi..!
    na sad ako..!
    and…
    NABIGYAN MO NANG JUSTICE ANG KUWENTO NILA..!

    maraming salamat sa pagbisita at sa pagnood… buti at nagustuhan ninyo. Sana me mga tumulong, kawawa naman sila. :(

  13. Rhapsody Says:

    nakakaawa naman sila…. i hope matulungan ninyo sila through your program kung may chance pa na maoperahan para maging normal sila. ang hirap kasi lagi na lang silang tinatago sa ibang tao. mapapanood ko ba ang program mo sa youtube?

    i hope din, maganda naman ang response ng viewers sa segment, may mga tumawag, and i hope talaga may tumulong… nakakaawa talaga… sobrang bait nung bata, naaawa rin ako sa magulang… balak ko nga, magbigay rin ng something oras na makaluwag-luwag na ako… sana meron ding tumulong dito.

    and yes, you can watch our program sa youtube, type mo lang jessica soho. marami nang lalabas, pede mo ring sort by date, lalabas dun yung mga recent uploads. mababait yung ibang viewers namin, sila na naga-upload, sana ma-enjoy ninyo yung show namin. :D

  14. ladyracer Says:

    nagpaseminar yung class namin today about plastic and cosmetic surgery tourism in the phils. we had a very good speaker na may mga similar cases na pinakita kanina. he’s a very good plastic surgeon that works on a government hospital…afp medical center to be exact.

    hindi ko lang sure if may bayad pag indigent. may mga pinakita kasi syang former patients na nagimprove ang quality of life after the operation, most of whom are from the low income bracket.

    hmm… may name ka and contact? i can give this sa mom ng case study ko, baka sakaling makatulong…

  15. Rhapsody Says:

    ay grabe timing nga nung off ko at nakatigil lang sa bahay, napanood ko nga ang segment ninyong iyan kaya dun ko lang nalaman na sa jessica soho pala ito. kaya mejo nagbibida bida ako as mga karoommates ko na nakita ko na iyan sa blog hehehehe…

    at nakakaawa tlga sila lalo na pala kung madadagdagan ang edad dahil mas lalong lalaki ang tumor… haaaayyy… i’ll pray for them na maoperahan at maging normal ng life nila..

    Maraming salamat sa pagnood!

    May isa pa, yung segment ko sa Sabado, pero di ko makontrol ang litrato rito sa laptop ko, sa PC na lang siguro… Hehehe!

  16. Kamalayang Kalayaan Says:

    kaibigan repost ko sa blog site ko…..

  17. Mukha (ng lipunan) – isang panawagan « Kamalayangkalayaan's Blog Says:

    [...] original link Ang pinay brodkaster http://angpinaybrodkaster.wordpress.com/2008/01/18/37/ [...]

  18. Mukha (ng lipunan) - isang panawagan « kamalayangkalayaan Says:

    [...] original link Ang pinay brodkaster http://angpinaybrodkaster.wordpress.com/2008/01/18/37/ [...]

  19. eurica c. manalese Says:

    hello..

    po…

    kamuztah..

    ok lng h b kau jan

    lagi lang po kayng mag pray kay GOD

    wg kaung mawalan ng pagasa…

    lgi nandian ang dios para sa iniu….

    ingat kau plgi..

  20. christine Says:

    dont mind them just believe in God…ang Diyos lna nakakaalam…..

  21. wenny Says:

    kung mayaman lang ako tutulungan kitang mapagamot ipagdasal na lang kita sa may kapal ?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: